CHAPTER 10: Theatrical Practice 2
AERIS' P.O.V.* 4 weeks and 3 days later*
Sa loob ng 1 buwan at 3 araw ay mas nakilala ko lalo si Yi- an. Hindi siya yung taong inaasahan ko. Akala ko kasi seryoso siya, pero mali ako. Napakulit niyang tao at marunong din pala mangtrip, medyo masaya siya kasama.
Saka, siya na ang palagi kong kasama umuwi, deretso kami sa bahay eh para mag practice.
3 p.m. ng hapon ngayon at naglalakad kami ni Yi- an papuntang bahay, don namin ipagpapatuloy yung practice namin.
Hindi ko na nga rin nakakasabay ang mga kuya ko sa pag uwi, dalawang araw na rin yun dahil nga sa iba iba na ang lugar na pinagpapractice- an namin.
"hapon pa ah bakit may fishball vendor na?" tanong niya kaya napalingon ako sa eskina na paliko sa daan na papunta samin.
"andiyan na sila 2 p.m. palang" ako
"may bumibili ba?" siya
"meron naman. Noon, palagi kaming nililibre ni dad dito, tuwing pagod siya sa trabaho niyayaya niya kumain ng street foods" ako
"tara, ako na naman ang manlilibre sayo" siya kaya napalingon ako.
"totoo?" ako, ngumiti naman siya kaya napangiti rin ako.
"libre mo ah" ako at nagsimula na maglakad papunta sa mga nagtitinda.
"libre ko nga, baka mag emote ka na naman haha" siya
"namiss ko lang si dad no, ano masama don" ako
"bilis daldal mo eh" siya saka inakbayan ako.
"don tayo, suki namin yun" ako, sabay turo.
"hi po manong Ben" ako, napalingon naman si mang Ben sakin.
"Aeris? Ikaw na ba yan?" siya
"walang iba po ^_^" ako
"halos isang taon din kitang di nakita ah, musta na?" si mang Ben
"okay na okay po, hehe napakatagal na nga po non" ako, napalingon naman siya sa gilid ko kaya lumingon rin ako kay Yi- an na siyang katabi ko.
"boyfriend mo?" biglang tanong ni mang Ben, dali dali naman akong umiling
"di po, kaibigan ko po. Anak din po siya ng best friend ni dad, si tito Vince" ako
"ah oo nakilala ko" si mang Ben
"ako po si Yi- an" Yi- an at nag shakehands sila ni Mang Ben.
"anong sa inyo?" tanong ni mang Ben
"yung fishball po" ako at kumuha na ng pantuhog, ganon rin si Yi- an.
"ilan po lahat mang Ben?" tanong ko
"100 lahat Aeris" si mang Ben
"Yi- an 100 da---" di ko na natapos yung sasabihin ko nong nakita ko siyang naglalakad na.
"teka lang po mang Ben ah" ako at hinabol si Yi- an. Tumawa naman siya ng maabutan ko siya.
"ikaw ha tinatakasan mo ako, akala ko ba libre mo?" ako na nakapamewang pa.
"haha, hinabol mo pa talaga ako, oo na, libre ko nga diba, inaasar lang kita" siya
"salamat naman, wala pa naman akong dalang pera. Bayaran mo na nang makapagpractice na tayo" ako
"oo na po" siya at naglakad na papunta kay mang Ben.
*sa bahay*
"dali, darating ang mga kuya ko at ayokong nakikita nila akong nagpapractice, nakakahiya yun" ako
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...