CHAPTER 6: The awkward scene with my brothers
AERIS' P.O.V.Matapos ang nangyari nong Lunes ay regular ko ng iniinom ang gamot ko. Nagtataka nga si dad kasi sobrang pula ko daw, baka umiinom daw ako ng vitamins ng di niya alam.
Saturday ng hapon ngayon at nanunuod ako ng laban ng mga kuya ko, nagso- soccer sila. Di ko pa nasabi pero may soccer field kami, may golf, may basketball court, volleyball at iba pa.
Eto ang magkabilang team; Blue team: kuya Nini, Zi, Hyun, Min, Sese at Dae
Red team: kuya Chris, Jun, Yeol, So, Yi at Lulu.Kasalukuyang nangunguna sa puntos ang red team sa pangunguna ni kuya Lulu, galing niya dito e.
"go kuya Lulu!!" sigaw ko
"hoy Aeris ang traydor mo!!!" sigaw rin ni kuya Hyun
"oo nga, biased yun ah!!" kuya Dae, kaya naman...
"GO Kuya Hyun at Dae!!" ako
"eh?! ba't sila lang!!" kuya Nini, aish...
"GO Blue team!!!" ako
"hoy, hoy, hoy! Biased rin yun ah!!" kuya Yeol, napakamot naman ako sa ulo ko, ang kulit naman nila
"GO BLUE TEAM AT RED TEAM!!! SATISFY?!" ako, napatawa naman sila kaya napangiti rin ako.
At last sina kuya Lulu ang nanalo, 3 points lang din naman ang lamang.
Papunta na sila sakin ngayon, andito kasi ako sa mini- bleachers eh. Papunta rin sana ako sa kanila kaya tumayo na ako, kaso nadulas ako at....
*bogsh...* (sorry i'm not good at sound effects)
Halik sa lupa, apu!!
Itinayo nila ako agad at pinaupo sa unang hakbang ng bleachers."okay ka lang ba?" kuya Chris
"may masakit ba?" kuya Hyun
"may galos ka ba?" kuya Lulu, tss... oa naman nila, sobra makareact
"okay lang po ako, sadyang tanga lang yung kapatid niyo" may pagsarcastic kong sabi, napangiti naman sila bahagya kaya napangiti rin ako.
"tara na nga hapon na" kuya Jun at naglakad na kami papunta sa bahay.
"dumaan muna tayo sa garden" kuya So at tumango nalang sila.
Nagtatanim ng bonsai cactus si kuya So at 12 silang lahat, na nakapangalan sa mga kapatid ko including kuya So. Nasa middle ng garden ang mga cactus at nakaform iyon ng shape na hexagon at ang center ng hexagon ay ang mabulaklak na puting rosas which is kapangalan ko.
"hoy So, di ba talaga lalaki yang cactus mo, iyan ata ang pinakamaliit sa lahat ng cactus eh" kuya Yeol sabay tawa, napalingon naman ako kay kuya So habang pinipigilang tumawa, nilakihan lang siya ng mata ni kuya So.
"uy, ang daming bulaklak ni Aeris ah" kuya Sese
"inalagaan niyong mabuti eh" ako habang nakangiti.
"tara na, maggagabi na rin" kuya Chris at nagsiuwian na kami.
Maghahapunan na pagkauwing pagkauwi namin, agad nga kaming nagsipuntahan sa mesa eh.
"hep, hep, hep. Hugas muna ng kamay bago kumain" lala Ling, ang mayor- doma ng bahay namin. Nasa 60's na siguro siya at para na rin namin siyang lola.
"opo Lala" ako, napatingin naman ako sa mga kapatid ko na nag uunahan sa paghugas ng kamay, siguro nagugutom na talaga sila hehe.
"Lala, sabay na po kayo samin" kuya Min
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...