Bro 20

186 7 0
                                    

CHAPTER 20: Burdened
AERIS' P.O.V.

3 araw na ang makalipas matapos akong ihatid ni Jun hyung. Pahirapan ang buhay dito at hindi talaga ako sanay na wala ang mga kuya ko. 3 araw na akong nagpapabili sa landlady ng pagkain sa labas dahil wala pa ako sa mood para kumilos. Lagi lang akong nasa kwarto, umiiyak o nagmumukmok.

Medyo sumasakit na naman ang ulo ko kaya kinuha ko ang lalagyan ng gamot ko. Laking gulat ko ng napakaraming box ang andito, mga 7 ata.

"sa pagkakaalala ko, hindi naman kami bumili ng gamot ni Jun hyung ah" ako habang pinagmamasdan ang mga box 4 na box.

Si kuya Hyun ang unang pumasok sa isip ko.

Tama nga ang hinala ko. Di man niya sabihin sakin o samin na may sakit siya, alam kong gaya ko, may brain cancer din siya. Binalaan na kami ng doktor kaya di na kahinahinala na may sakit rin siya.

Gaya nga ng sabi ko noon, dumadaloy sa dugo namin ang brain cancer. Wala pang naka survive sa sakit na ito sa pamilya namin, maging sa mga pinsan ko. Katunayan nga, si Raycelle isa sa mga pinsan ko na may sakit ay nakaratay na sa hospital. Palaging natutulog at oras oras pinapainom ng gamot.

Napalingon ako sa mini table ng mapansin kong may tinig ng pag- vibrate. Nangunot ang noo ko ng makita ang caller.

"hello ate Jamby?" ako

"[hello rin Aeris]" siya

"ba't ka nga po pala napatawag?" ako

"[11 am na kasi at wala pa ang kuya Jun mo. Pakisabi na bilisan ang kilos niya, naghihintay na kasi yung kliyente eh]" nagulat naman ako

"ate, hindi po kami magkasama ngayon. Ba't di niyo po subukang kontakin siya" ako

"[yun nga ang problema eh, di ko siya macontact. Teka, nasaan ka ba?]" siya

"umalis po ako sa bahay" ako

"[huh? You mean lumayas ka?]" siya

"parang ganon na nga" ako

"[bakit? Anong nangyari?]" siya

"mahabang istorya eh, alam niyo na rin siguro po iyon" ako, panandalian namang natahimik sa kabilang linya

"[nasaan ka ba? Pupuntahan kita]" siya

"ite text ko po yung address" ako

"[sige, bye]" siya at binaba ang linya. Itinext ko naman sa kanya ang exact address ng lugar na ito.

Kung nagtataka kayo, siya si ate Jamby. Siya ang secretary ni Jun hyung. Napalapit na siya sa amin at pamilya na rin ang turing ko sa kanya. Siya pa nga ang hinihingan ko ng tulong minsan eh.

"Aeris" may tumawag sakin sa labas pero di pamilyar sakin yung tinig.

"sino yan?" ako

"may naghahanap sayo" yung boses kaya binuksan ko ang pinto.

"ate Jam" ako

"maraming salamat po" si Ate Jam doon sa babaeng kumatok kanina sa bahay. Umalis naman na ang babae at pumasok na kami sa loob  ni ate Jam.

"naku Aeris, ba't dito ka nakatira" siya

"mukhang di masyadong safe ang mga tao rito" dagdag niya pa.

"si Jun hyung po ang nagdala sakin dito" ako

"ah, inaasahan ko na iyon" siya

"pero okay ka lang ba dito. Baka di ka komportable, nakakatulog ka ba ng maayos?" siya

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon