Bro 13

190 6 1
                                    

Dedicated by Attack_Maze (Vena Rose)

CHAPTER 13: Aeris' Upcoming 18th Birthday
AERIS' P.O.V

July 27 na ngayon at 9 araw nalang 18 na ako (based on 2018 calendar). Di ko na masyadong nakakausap ang mga kuya ko at di na rin kami ganon kadalas mag bonding gaya noon. Nagpe prepare na sila sa pagpa practice nila sa kompanya, di ko na nga sila nakakasabay umuwi, pero sinasamahan naman ako ni Yi- an, minsan kasama rin si neesan.

Minsan naiilang na ako kay Yi- an, at yun ang kinakatakutan ko. Alam kong may nagbago na eh, na di na tulad ng dati. Siya nga rin naman ganon. Kasi sa pagkakakilala ko sa sarili ko di ko naman binibigyang malisya ang mga simpleng bagay pero ngayon may iba na akong naiisip, kakainis nga eh.

Busy ang lahat dahil sa paghahanda ng mga kuya ko sa kompanya. Madalas na mag away si dad at Chris hyung eh, masyadong pini- pressure ni dad. Di raw maganda ang performance nila, minsan nakikita kong napapaluha na si Chris hyung.

Web toon yung kompanya namin at magre release ng mga story. Matagal na itong pinaghahandaan ng kompanya kaya siguro nagkaganon si dad.

Nasa sala kami ngayon, kakauwi lang nila eh, ang tahimik nga ng bahay dahil siguro sa pagod sila.

"Aeris kamusta ka naman?" kuya Lulu

"okay lang naman po kuya, namimiss ko lang po kayo kahit na magkasama tayo dito di ko naman kayo ganon kadalas makausap gaya noon" ako, napabuntong hininga  naman sila.

"Aeris, malapit na birthday mo. Kakayanin natin to ah, lalaban tayo hanggang sa huli ah" biglang sabi ni Chris hyung kaya natahimik kami at napalingon sa kanya.

"di kami papayag Aeris, alam kong may magagawa pa tayo" kuya Jun at natahimik kami uli.

Naghahapunan kami ngayon at andito si dad kaya napakatahimik. Walang nagtangka saming magsalita kahit isang salita.

"ulitin niyo yung presentasyon niyo Chris" biglang sabi ni dad kaya napalingon kami sa kanya at kina Chris at Jun

"dad--" Jun hyung

"ulitin niyo iyon" putol ni dad sa sinabi ni Jun hyung

" wala na ba talaga kayong awa. Alam niyo ba kung gaanong hirap ang dinanas namin para don?" sabat ni Chris hyung, napalingon naman si dad sa kanya. Namumuo na ang tensiyon sa dalawa kaya kaming lahat ay napatigil sa pagkain at naka yuko.

" tss... san ang pagod don. May internet na nga't lahat di niyo pa nagawa ng tama, nagta trabaho ba talaga kayo? Baka iniisip niyo na magugustuhan iyon ng board dahil anak ko kayo?" may pagkasarkastikong sabi ni dad.

"yan ang hirap sayo eh, di niyo na inaalam ang mga pagpapahalaga ng bawat bagay na pinaghirapan namin. Lagi ka nalang 'ganito, ganyan' at kung manghihingi kami ng ideya sa inyo para magutuhan niyo sinasabi niyo namang malalaki na kami at alam na namin yun" Chris hyung

"Chris, tama na" Jun hyung

"exactly. Tulad ng sinabi mo, malalaki na kayo at alam niyo ang mas makabubuti sa kompanya." si dad

"pero pano kami mas matututo kung hindi niyo nga winawasto ang ginawa namin nong nagsisimula palang kaming gawin to. Saka na kayo bubunganga kung tapos na at minamadali niyo pang ipagawa samin. Tao lang kami dad, nagkakamali at napapagod" Chris hyung

"Tama na Chris" pabulong na sabi ni Jun hyung

"totoo naman diba. Kasi pagod na pagod na ako eh. Lagi nalang siyang kumukontra diba. Kung di niyo man nagustuhan ang presentation namin then fine, gagawa kami ulit. Yun lang naman ang ikasasaya mo diba, ang makitang nahihirapan kami" Chris hyung saka umalis sa hapag at pumunta sa kwarto niya.

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon