CHAPTER 11: Final Rehearsal and Taerrie's revelation
TAERRIE'S P.O.V
Ngayong araw ang final rehearsal ng performance at bukas na ang actual. Pinasolo ako ng dean at kakanta ako ng 'Fine' (by Taeyeon).
Unfair nga kasi sa lahat ako lang yung magso solo. Yung iba by pair at yung iba naman ay grupo na marami. Bagong lipat lang kasi ako at di sana ako sasali, kaso yung prof namin mapilit, hanggang sa inilista na niya pala ako at yun nasali solo pa talaga.
Kasama ko ngayon ang mga kapatid ko, kasali sila diba.
"Aeris!" tawag ni Yuri kay Aeris. Dumaan naman si Aeris sa inuupuan namin samantalang ang mga kuya niya ay naghahanap ng upuan.
"oi neesan, hi ate Taerrie. Hoy Yi- an galingan mo ah. Baka mapahiya tayo lagot ka sakin" siya
"hoy Elaina mas galingan mo, magaling pa kaya ako kesa sayo" si Yi- an, mukhang close na nga sila, napangiti nalang ako sa aking naisip.
" hoy neesan parang kang baliw makangiti ah, sinong nginitian mo?" si Yuri at tiningnan kung san ako nakatingin.
"huh?" ako at tumingin sa kanya
"may pangiti ngiti pang nalalaman eh si kuya Blake lang naman ang tinitingnan niyan" biglang sabi ni Yi- an kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin uli ako sa tinitingnan ko kanina at totoong si Blake yung tiningnan ko kanina, di ko naman alam na siya yun kasi nga tulala ako. Diba ganon naman pag may iniisip ka di mo na alam kung sino o ano ang tinitingnan mo, diba? Diba? Sagot!!! JOKE....
"tama ka nga lil' bro, haha" si Yuri
"di a, natatawa lang ako sa inyo makapag usap may pa hoy hoy, ang lalakas pa ng boses akala mo naman nsa kabilang kanto pa" ako
"ah... teka nga. Sino ba si Blake?" ay naku! Andito pa pala si Aeris at ano daw? Di niya kilala sarili niyang kuya?
"tss... e sino pa ba edi ang ku---" agad kong tinakpan ang bibig ni Yi- an advantage na sakin na di alam ni Aeris kung sino si Blake eh.
"ah wala yun Aeris" ako, tumango naman siya at pumunta na sa upuan ng mga kuya niya, sa tabi pa talaga ni Blake at inakbayan na naman ni Blake si Aeris, hilig niya talaga mang akbay no. Saka napansin ko, sobrang close sila ni Aeris, ay hindi, lahat ng kuya ni Aeris ay close sa kanya.
"hoy neesan, kanina ka pa ah tapos may pa deny deny ka pa eh halata naman, tss..." si Yuri kaya lumingon uli ako sa kanya
"pabayaan mo na yan neesan" si Yi- an.
Tapos na lahat ng high school mag rehears at nagsimula na rin ang college dept hanggang sa sila Blake at yung partner niyang di ko kilala ang magpe perform. Sabay silang umakyat at nag ngitian pa bago magsimulang magperform. Maganda si girl eh, haha, ano na bang nangyayari sakin?
"neesan uso mag move on" pagpaparinig ni Yuri kaya lumingon ako sa kanya sabay ngiti at umiling, tss... tinututukan pala talaga nila ako
"ano namang imo move on ni neesan eh hindi naman naging sila ni kuya Blake?" patanong pang sabi ni Yi- an.
Don sila nagkakamali, akala ng lahat hindi naging kami, na may mutual feelings lang kami ni Blake. Pero hindi. Nanligaw siya sakin gaya ng ginagawa ng iba. Nanghaharana pa nga siya at araw araw niya akong kinakantahan, through calls nga lang.
4th year high school pa lang kami at alam naming masyado pa kaming bata kaya mas mabuti ng itago na muna. Sa Quintero old ako nag aaral non samantalang siya sa new. Known siya sa school namin at madalas siyang pumupunta don para lang makita ako, lalo na pag depressed siya. Di ako nakakalapit sa kanya dahil ang daming studyanteng nakapalibot sa kanya. Sa tuwing pumupunta siya sa school tinatawagan niya ako, at kapag nakita niyang nakikipagsiksikan ako sa mga studyante ay ngingiti siya saka aalis.
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...