CHAPTER 18: Is it a Prank??
AERIS' P.O.V.Birthday ni kuya Dae ngayon, September 21 at ayon, plano naming sorpresahin. Medyo nahimasmasan na kami sa mga nangyayari few days ago. Saka tapos na sila sa pagpractice sa kompanya. Well, except kay kuya Yi na graduating na. Siya rin ang inatasan ni dad na tumulong sa kanya at si kuya Jun naman ang nag a update kay dad kung ano na ang nangyari sa bahay at samin. Namimiss ko na nga rin si kuya Yi kahit 1 week palang simula nong siya na ang tumulong kay dad.
So ayun nga, magbebeach kami mamaya. Matagal bumangon si kuya Dae lalo na kung walang pasok, aabsent kami ngayon eh. Isasama pa nga namin sina neesan at Yi- an, pati nga sana sina ate Jess kaso busy daw sila, ganon rin si ate Taerrie. Sinusundo sila ngayon ni kuya Jun at kami ang naatasang maghanda sa pag sorpresa. Hilig non mang prank kaya sa mukha rin niya mismo ipapasabog ang confetti, haha.
Sa halip na siya yung magulat ay kami pa ang nagulat, di na nga namin naiputok ang confetti sa pagkagulat eh. Lumabas siya sa kwarto niya na mugtong mugto ang mga mata at maririnig rin ang hagulgol nito. Lumapit naman siya sakin pagkalingon niya.
"Aeris! Lumayas ka na maawa ka!" siya sabay hawak sa mga balikat ko, napalapit naman ang mga kuya ko sakin.
"wala talagang makakalampas ng mga prank mo Dae, tama na iyan. Happy birthday nga pala!" masiglang sabi ni kuya Hyun
"maawa ka Aeris, please umalis ka na sa bahay na to ngayon mismo!" si kuya Dae ulit
"kuya, prank lang po ito diba?" naiiyak ko na ring tanong.
"Dae, ano bang nangyari?" kuya Min
"narinig ko si dad kagabi na may kausap sa phone. Kukunin daw nila si Aeris ngayong umaga mismo. Kung may napansin kayo kay Chip, in- upgrade siya ni dad at tanging boses nalang niya ang pakikinggan ni Chip. Kaya umalis ka na Aeris!" si kuya Dae. Nagkatinginan kami lahat ng mga kuya ko at nagulat nalang ako sa ginawa nila.
Pumasok sila sa kwarto ko habang umiiyak na at sinimulan na nilang ayusin ang mga gamit ko.
"kuya!!!" ako, habang umiiyak, hindi na ba talaga matatapos ang problema namin? Lumingon si kuya Hyun sakin pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pagliligpit sa gamit ko.
"kailangan nating gawin to Aeris. *sobs* handa kaming masaktan hindi ka lang maikasal" siya, umiyak naman ako lalo.
The fact na kailangan kong umalis at ang pag upgrade ni Chip, hinding hindi ko talaga sila makakasama at makikita.
"*sobs* hanggang kailangan naman po ako magtatago *sniffs*" ako
"*sobs* hanggang makumbinsi namin si dad na hindi ituloy ang kasal" kuya Yeol. Umupo nalang ako sa sahig habang umiiyak pa rin. Wala talaga akong magagawa, desperado silang hindi maituloy ang kasal.
"Aeris, hindi ka namin maihahatid dahil hindi kami makakalabas, naka lock si Chip ngayon. Maghintay ka kay Jun hyung, magpahatid ka sa kanya kahit saan" paliwanag ni kuya Sese ng hindi nakatingin sakin.
YI- AN' S P.O.V.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay nila kuya Jun. Kami lang ni neesan Yuri ang sumama dahil busy ang dalawa. Birthday daw ni kuya Dae eh.
Nasa park na kami naglalakad ng makita namin si Aeris na may dalawang malalaking maletang dala. Wala sa ayos ang itsura niya at umiiyak. Agad na tumakbo si kuya Jun papunta sa kanya, binilisan naman namin ni neesan ang paglalakad.
"Aeris anong nangyari?!" kuya Jun
"*sobs* d..dad... *sobs* A..America... *sobs* a..ako... *sobs*" si Aeris, nagkatinginan naman kami ni neesan, na puzzled naman ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...