Bro 23

188 7 0
                                    

CHAPTER 23: Revelations
3rd PERSON'S P.O.V.

Agad dinala si Aeris ng mga tauhan ng mga Avila sa isang private airport at agad lumipad papuntang US kung saan nakatira ang mga Avila.

Makalipas ang mga oras ay dumating sila sa isa ring private airport at agad na dinala sa mansiyon ng mga Avila. Buong biyaheng natutulog si Aeris dahil na rin sa gamot na ipinaturok sa kanya.

Pagkagising na pagkagising niya ay tumambad sa kanyang pagmumukha ang dalawang lalaki. Ang isa ay kasing edad niya lang at ang isa naman ay middled aged na.

"so this is Aeris this time. You grow up beautiful Aeris" yung lalaking kasing edad niya lang. Pinagmasdan niya naman itong mabuti

"this is me, Jay, you forgot me?" yung lalaki habang naka ngiti. Batid niyang hindi ito ang lalaking kasama niya lumaki. Hindi niya makita ang kislap ng mga mata na lagi niyang nakikita sa kanyang kababata noon.

"Hindi ikaw ang Jay na nakilala ko noon" sabi niya pa

"pano mo naman nasabi yan Aeris? Si Jay lang naman ang kababata mo" yung midde aged man na ama ni Jay

"yeah right, ang sakit naman non sa ego ko" si Jay, pati ang pagsasalita nito ng tagalog ay pabalbal.

"wala akong maipatutunay na ikaw si Jay na kababata ko, pero sigurado ako sa sarili ko na hindi ikaw ang Jay na kababata ko" matigas na sabi ni Aeris.

HYUN'S P.O.V.

Nasa sala kami ngayon nakatunganga, ang iba samin ay nagche chess.

Tumayo ako para kumuha nalang sana ng libro, sobrang boring na eh. Napansin ko ang kaguluhan sa labas at ang pagkumpol ng mga men in white na tauhan ng mga Avila. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Aeris sa labas.

"Aeris!!!" sigaw ko pa kaya napalingon siya, nagsilapitan ang mga kapatid ko kasabay ng pagkuha ni Aeris

"sandali!" si dad

"teka ano to? Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?!" si Aeris.

"Aeris umalis ka na!!" sigaw ko pa, nagmakaawa si Aeris na makapagpaalam samin pero agad na siyang pinasok sa loob ng van.

"Aeris!!!" si Jun hyung, at umalis na yung van

"AERIS!!!" sigaw naming lahat

Nag iiyakan na kami sa sala, silang lahat ay naupo sa sala samantalang ako ay nakatayo pa rin sa bintana. Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas ito. Nakita naming umiiyak si dad.

"Ba't mo ba pinahirapan ng ganito si Aeris dad?!!" sigaw ni Jun hyung kay dad sabay tayo, pinigilan naman siya nina Dae at Min kahit pareho silang humahagolgol.

"ginagawa ko lang ang makakabuti sa inyong lahat" matigas na sabi ni dad

"ano namang nakakabuti don?!" si Sese na nanatili ang tingin sa sahig

"ano ba talaga ang dahilan bakit ayaw mong tanggihan ang kasal? Tama si Aeris eh, napigulan niyo noon pero bakit di niyo magawa ngayon?" ako, napatingin naman sila sakin. Naupo muna si dad bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Nag file ng lawsuit ang mga Avila" siya na ikinagulat namin

"b..bakit?" Yeol

"matagal na ang kasunduang iyan at hindi pa rin iyon naisasakatuparan kaya gumawa sila ng paraan para matuloy ang kasal" paliwanag ni dad

"ano namang kapalit don at si Aeris pa talaga ang madedehado" Nini

"kukunin nila ang lahat ng ari- arian natin at hindi ako papayag na gagawin nila iyon sa inyo" si dad, napa sapak naman ako sa noo ko

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon