CHAPTER 22: Giving Up
HYUN'S P.O.V."3 weeks past but we can't trace Aeris' location" sabi nong americanong utusan ng mga Avila, lumapit naman kay dad yung pinuno ng nga utusan
"baka naman tinatago niyo sa amin ang iyong anak?" sabi pa nito
"tumutulong na nga ako't lahat makita lang yung anak ko tas ngayon, sasabihin niyong tinago ko siya. Nag aalala din naman ako sa kalagayan niya at gusto ko na rin siyang mahanap" sagot naman ni dad
"siguraduhin niyo lang na di niyo siya tinago, lagot kayo sa mga Avila pag nalaman nila ito" yung pinuno
"ituloy niyo na ang paghahanap. Libutin niyo ang Maynila at ang mga nalalapit na lungsod. Puntahan niyo na rin ang mga squatter area baka sakaling doon nagtatago ang anak ng Ocampong ito" yung pinuno habang nakatingin lang kay dad. Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Jun hyung kung nasan ang lahat ng kapatid ko.
"Hyung..." bungad ko pagkabukas ng pinto
"o, bakit?" Jun hyung
"pinapahanap nila si Aeris sa lahat ng mga squatter area sa Maynila. Batid kong ilang kilometro lang ang layo ng squatter area kung san nakatira si Aeris" ako
"kung gayon, wala na tayong magagawa pa pag nagkataong malaman nila kung nasaan si Aeris" nag aalalang sabi ni Jun hyung
"hyung, fighting! Dapat nating mapigilan ang kasal, kung hindi, si Aeris ang malalagay sa alanganin. Hindi natin alam ang balak ng mga Avila, lalo na't minamadali pa nila yung kasal" Yeol
"nawawalan na ako ng pag asa eh, alam kong hindi dapat pero, wala naman na tayong magagawa. Mabait rin naman siguro ang mga Avila, pinagkatiwalaan naman sila ni dad kaya wala na tayong dapat ikabahala pa. Saka, kababata niya si Jay at alam nating mabuti siyang tao" Jun hyung bakas sa kanyang boses ang kawalan ng pag asang mapipigilan pa namin ang nakatakdang kasal ni Aeris.
"kung gayon, pababayaan nalang nating malaman ng mga tauhan ng mga Avila na mahanap si Aeris?" Min hyung, napatango nalang ng dahan dahan si Jun hyung
"ano nalang ang sasabihin ni Chris hyung?" tanong pa ni Sese kaya napatingin kami sa kanya
"kung di lang sana sila umalis, maaaring nakahanap tayo ng mas mabuting paraan. Isa pa, ayokong kalabanin si dad gaya ng paglaban ni Chris. Mahina lang ako at di ako kasing tapang niya" Jun hyung na bakas sa mukha ang pagkadismaya gaya ng mga kapatid ko. Napabuntong hininga kami sabay tingin sa isa't isa at tumingin kay Jun hyung na nakatulala sa sahig.
Nakakabingi namang katahimikan ang bumalot sa amin lahat."kailan nga ba yung kaarawan ni Yi hyung?" biglang sabi ni So kaya gulat kaming napatingin sa kanya
"anong date ngayon?" Nini
"October 15 na ngayon!!" gulat na sabi ni Sese pati rin naman kami nagulat. Kung ganon, 8 days na ang nakaraan nang birthday ni kuya Yi ng hindi man lang namin naalala.
"ano nalang kaya ang iisipin ni Yi gayong nakalimutan natin ang kaarawan niya?" Jun hyung
"baka nga pati yun ay nakalimutan ang sarili niyang kaarawan eh" Dae, napalingon naman kami sa kanya
"masyadong busy si Yi, baka nalimutan na rin non ang kaarawan niya. Sana talaga uuwi siya ngayon, maghanda tayo ng kahit kaunting pagkain lang" Jun hyung, napatango nalang kami.
Dami ng nangyayari sa pamilya namin, at mukhang buo na ang desisyon nilang hindi na ipaglaban si Aeris.
Pagkababa naming lahat ay wala ng tao at naka lock na yung pinto, lagi naman eh. Sinimulan nalang naming maghanda ng pagkain baka sakaling umuwi si kuya Yi. At dahil hindi ako marunong magluto, naka assign ako sa paglilinis ng bahay at pagdedecorate kahit konti lang. Kasama ko si Sese sa gawaing ito. Nakakamis lang dahil noon pag may birthday, 3 kaming gumagawa sa assignment na ito, pare pareho kaming hindi marunong magluto eh, at iyon ay si Aeris.
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...