CHAPTER 17: A goodbye??
AERIS P.O.V.Lahat ng mga kuya ko ay umuwi matapos malaman ang kundisyon ni kuya Lulu.
"kuya, ano po bang nangyari kay kuya Lulu sa kompanya?" nag aalala kong tanong. Nasa sala kami ngayon nakapalibot sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si kuya Lulu.
"may nakita kaming dugo sa sahig kung saan nakaupo si Lulu kanina. Saka napansin ko rin kanina ang pagdudugo ng ilong niya at ang pagkahilo niya. Tatawagin ko nga sana siya kaso madali siyang nakalabas sa building" paliwanag ni kuya Min
"dami naman ng may sakit sa bahay na to" malakas na sabi ni kuya Yeol
"nainom ba ni Lulu ang mga gamot niya? Parang tumigil na ata siya sa pag inom eh" kuya Jun
"nakita ko po yung lalagyan sa basurahan, baka wala na po siyang stock. Pero dahil sa busy siya ay nakalimutan na niyang bumili" ako
"baka nga" pag sang ayon pa nila
"kung mas lalala ito mahihirapan tayo. Nasa China ang specialist ni Lulu, siya lang naman ang pinagkatiwalaan natin sa sakit niya diba?" kuya Sese, natahimik kami sa sinabi ni kuya Sese. Malaki ang tsansang ipapadala siya ni dad sa China para magpagaling, pwede ring magboluntaryo si kuya Lulu. Ito na nga bang sinasabi ko eh, ba't niya kasi pinabayaan ang sarili niya.
Tumayo ako bigla dahilan para mapalingon silang lahat sakin. Dali dali akong umakyat sa kwarto ko. Di ko maiwasang hindi mapaisip ng ganon eh, malaki ang posibilidad na maaaring mawala samin si kuya Lulu.
Biglang tumulo ang luha ko pagkapasok sa kwarto, agad ko naman itong pinahiran saka humiga sa kama.
"nagkakamali ka Aeris, that would never happen. Okay lang si kuya Lulu, okay lang siya... okay lang siya!! Matibay siya, siya ang sandalan mo diba? Siya na mismo ang nagsabi nong umalis si Chris hyung, sabi pa nga niya non na hindi niya ako iiwan, na nasa tabi ko lang sila. Tama Aeris, nasa tabi mo lang sila, yan ang tandaan mo" paalala ko pa sa sarili ko. Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa comforter, kailangan kong kumalma.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa kwarto ko.
"Aeris kakain na, 1:00 na o, hindi ka pa kumain. Tara sabay sabay na tayo" kuya Min, tumayo naman ako at inayos ang sarili saka bumaba. Nakita ko naman na wala na si kuya Lulu sa sala.
"Nasan si kuya Lulu?" tanong ko sa kanila pagkaupo sa hapag.
"inakyat na namin sa kwarto" kuya Zi
"nagising siya?" ako
"binuhat lang namin" kuya Nini
"ano nga pala ang ginawa mo sa kwarto mo, tinakasan mo kami no" kuya Yeol, napangiti naman ako bahagya, ganon rin sila.
"nakatulog ako eh, medyo pagod kahit wala namang ginagawa" ako
"uminom ka ba ng gamot Aeris, namumula ka eh" kuya So, tumango naman ako kaya napatigil sila sa pagkain.
"ano po ba kayo, okay lang po ako, medyo sumakit lang yung ulo ko matapos ang pangyayari sa mga nagdaang araw" ako
"siguraduhin mo lang, ayaw naming magkasakit ka" kuya Hyun
"opo"ako saka kami nagpatuloy sa pagkain. Kahit ngayong kami lang eh napakatahimik parin nila.
"mabuti naman po at pinauwi kayo ni dad" pagbabasag ko sa katahimikan
"wala si dad at don lang kami sa secretary niya nagpaalam" kuya Dae
"sana talaga walang mangyaring masama kay kuya Lulu, di ko na alam ang gagawin ko kung may mawala pa sakin" ako
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...