Riff 1

7K 76 17
                                    

Umiikot na ang paningin ni Shiella nang ibaba niya ang baso sa mesa. Fuck. Nakailang bote na ba siya? Hindi na niya nabilang. Hindi niya na rin alam kung ilang beses na ba niyang binunot ang wallet at kung magkano ba ang inaabot niyang tip sa mga cute na waiter ng bar.

Nakaupo siya sa may gitnang bahagi malapit sa mga nagsasayawan ngunit tila walang nakakapansin sa kanya. At siguro mas mabuti na nga 'yon. Nakakatawa pero gusto niyang mapag-isa habang napapaligiran siya ng maraming tao.

May namatay na kaya sa kalasingan? Napangisi siya habang unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata niya sa pagkahilo. Sana ako ang mauna, naisip niya. Sana may lason yung ininom niya or whatever para matapos na lang ang lahat. Sana kapag nawala siya, matahimik na si Chris at matuldukan na ang lahat ng problemang iiwan niya sa mundong ito.

Natigilan siya. Napakaingay ng paligid pero wala siyang ibang marinig kundi ang sinisigaw ng utak niya. Hindi man lang napamahid ng alak ang galit at lungkot sa kanyang dibdib. Napahikbi siya. Itataas pa sana niya ang kanyang kamay nang biglang tumumba sa kalasingan ang isang lalake sa tabi ng kanyang mesa.

Nagtawanan ang mga kasamahan nito. "Ah fuck, man. Di mo na kaya. Umuwi na lang tayo," pang-asar ng isa sabay marahang sipa sa lalakeng nakahandusay sa sahig. Nagtawanan sila ulit.

"K...kaya ko pa," sagot naman ng lalake habang nakasubsob pa rin sa sahig. Nagawa pa nitong itaas ang isang kamay. "Kahit isang bucket pa!"

Tumawa ulit ang grupo. Hindi napigilan ni Shiella ang ngumisi. Namiss niya tuloy ang mga tropa niya noong college. Kinusot niya ang mga mata saka inalok ang kamay sa lalake sa sahig. "Tumayo ka na, kuya. Malamig diyan."

The man tilted his head sideways and glanced up at her. Gwapo ito. May matangos na ilong at mapupulang labi. Bahagyang natatakpan ng bangs ang mga mata nito.

"Miss, bata pa naman ako," simangot ng lalake. "Mukha ka ngang mas matanda sa 'kin, e."

Namula si Shiella sa hiya. Agad namang sinipa ulit ng kasamahan ang lalake dahil sa kabastusan ng kanyang bibig.

"Not cool, dude," anito saka humarap kay Shiella. "Sorry, miss. Lasing na si Jared. Pasensya na."

"Okay lang," matipid niyang tugon. Aminado naman si Shiella na mukhang mas bata sa kanya ang lalake at hindi akma ang porma niya sa bar, ni wala nga sa plano niyang magtagal sa lugar na ito kung hindi lang siya nilamon ng kalungkutan niya.

Natigilan siya nang maaninag ang kausap sa kulay dilaw na ilaw ng bar. Sa makapal na kilay na may hiwa sa kanang bahagi, matangos na ilong, at malalim na dimples. May kamukha siya, hindi niya matandaan kung celebrity o ano. Noon lang din niya napansin na plain black shirt ang suot nito habang iisa ang nakaprint in white bold letters sa mga kasamahan nito; SILVER'S BITCHES.

Kumindat ang lalake kay Shiella saka nagpatulong sa iba pa nilang kasama na buhatin yung Jared at kaladkarin palayo. Sumunod lang ng tingin si Shiella, iniisip kung saan na nga ba niya nakita ang mala-anghel na mukhang yun.

Ilang sandali pa ay bigla niyang narinig ang feedback ng mic mula sa center stage. Tumahimik ang dj, lumingon lahat ng nagsasayawan, at natigilan si Shiella nang makitang nakapwesto na sa stage ang limang lalake. At doon lang niya naalala kung sino sila. "Fuck! THE COLORS!"

Napatakip siya sa sariling bibig nang mapansing lahat ay nakatingin na sa kanya. The man on the microphone chuckled.

"That's right, baby. We're the Colors," ngumiti ito, showing his deep deep dimples. "But you can't fuck us yet. Not until the show's over."

As if on cue, nag-umpisa ang banda. Halata man ang kalasingan ay kinilabutan pa rin si Shiella sa husay at angas ng opening riff ng lead guitarist na si Jared Barrameda aka Red. Nakilala ni Shiella ang lalakeng nakaupo sa likod ng drum set bilang si Terrence Ortiz aka Orange, beating his drums with his eyes closed to feel the opening beat while the muscles on his shoulders strained against his fitted shirt. Marahan ding sumabay ang rhythm guitarist na si William Strut aka White, the tallest and half-australian member of the group, at ang bassist na si Yvo Solomon aka Yellow na hindi naman maaninag ang mukha sa pagkakayuko sa kanyang gitara.

"Soft kiss and wine, what a pretty friends of mine, we're finally intertwined," pasok naman ng malamig na tinig ng playboy-next-door-looking vocalist na si Silver. "Nervous and shy for the moment we will come alive tonight... Secret Valentine."

Bumalik ang tingin at napangiti ang dalaga sa lalakeng nakadapa kanina sa kanyang harapan. Wala pa ring mintis sa kanyang mga guitar riff si Red kahit halos matumba na ito sa kalasingan.

"We'll write a song that turns out the lights; when both boy and girl start suddenly shaking inside..."

College pa lang sila nang magdebut noon ang Colors at agad na nahook sila ng mga kaibigan niya sa mga ito. Madali kasi silang makarelate sa kanta ng mga ito na dala marahil ng katotohanang kasing-edad lang nila ang noo'y mabilis na papasikat na banda.

"Don't waste your time. Speed up your breathing. Just close your eyes. We'll hope it's not for nothing at all..."

Paborito at may crush siya noon kay Red na wala na yatang mas gagaling pa sa paggamit ng kahit na anong string instrument. Bali-balits rin na si Red at Silver ang mga henyo sa likod ng kanilang mga kanta.

"Lay down, be still. Don't worry, talk they will. I'll be loving you until. Morning's first light breaks tomorrow I'll take care of you tonight... Secret Valentine."

"Red the Maestro," bulong ni Shiella saka nakaramdam ng pamumula nang maalala na nasa harapan na niya kanina ang college crush niya at 'di niya pa nakilala.

"We'll write a song that turns out the lights. When both boy and girl start suddenly shaking inside," Nagtatalon ang crowd kasabay ng muling pagpasok ng chorus ng kanta. "Don't waste your time, speed up your breathing. Just close your eyes; we'll hope it's not for nothing at all..."

"When guilt fills your head, brush off rise up from the dead," Shiella couldn't help but stare at Red. Nakapikit ang gitarista, eksperto ang pagkalabit sa kanyang gitara.

"This is the moment that we will come alive."

Napakagat ng labi ang dalaga. Gaano katagal nga ba niyang pinangarap noon ang binata? Nawala siya sa kalasingan, bumalik ang dating kilig. May kung anong kalokohang pumasok sa isip niya, agad niyang hinagilap ang kanyang lipstick.

"Brace yourself for love. Sweet love, secret love."

You can't fuck us yet, sabi ni Silver. Not until the show's over.

Why not? Napangiti si Shiella. Someone like her has nothing to lose.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon