Riff 2

4.8K 54 1
                                    

Ang problema ngayon ay kung paano siya makakalapit sa banda. No, saka na niya iisipin 'yon. Dahil ang totoong problema ay kung paano man lang siya makakalapit sa VIP room. Matapos kasi ng kanilang performance ay agad na dumiretso sa taas ang Colors, sa loob ng VIP room na binabantayan ng dalawang naglalakihang bouncers.

Walang fan na naglalakas-loob na umakyat sa hagdan. Marami-rami silang umaaligid at umaasa. Nakatingala ang ilan, baka sakaling masulyapan ang paborito nilang miyembro. Karamihan ay tulad niyang naghihinayang na hindi agad nakilala ang grupo nang dumaan pa sila mismo sa gitna.

Biglang nakaramdam ng paghihinayang si Shiella. Nagmadali pa man din siyang mag-ayos ng makeup kanina para paghandaan ang paglapit sa banda. She wanted to see them one more time, kahit na si Red lang. Napabuntong-hininga siya. Hindi. Hindi siya pwedeng sumuko hangga't 'di niya nasusubukan.

Tinuloy niya ang pag-akyat sa hagdan at mahinhin na lumakad palapit. Agad tumaas ang kilay ng isa at iniharap sa dalaga ang palad na parang isang pulis sa checkpoint. "Miss, private room na rito."

"A-Ah, o-opo," Kumakabog ang dibdib niyang sinuksok ang ilang hibla ng buhok papunta sa likod ng kanyang kanang tenga. Ewan niya ba pero kahit hindi naman pulis ang dalawang kaharap ay kinakabahan siya, hindi siya makaisip ng palusot. "A-Ano po--"

"Gray. Crimson."

Malamig at pamilyar ang boses na 'yon na nagmula sa VIP area.

Sabay na lumingon ang mga bouncers at napasilip si Shiella sa pinagmulan ng boses. Nakatayo sa tapat ng isa sa mga pinto si Silver, yakap ang dalawang bucket ng beer. Nakatingin ito kay Shiella at malawak ang ngiti.

Nakahinga siya nang maluwag. Naging mabait sa kanya si Silver kanina, baka sakaling pwede siyang makiusap. "Silver--"

"Where's your shirt?"

Ha? Napatingin si Shiella sa suot niyang tshirt. Meron naman, a?

Binaba ng lalake ang mga beer at lumapit sa kanila. "Hindi mo dala?"

"Uhm..."

Ngumisi ulit si Silver. "Silver's Bitches club?"

Oh. Doon niya lang naalala ang suot na tshirt ng Colors kanina at sa tingin niya'y alam na niya kung ano'ng gustong palabasin ng vocalist sa mga bouncers.

Magsasalita na sana siya nang biglang hubarin ni Silver ang sarili nitong tshirt at iabot sa kanya. Too stunned, all she could do was watch with her mouth open. From his perfectly shaped abs up to the direwolf tattoo on his right chest.

"Here," Pag-abot ni Silver na nakangiti. "Plain black lang pero pwede na 'yan."

Napalunok si Shiella at pasimpleng nagpunas ng pawis sa noo. Don't look at his abs, Shiella. Mala-anghel man ang ngiti ni Silver ay alam niyang may iba itong balak sa kanya. The guy has twelve-freaking sex scandals on the internet. Eyes on the ball, Shiella, paalala niya sa isip niya. Red. Maestro Red.

"She's with me." Tinapik ni Silver ang balikat ng dalawang bouncers. Mabilis namang bumulong ng paumanhin ang dalawa at saka tumabi para tuluyang makadaan ang dalaga.

Kumaway pa si Silver sa mga fans na naghiyawan sa baba nang maulingan ito. Sunod-sunod ang flashes ng mga camera. Mabilis at may angas na tumalikod ulit ito papasok.

Sa pagkataranta ni Shiella ay mabilis niyang sinuot at pinatong sa sariling tshirt ang damit ni Silver. God, ang bango kahit medyo basa sa pawis.

Pagkatapat muli sa pinto ay dinampot muli ni Silver ang mga bucket saka lumingon sa kanya, "Apology ito for what happened earlier."

Napangiti siya. "Thank you."

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon