Riff 12

853 35 10
                                    

"Shiella Mae Romualdez," sagot ng pulis. Silver held his gaze, not moving a single muscle on his face. "Wanted for murder."

Tinitigan muli ni Silver ang hawak na larawan. Abot tenga ang ngiti ni Shiella doon, nakaturo ang dalawang hintuturo pababa sa cake sa harapan niya, katabi ang ilang bote ng wine, pancit, at pyramid shaped na stack ng lumpia.

"I'm afraid I can't help you, officer," pagkuwa'y sagot nito saka inilahad pabalik ang larawan sa kausap. "I've never seen her before."

Ngunit imbes na kunin ang larawan ay nanatiling nakatayo lang ang pulis, nakangiti pa rin sa binata. "Kayo yung rock band na Colors, 'di ba?"

"Yep. That's us."

"May nakuha kaming info na nakita siyang kasama ninyo noong huling gig ninyo."

Was it the manager? Silver's mind raced, inaalala kung sino mga nakasalamuha nila noong gabing iyon. Maaaring isa lang sa mga nanonood noon, pero sinabi niyang kasama nila so it has to be one of the key persons from that bar. It could be that woman, he concluded. Yung tumawag sa amin before we performed.

He shook his head. "Sorry, sir, pero hindi talaga pamilyar ang mukha niya."

"Sigurado ka?" the cop pressed, pointing at the picture on Silver's hand. "Tignan mo ulit, baka maalala mo."

Silver held his gaze straight at the officer's face and grinned. "Trust me. Kung nakita ko na siya, I doubt I'll ever forget her. Not a beauty like that."

Ilang sandaling nakipagtitigan ang pulis sa kanya bago kinuha ang hawak na larawan ni Silver.

"Okay," buntong-hininang saad ng pulis saka nag-abot ng calling card. "Pakitawagan na lang ho ang number kung may info kayo."

"Of course," Nakangiting sagot ni Silver na tumayo't nakipagkamay sa pulis. Nang makalayo na ang pulis at sumakay sa mobile nito ay umupo siya ulit at kunwaring kinakalikot ang kanyang gitara, dahil alam niyang pinagmamasdan pa rin siya nito.

"What was that about?" Naupo si Yellow sa upuan katabi ni Silver saka inabot ang isang bote ng beer sa kabanda habang tinungga naman ang isa pa.

"You won't believe if I tell you," sagot ni Silver bago tinungga ang beer, nasa malayo ang tingin. Tuloy pa rin ang takbo ng utak niya habang ang tinitimbang lahat ng obserbasyon niya sa nangyari. He tapped his index finger on his bottle. May mali. It doesn't add up. "There's something strange about that cop."

Yvo raised an eyebrow. "You need help?"

"Round everyone up on the bus," he chugged the remaining contents of his bottle and stared at the calling card left by the policeman. Chris Herrera.

"We're going home."

***

"Uhm. William? Parang mali yata ang daan natin." Kumakabog ang dibdib ni Shiella habang nililinga-linga ang mga dinaraanan nila.

William started acting strange after that call earlier. Tumango-tango lang ito sa kausap at saka sumusulyap sa kanya minsan. Pagkababa ng tawag ay agad nitong hinubad ang suot na cap at isinuot kay Shiella. Agad din itong nagyakag nang umalis. Hangga't maaari ay iniwasan nito ang mga main road at humaharurot kapag
pwede.

"William?" ulit niya. Papasok na sila ng NLEX. "Anong nangyayari?"

Noon lang ngumiti si William. "Sorry. I had to be careful. Baka kasi may nakasunod sa atin kanina."

May nakakilala kaya sa kanya kanina? Paparazzi? Napaisip si Shiella. "Saan tayo pupunta?"

"Sa Watercolor. Let's just say it's some sort of a hideout," William grinned, obviously excited at the thought of the place.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon