Riff 11

922 29 10
                                    

Siguro kailangan ko nang umalis pagkatapos ng tv guesting. Dinampot ni Shiella ang isang pulang-pulang kamatis, pinagmasdan niya ito para humanap ng mga butas kahit na wala naman talaga doon ang focus ng isipan niya. Kahit papano may pera pa ako, makakalayo ako. Saka ko na pag-iisipan ang sunod na gagawin.

Natigilan lang siya sa pagmumuni-muni nang tumabi na ang assistant niya ngayon sa pamimili, ang rhythm guitarist ng Colors, si William. Katulad noong nakasama niya si Red ay pinagsuot niya rin ito ng cap para hindi makilala kung sakali. Malaking tulong din naman ang suot niyang salamin na kalimitan niyang pinapalitan ng contact lens kapag nasa stage para hindi makilala. Superman ang datingan.

"I have a feeling that you're about to fall inlove with that tomato," nakangiting tudyo nito bago dumampot din ng kamatis.

"Oh." Namumula ang pisngi sa hiya na nilagay niya ang kamatis sa kanyang basket. Nawala sa isip niya na base sa experience niya so far sa bus, si White ang pinaka-observant sa grupo. Nahahalata nito kahit nawala lang nang kaunti sa ayos ang mga gamit sa kwarto nito. "Sorry... Naiinip ka na ba?"

Ngumiti lang ito uli at saka umiling. "Hindi naman. Actually, this is nice. Kahit papano mapapahinga ang tenga ko sa jokes ni Yellow."

Napangiti rin si Shiella. Sa totoo lang ay hindi pa naman nila kailangang mamili dahil marami pang stock mula sa huling lakad nila. Kailangan niya lang talaga ng excuse para makapag-isip-isip at kahit papaano ay makadistansya kay Red.

Natutuwa siya dahil mukhang hindi siya nagkamali sa kinuhang assistant ngayon. Si White ang pinakatahimik na miyembro at, sa tantya niya, ang pinakamabait. Hindi rin alam ni Shiella kumbakit pero may kakaiba sa aura ni William na nagsasabi sa kanya na makakasundo niya ito sa mga bagay tulad ng pagluluto dahil so far ay ito ang pinaka-eager na matuto sa kanilang lahat.

Si William ang pinakamatangkad na miyembro, na maaaring dala ng kanyang dugong banyaga. His dark and curly hair complements his light brown eyes brilliantly. This guy could be another lady killer if he wanted to. Nagpapasalamat talaga siya at matino ang member na ito ng Colors.

"May request ka ba for dinner?" Nakangiting tanong niya nang itulak na ni William ang kanilang cart. Oo nga't mabuti na tahimik ito pero kailangan pa rin naman nilang mag-usap kahit papaano.

"Hmm. Can we have some breadrolls?"

"Breadrolls?"

"Yes, snacks for movie night. Sinubukan ko na dati but it always falls apart."

"Ahh... Baka dahil sa klase ng loaf," komento ng dalaga habang lumilinga-linga para hanapin ang aisle para sa mga tinapay. Nakalimutan ko nga rin pala ang bacon, naisip niya nang maalala na naubos nga pala iyon kanina. That Silver. Bumalik matapos ang ilang araw para ubusin ang--

Napaupo sa sahig si Shiella nang bumangga sa braso ng lalakeng papalabas mula sa aisle ng mga canned goods. Napangiwi pa siya't napahimas sa pwet niya dahil sa sama ng naging bagsak niya. Susungitan niya sana ang lalake nang mapansin niyang parang gym instructor ang pangangatawan ng binunggo niya at mukhang masama ang timpla ng mukha.

"Ano ba, miss," singhal ng lalake bago natigilan nang mapalingon at mapagmasdang mabuti si Shiella. Ngumiti ito saka inalalayang tumayo ang dalaga. "Okay ka lang ba? Sorry, ha, medyo nagmamadali ako e."

Napaismid ang dalaga. Hmp. Halata ka kuya ha.

"Gusto mo samahan na kitang mamili?" alok pa ng lalake na medyo may kalapitan pa sa kanya.

"Ahh wag na po. Actually may," paglingon ni Shiella ay sakto namang pabalik si William na may dalang dalawang brand ng tinapay at malamang ay hindi makapagdecide kung alin ang bibilhin. Nabuhayan ng loob ang dalaga dahil sandaling nagkatitigan sila ng binata. Pero biglang tumigil sa paglalakad si William nang makita ang lalake sa tabi ni Shiella saka muling pinagkumpara ang dalawang brand na dala nito.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon