The COLORS move from location to location; bar after bar, surprising the fans where they appear next. Part ito ng promotional tour nila for their upcoming album and concerts, they also collect clips for music videos and stream online. They were technically prepared, they told Shiella, pero when it comes to food? Meh.
They've been running on fastfoods and junkfoods for days. Wala sa kanila ang marunong magluto, even the bouncers and drivers; hindi ma-imagine ni Shiella kung paano nila natagalan yun.
"Minsan nga pakiramdam ko sumasarap na luto ni William kahit sunog e," reklamo ni Yellow. He received an elbow for it from White.
Nakangiti at naiiling na idineklara ng dalaga noon na habang kasama siya ng grupo ay siya na muna ang personal cook nila. They all somehow approved, lalo na si Red na proud na proud sa kanya every meal. Paminsan-minsan nga e nagvo-volunteer ang mga ito na tumulong sa kanya dahil nga naman hindi siya forever na magluluto para sa Colors, kailangan din nilang matuto kahit papano.
And for today's breakfast, si Orange ang kasama niya sa makitid na kitchen ng second bus. They decided to stop over last night sa isang park, a few hours away from their target place to gig. Nasa labas ang lahat para magjog maliban sa kanilang dalawa ni Orange na laging tanghali kung gumising at ngayon ay abala sa paghuhugas ng mga gulay sa sink.
Shiella couldn't help but glance at Terrence, ang drummer at youngest member ng Colors. Balbon ang binata, maputi, medyo singkit ang mata, at may isang sungking pangil that somehow adds to his childish grin. Pero ang hindi niya mapigilang titigan ay ang tattoo sa left side ng leeg nito. Isang character or symbol na medyo nakatilt at halos sakupin ang kalahati ng balat doon. Madalas kasing nakaturtle neck si Terrence kapag nasa loob ng malamig na bus at nasa likod naman ng drumkit nito kapag performance kaya ngayon niya lang napansin ang tattoo.
"Kemono," nakangiting saad ni Orange.
"H-ha?" medyo nagulat ang dalaga sa pagsasalita ni Orange dahil mas kilala niya ito sa pagiging tahimik sunod kay White.
"Yung tattoo," ulit nito, nilingon siya at nginitian habang tuloy sa ginagawa. "Kemono. It's a kanji for beast."
Beast. Napaisip siya. Biglang naalala niya ulit ang mukha ni Orange noong umagang iyon. Untamed and dangerous, the other side of the coin that is Terrence Ortiz. Natauhan lamang siya nang iabot sa kanya ni Orange ang mga nahugasan nito. Sinundan niya ng tingin ang binata habang hinahalungkat nito ang mga cabinets.
"Hindi ba mas masakit dyan?" pagkuwa'y naitanong niya. "Tattoo sa leeg?"
"Mmm a bit."
Umupo siya sa mesa at sinimulang himayin ang mga lettuce. "Does it mean anything?"
"Orange," matipid na sagot nito habang tinititigan ang isang lata ng pork and beans.
"Orange?"
"It's a warning, ate--may I call you ate?"
She blushed, suddenly realizing na halos kasing-edad pala ng binata ang kanyang nakababatang kapatid. "O-oo naman."
Terrence grinned and sat across her. "That night we first saw you, sabi mo you're a fan. How much do you know about us?"
Tumigil siya saglit at nag-isip. "Wala masyado, maliban sa mga laman ng mga blogs. Wala rin kasing lumalabas na info about sa inyo."
"Part of marketing ang mystery," muling pinamalas ni Terrence ang cute nitong sungki. "So you don't know anything about our code names?"
"Code names?"
"Color names."
"May ibig sabihin sila??"

BINABASA MO ANG
COLORS: The Maestro's Muse [R-18]
RomanceMuling natagpuan ni Shiella ang bandang hinangaan niya noon at ang old crush slash lead guitarist ng COLORS na si Red Barrameda sa punto ng buhay niya na akala niya'y nawala na sa kanya ang lahat. Sa sandaling pagsama niya sa mga ito upang takasan a...