Riff 18

734 33 4
                                    

The internet roared the name of Colors once again. Ilang oras lamang matapos ang airing ng tv show na dinaluhan ng banda ay agad silang nagtrending sa twitter. Nanguna ang #ToxicByColors na susundan naman ng #ILoveColors at #MilXColors. Maraming critics ang naglabas ng review about how Colors did it better than the Mermaid, kasama ng ilang speculations na may namumuong competition sa pagitan ng grupo at ng solo artist. Dahil na rin sa trend, partikular na sa facebook, ay muli ring kumalat ang ilan sa mga sextape ni Silver.

"We just received another invitation." Nakangiting lumabas si Violet sa pool area kung saan naroon si Shiella at Red. Papadilim na at simula pa noong nakaraang gabi ay halos hindi na maibitawan ng manager ang kanyang cellphone dahil sa kaliwa't kanang invites. "Tv appearance ulit."

Nagkangitian ang dalawa bago marahang pinisil ni Red ang kamay ng dalaga. "This calls for celebration."

"Actually, inutusan ko na sina Crimson," saad ng kanilang ever reliable na manager. "Lumabas na sila para bumili ng supplies."

And by supplies she meant booze. Malapit nang masaid ang stock ng alak sa hideout ng Colors dahil sa drinking streak ni Silver.

"Magbarbeque tayo," dagdag pa ni V saka tumalikod pabalik sa loob. "I'll go tell our baby lead singer."

Shiella grinned at V's remark of Silver. "Mukhang dinamdam ni Silver ang request mo."

"Yeah," matabang na sagot ng binata. Tinitigan ni Red ang tubig kung saan nakababad ang mga paa nila ni Shiella. Alam niyang hindi madali para sa kanilang lead at songwriter na makatrabaho ang kakambal niya.

Napaisip naman si Shiella sa tinamasa nilang trending status. Kung tutuusin ay si Mil pa rin naman ang dahilan noon. Paano kung hindi naman talaga competition ang habol ni Mil sa palabas na iyon? Paano kung para sa kanila talaga ang ginawa niya?

"Tingin mo ba nagkamali ako?" Nilingon ni Red ang dalaga.

Nginitian ni Shiella si Red saka inilapat ang kamay sa tapat ng puso ng binata. "Ang sabi ba nito nagkamali ka?"

It was Red's turn to smile and Shiella felt her heart skip just by looking at his gorgeous face.

"No," sagot niya. Inabot niya ang dalawang kamay ng dalaga at pinaglakip ang mga iyon bago masuyong hinalikan. "Even now, when I look at you, it tells me I am where I am meant to be."

Naramdaman niyang nag-init ang magkabila niyang pisngi sa tinurang iyon ng binata. Punong-puno ang puso niya sa tuwa. Naalala niya ang takot na nararamdaman niya noon. Kung paanong hindi siya makapaniwalang mamahalin pa rin siya ni Red sa kabila ng lahat. Napakagat siya ng labi habang sinusubukang pigilin ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Thank you, Red," pumiyok ang kanyang tinig. Tuluyan nang nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you for accepting me. For loving me. For everything."

Marahang kinabig ni Red ang ulo ng dalaga saka naglapat ng isang masuyong halik sa kanyang noo. Napahagulgol na si Shiella saka niyapos ang binata. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito. Para siyang bata, at wala na siyang pakialam. Buong buhay niya wala siyang inasahan sa ibang tao. Marami ang nagpakilalang nagmamahal sa kanya pero ginamit at inabuso lang siya. And now, having Red by her side,  suddenly felt like living in a dream. Ang sarap palang magkaroon ng taong masasandalan mo. Isang taong mamahalin ka at tatanggapin ano man ang nakaraan mo.

Nangingilid na rin ang luha ni Red habang hinahagod ang likod ng dalaga. "Please stay, Shiella."

Sunod-sunod ang naging pagtango ng dalaga habang dikit pa rin ang kanyang mukha sa dibdib ni Red. There's not a single place on earth that she would rather be than be in Red's arms.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon