Riff 8

2.6K 41 3
                                        

"NO." Mariin ang pagtutol ni Red sa inilabas ni Silver na wig. Brownish ang kulay at sa tantya ni Shiella ay abot hanggang kilikili niya yon kung kanyang isusuot. Nangingilid ang luha ng mga boys sa pagpigil ng tawa.

"Come on, baby, kailangan mong mag-disguise," paglalambing ng dalaga na napapangiti na rin.

"Hell, no." Matigas pa rin ang pag-iling nito. "At san mo ba nakuha yan, Sil?"

Nagkibit-balikat si Silver. "It's on my room, baka may chick na nakaiwan.

"O baka sa kalasingan ni Silver may nauwi siyang hindi niya dapat inuwi."  Nagkatinginan si Yvo at William at nagpalitan ng nakakalokong ngiti. Pareho silang binatukan ni Silver.

"Ayoko. Hindi naman siguro ako dudumugin doon."

"At anong gagawin mo kung dahil sayo hindi ako makapamili nang maayos?" Tumaas ang kilay at nagpamewang si Shiella. Napabuntong-hininga na lang siya nang walang maisagot ang binata. "Fine. Yvo, tara na, ikaw na magsuot non at ikaw na lang ang magdrive."

"Ma'am, yes, ma'am," ngiting manyakis si Yellow na pinagkiskis pa ang mga palad.

"Okay, OKAY." Taas kamay na bumigay din ang Maestro. Mabilis na nagsulyapan silang lahat at nagpigil ng tawa.

"'De, 'wag na. Ako na bahala kay Shiella," pangungutya pa ni Yellow. "Willing naman ako magsuot niyan, e. Maliit na bagay."

"Ako na nga kasi, 'di ba?" Singhal ni Red. "Akin na nga yan at nang matapos na."

Ngiting aso na inabot ni Silver ang wig. "Daster, ayaw mo?"

"Nah, we need jeans, loose shirt, glasses, saka cap," pagbibilang ni White sa daliri. Nagthumbs up si Shiella bilang pagsang-ayon. Patagong binuksan ni Yvo ang camera ng kanyang cellphone.

"I'm so gonna kill you, guys," pabulong-bulong ang nagtitimping si Red habang inaayos ang pagsusuot ng wig. Nang makasigurong fit na ay hinawi niya ang pekeng buhok at humarap sa grupo.

Natigilan silang lahat. Nawala ang ngiti at kalokohan sa kanilang mga mukha.

"What?" kabadong tanong ni Red.

Ang. Ganda. Niya. Biglang nangati si Shiella na lagyan ng makeup ang gitarista para makumpleto ang look nito. Gwapo si Red pero sino bang mag-aakalang maganda rin ito kung magiging babae? If only he isn't so muscular...  Biglang natigilan si Shiella. Bakit parang nakita na niya ito noon?

"Take it off." Mataas ang boses at authorative ang tono ni Silver. "Take that goddamn thing off!"

Nang walang kumilos ay mabilis na inagaw ni Silver ang suot na wig ni Red at tila naghahanap ng away na lumakad pabalik ng kwarto niya. Nakabawi lang sila nang marinig ang padabog na pagsara ng pinto nito.

"Anong problema niya?" kumakabog ang dibdib ng dalaga. Totoong galit ang naramdaman niyang nagmumula sa vocalist ng banda. Tahimik ang lahat pero may pakiramdam siyang alam nila kung ano ang problema. Maging ang nakayuko nang si Red.

"Let's just go with the glasses and cap," mungkahi ni White na mabilis sinang-ayunan ng lahat at nagkanya-kanyang halungkat ng gamit.

Napabuntong-hininga si Shiella. Lumapit sa kanya si Red at hinawakan ang kanyang kamay. "Hayaan mo siya, tinotopak lang yon."

***

"Aww... I thought it will be the red one," komento ni Red nang makita nila ang dilaw na kotse na nakapark malapit sa mga bus.

"Red one?"

"Yeah," pinindot ni Red ang lock sa hawak na susi at nagbeep bilang sagot ang sasakyan. "May pitong kotse 'yong si Yvo. Five with color ng Colors, the rest are yellows."

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon