Riff 10

1K 38 9
                                    

“Well?” si Silver ang unang nagsalita after what felt like forever. His expression revealed nothing but the whole band felt the weight of his words on their chest. Ininom niya nang isang lagukan ang isang basong tubig na para bang nais maibsan kung ano man ang bumabara roon. “Is this your idea of a joke, V?”

Bumuntong-hininga si Violet saka kinamot ang kanyang noo gamit ang gitnang daliri. Noon nasabi ni Shiella sa sarili na walang ibang pwedeng maging manager ang Colors maliban sa babaeng ito na hindi man lang natinag sa tono ni Silver. “Desisyon ito ng mga nasa taas, boys. You’ll be seeing more of her on the coming weeks—”

The glass on Silver’s hand shattered on his grasp. “Sorry...” anito na halos pabulong, seemingly oblivious of his now bleeding hand. “I thought we were doing good on our own.”

“Yes, maganda naman ang response ng tao sa mga surprise appearances. Madalas din kayong magtrending online,” saad ni Violet, sweeping her gaze on the members. “But we need one final push before the concert. And Mil volunteered to help.”

Nanlaki pareho ang mata ni White at Yellow na para bang pareho silang di makapaniwala sa narinig. Hindi maiwasan ni Shiella ang makaramdam na may tinatago pa ring sikreto ang banda tungkol sa singer.

“We need her influence,” pagpapatuloy ng manager. “I know this is hard for you, Silver… and Red,” nilingon nito ang lead guitarist na noo’y tahimik din sa kanyang kinauupuan. “Pero nasa iisang production kayo and this will happen sooner or later. You can’t avoid her forever.”

Muli, isa-isa silang tinitigan ng kanilang manager bago ito tumayo. “Get some rest.”

***

Halos mag-uumaga na pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Shiella. Mahigpit ang pagkakayapos ni Red mula sa kanyang likod at ramdam niya na halos hindi rin natulog ang binata. Pinisil niya ang kamay nito, “Red?”

“Hmmm?”

“I’m sorry sa nangyari kanina,” naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi sa hiya dahil sa naisip niyang relasyon ni Red kay Mil. “Nagdulot tuloy ng gulo ang selos ko.”

Red chuckled and she felt the warmth of his breath on her nape. “So, nagselos ka nga?”

Lalo siyang namula. “Malay ko bang may kapatid ka, wala iyon sa mga articles na nabasa ko no. Saka hindi naman sinasabi ni Mil ang apelyido niya.”

Sandaling nanahimik si Red. Napagtanto ni Shiella na hindi kumportable ang binata na pag-usapan ang relasyon nila ng kapatid na singer at magso-sorry na sana ulit nang magsalita ang binata. “Maliliit pa lang kami nang maghiwalay ang parents namin.”

Si Shiella naman ang natahimik. Bumuntong-hininga si Red bago nagpatuloy, “May drug problem si Dad, isang habit na nakuha niya sa pagbabanda noon. My Mum had an affair. And when they decided to end things, they split up everything evenly. Even us.”

“Kaya hindi kayo lumaki nang magkasama,” dagdag ni Shiella, pisil pa rin ang kamay ng binata.

“Yeah.”

“Hindi ba magandang chance ito para maayos ang relationship ninyong magkapatid?” Umikot sa pagkakahiga ang dalaga upang humarap kay Red, sa mga mapupungay na mata nito. “Baka makabuti pa sa career ninyo kung malalaman ng lahat na magkapatid kayo.”

Tinitigan siya ni Red saka nito natatawang pinisil ang kanyang pisngi. “Ikaw pa ba ang baby ko o sinaniban ka na ni Violet?”

Ngumiti lang si Shiella saka hinawakan ang pisngi ng binata bago dinampian ng halik ang mapupula nitong labi. “Ako pa rin si Shiella. At gusto kitang maging masaya.”

Hinawakan ni Red ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Then stay.”

May kung anong kumirot sa puso niya sa tinurang iyon ng binata, dahilan upang bawiin niya ang kanyang kamay at dumistansya kay Red. Alam niya sa sarili niya na ang lahat ng ito, ang music at ang mga sandaling kasama niya ang banda ay isang malaking pahinga lang sa magulo niyang mundo. “Hindi mo pwedeng itali sakin ang kasiyahan mo, Red. Ikaw ay ikaw, at ako ay ako. Hindi mo pa ako lubusang kilala.”

“At handa akong kilalanin ka pa,” pagsuyo ni Red kasabay nang marahang paghigit sa dalaga palapit muli sa kanya. “The more time I spend with you, the more I want to be with you.”

Ibig sabihin lang non hindi na dapat pang patagalin ito. Pero hindi niya sinabi ang mga salitang iyon dahil alam niyang masasaktan si Red higit pa sa sakit na nararamdaman niya habang naiisip iyon. Nangilid at umagos ang kanyang mga luha. Akmang pupunasan ng binata ang mga iyon nang tumalikod siya rito. Ngunit sa halip na kumalas ay muli siyang niyapos ni Jared. Walang umimik sa kanila hanggang sa tuluyang sumapit ang umaga.

***

“Amazing,” bulong ni White habang inaaral ang notes ni Red at kinakalabit ang sariling gitara. “With Shiella around baka matapos natin nang mas maaga ang album.”

“Bigyan kaya tayo ng bakasyon ni V?” komento ni Yvo, nakapatong ang dilaw na bass guitar sa hita ng binti niyang nakaapak sa amplifier.

Red just smiled at both of them. Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng munting pagpaparamdam ni Mildred, at ilang araw na ring nawawala si Silver na alam nilang lahat na nagpapakalunod ulit sa alak at babae. Pansamantalang natigil ang kanilang mga night activities bilang paghahanda sa bagong schedule na binigay ni Violet; isang tv guesting kasama si Mermaid Mil. May ilang araw lang sila para maghanda, at ang tanging nagpapractice ngayon ay ang tatlong string players.

“Nasaan nga ba si Terrence?” ungot ni Yvo. “Kailangan din natin siya dito.”

“Dunno,” sagot ni William, brushing his curly hair off of his brow. “Hindi siya sumagot sa text ko.”

Yellow pouted. “Dude, hindi na uso ang text.”

William ignored his remark and turned to Red. “Nag-away ba kayo ni Shiella?”

“Hmmm?” He shrugged his shoulders and strummed a few riffs from his new solo, letting White experiment on the rhythm. Alam naman niya ang tinutukoy ng kaibigan, madalas ngang dumistansya si Shiella sa kanya nitong nakaraan. He can’t shake the feeling na naghahanda na itong umalis, and that wounds his heart more than anything. “Hindi ko alam sa’n ako nagkamali. Bigla na lang niya akong iniwasan.”

“Oh,” namilog ang mata ni Yvo. “Was it because I watched?”

“Watched what?” si White.

“Nah. It’s not that. Nag-umpisa lang naman ‘yon nung napag-usapan namin ang nararamdaman ko…” Red trailed off in thought and paused. “Hey, mali bang sabihin sa babae na gusto ko siyang makilala pa?”

“If she has a dirty little secret, then yes,” sagot ni Yvo na tinapunan ng masamang tingin ni William. “What?”

Umiling si William at binigay ang kanyang sagot, “Knowing and understanding are two different things. You can tell her you what to know her all you want, but that won’t erase the doubt in her heart. If she’s acting like that it means she’s scared, Red.”

“So she does have a secret.”

“Shut up.”

“Secret or not, if it’s something that scares her I want to help.”

William smiled. “You really like her, don’t you?”

Red smiled and hit another riff. “I love her.”

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon