Riff 16

708 26 4
                                    

"Damn. She got us," halos pabulong na sabi ni Yvo kay Red.

Tumango lamang ang binata. Alam ni Red ang ibig sabihin ng kanilang bassist. Malamang ay iisa lang ang nararamdaman nilang lahat ngayon. Pinagpuyatan nilang dalawa ni Silver ang music arrangement na 'yon. It's the best version they could come up with. Technically, their cover was better but the sheer fact that Mil made her version in a whim makes all the difference. Napatingin siya kay Silver na noo'y nakayuko at tinatapik ang mga daliri sa kanyang hita. Isa lang ibig sabihin nito.

"She wants to crush Silver's ego," komento ni Violet na noo'y nakatingin din sa binata mula sa gilid ng stage.

Napatango si Shiella sa tinurang iyon ng manager. 'Yon lang din ang nakikita niyang dahilan habang pinapanood ang singer na magperform. The music of colors are a collaboration of Silver and Red's geniuses. Wala siyang makitang dahilan para banggain ni Mil ang kakambal pero kay Silver?

"At least malinaw na rin sa 'tin kung bakit umalis siya kay Violet," sabi ni C na naiiling. "Mabigat ang kalaban ni papa Sil."

The enthralled crowd burst into a loud cheer when Mil finished her piece. Kinilabutan si Shiella. Pinaalala niya sa lahat kung bakit siya tinawag na Mermaid. Pero gaano ba talaga kalaki ang galit na namamagitan sa dating mag-asawa?

Palakpakan ang dalawang host na muling humarap sa camera at pansamantalang nagpaalam para sa ilang patalastas. Iyon naman ang cue na hinihintay nila para umakyat sa stage at i-retouch ang makeup ng banda.

Tuloy pa rin ang cheer ng mga manonood na mukhang hindi pa nakabawi sa perfomance ng mga guest. Kanya-kanyang labas ng mga cellphone para makuhanan man lang ng picture ang kanilang mga idolo. Hangga't maaari ay iniwasan ni Shiella ang mapalingon sa gawi ng mga studio viewers para hindi mahagip ng mga camera.

"Hi, baby," masiglang bati ni Red sa kanya. Nagulat pa ang dalaga nang yumuko siya para sana punasan ang pawis ng Maestro ay mabilis nitong nailapit ang mukha sa kanya para sa isang halik. Pinamulahan siya ng mukha nang mapansin na nakatingin sa kanila si Mil. Pasimple niyang kinurot ang binata.

Dahil abala pa si C kay Yvo, sunod na nilapitan niya si Silver na parang wala sa sarili sa set. "Okay ka lang?"

Nagtaas ng tingin si Silver at mukhang nagulat na nakatayo na si Shiella sa harapan niya. "Y-yeah."

"Tubig?" alok nito saka inabot ang dala niyang plastic bottle. Ubos na kasi ang tubig na nakapwesto sa tapat ni Silver at mukhang naipawis niya na 'yon lahat. "'Wag mo masyadong isipin 'yon. Mas gusto ko pa rin ang ginawa ninyo."

Tinitigan siya ni Silver saka ngumiti, pinamalas ang napakalalim niyang dimple.  "Of course. Alam ko namang magaling kami."

"Sus. Hambog."

Tumawa si Silver. "Thanks, Shiella."

Inismiran niya lang ang singer. Mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala kay Silver dahil malaki pa rin ang ulo nito. Saka totoo naman na mas gusto niya ang cover nila. Certified Colors fangirl pa rin siya at walang sino mang sikat na singer ang papalit sa kanila sa puso niya.

Akmang aalis na si Shiella nang mahagip niya sa paningin na medyo itinaas ni Mil ang kamay upang makuha ang atensyon niya. Halos nakaupo na ito sa sahig at nakasandal sa bean bag na pinwestuhan niya. Yakap nito ang asul na gitara habang nakatupi pakaliwa ang kanyang mga binti. Nakapusod na ngayon ang kanyang buhok at may disenyong clams. Ang cute niya. Muli na namang nabuhay ang inggit niya sa ganda nito.

"Uhm, gusto niyo rin po ba ng tubig?" magalang niyang alok ng huling water bottle na hawak niya.

Matagal na tinitigan ni Mil ang mukha niya bago ito nagsalita. "'Di ba nagkita na tayo?"

Hindi alam ni Shiella kung matutuwa siya dahil natandaan ng Mermaid ang pagmumukha niya o matataranta dahil nakilala siya nito.

"Ah, opo. Sa bar noong nakaraan. Kasama ko sila," paliwanag niya sabay  turo sa banda.

"Ah..." Ngumiti si Mil bago muling nagsalita. "Dapat pala sinampal na kita noon."

Biglang napawi ang ngiti sa labi ni Shiella. "Excuse me?!"

Natigilan ang lahat ng nasa stage at napalingon sa kanilang dalawa sa lakas ng boses ni Shiella. Mil held her gaze and smiled, "You heard me. Unless bingi ka?"

Nanggigigil pa rin sa galit si Shiella nang lumapit ang isang crew para sabihing kailangan na nilang bumaba. Kung wala lang talaga sila sa studio ay baka gumulong na sila doon at nagsabunutan. Walang hiyang 'yon. Ang ganda nga, napakasama naman ng ugali!

Hindi umiimik si Shiella hanggang sa matapos ang programa na halos kwentuhan lang naman sa pagitan ng mga artist at host. Umuusok pa rin siya sa sama ng loob kaya wala siyang masyadong matandaan maliban sa isang beses na pinakanta ng ilang linya ng babaeng host si Red. Kalaunan ay inamin nitong si Red ang crush niya sa Colors. Natapos ang palabas matapos i-promote ni Mil at Silver ang kanya-kanya nilang projects at albums.

***

"Sinabi niya 'yon?" gulat na tanong ni Yellow saka humalakhak bago pa nakasagot si Shiella. Nasa Watercolor na sila noon at nagpasya siyang magkwento over dinner dahil na rin sa pamimilit nila.

"At anong nakakatawa doon?" pagsusungit ng dalaga nang mapansin na nakangiti rin sina Jared, Terrence, at William. Nilingon niya pa at tinaasan ng kilay ang nakaupo sa tabi niyang si Red. Agad tumikhim at nagseryoso ang mukha ng binata saka kunwaring uminom ng tubig.

Tuloy lang sa pagkain si Silver na noo'y pinupuno ang kanyang bibig. Halatang wala itong balak makinig sa usapan nila. Si Violet naman ay tahimik lang na nakikinig at napapangiti na rin.

"She's still the same old Mil that we know," komento ni William na tinanguan naman ni Terrence bilang pagsang-ayon.

Nakakatuwa 'yon? Inis ang dalaga na tinusok ng tinidor ang piraso ng karne sa kanyang plato.

"Sorry," ani Yvo nang makabawi. Natatawa pa rin nitong sinubo ang kanyang kutsara. "May naalala lang ako."

"Naalala?"

"May isang babae noon na kinaladkad ni Mil sa buhok palabas ng bus," kwento ni Yvo saka tumigil sa akmang pag-inom nang 'di mapigilan ang tawa.

Napangiwi si Shiella habang iniisip kung gaano kasakit iyon lalo na't may kataasan ang pintuan ng bus ng Colors.

"And then, sinapak niya si kuya Silver," nakangising dagdag ni Orange. "Ang tagal bago nawala ng black-eye na 'yon."

"Mukha lang 'yong mahinhin pero she does punches like a gorilla," alaska ni William.

Tumawa na rin si Violet at napangiti na si Shiella. Silver only scowled at them.

"So, pinagselosan niya ako?"

Yvo shrugged. "Who knows. Baka akala niya inaakit mo pareho si Red at Silver."

Doon lang niya naalala na hinalikan nga rin pala siya ni Red bago iyon. She closed her eyes in frustration. Akala ba niya inaangkin ko pareho ang kakambal at ang dati niyang asawa? Nagmukha ba siyang malandi sa mga mata nito? Hindi niya alam kumbakit bigla niyang naalala ang mukha ni Chris noon habang hawak siya nito sa leeg.

Malandi ka talagang pokpok ka.

Noon niya naramdaman ang kamay ni Red sa kanyang kamay.

"Iisipin ng tao kung ano ang gusto nilang isipin. Pero hindi no'n mababago ang akin," saka ito tumungo mula sa kinauupuan para halikan ang kanyang pisngi. "Ang Shiella lang na kilala ko ay ang Shiella na nakikita ng mga mata ko."

Ngumiti siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha niya. The kiss on her cheek and his hands on hers felt warm. Biglang naalala niya na iba na nga pala ang sitwasyon niya ngayon. She has Red. Tumayo siya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata saka hinalikan ang mga labi nito.

"Woah," usal ni Red after that kiss. "Is it time for dessert already?"

And she could only bite her lip in response.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon