Riff 19

690 25 5
                                    

"Knock knock?" Nakangiting sumilip si Shiella sa loob ng kwarto ni Yvo. Hindi na ito naghintay pa ng sagot at agad na sumandal upang itulak ang pinto. Dala ang tray ng meryendang hinanda nila ni Violet ay pumasok siya sa loob.

Sumalubong kay Shiella ang rock music na nagmumula sa mga speakers sa sulok ng silid. Agad niyang nakilala ang mga bagong riff na ginawa ni Red. O ginawa nila ni Red. She blushed. Tugtugin ang mga iyon mula sa binubuo nilang album. May ilang kumpleto na hanggang vocals habang may ibang raw/incomplete versions pa rin.

Tumayo mula sa pinipinturahang canvas sa sahig si Yvo nang makita siya. He's barefooted. May suot itong faded jeans at itim na shirt na ginupit ang manggas. Both of his jeans and shirt are filled with splatters of paint. Nakatali ang mahaba nitong buhok at may kaunting tubo na ng balbas sa baba at jawline. Nginitian nito ang dalaga.

"Sipag natin, a," puri ng dalaga saka nilapag sa mesa ang dalang pagkain. Iginala niya ang paningin sa paligid. Tulad ng tipikal na kwarto ng isang artist na ginawang work station ang lungga ni Yvo. Maraming nakahilerang painting sa gilid. Iba't-ibang tema. Mayroon din siyang mga sculptures na sa tantya niya ay in progress pa rin.

"Everyone's working hard," tugon ni Yvo. Pinunas muna nitong maigi ang mga kamay sa suot na damit bago kinuha ang juice sa tray.

Tumango si Shiella. Mas lalong naging abala nga ang Colors dahil sa sunod-sunod na commitments nila. Kailangan din nilang alalahanin na may paparating silang concert. Bukod pa rito ay ang pressure ng bagong album. Inaayos ni Red at William ang mga riff na gagamitin. Samantalang si Yvo at Terrence naman ay abala sa pagproduce ng beat at bass na babagay sa mga riff na 'yon.

"Except kay Silver," buntong-hiningang sinabi ni Shiella. Bumalik na naman kasi ito sa pagmumukmok sa kwarto nito matapos maghintay ng ilang araw sa magiging tugon ni Mil. Wala siyang nakuha. Nag-cancel pa nga si Mil sa ilang guesting na dapat ay kasama nila ito. "Umaarte na naman siyang parang bata."

Ngumisi si Yvo saka uminom ng juice. "Cut him some slack. Sinubukan naman niya, right?"

"Once," pagtatama ng dalaga.

"Yes, once," sang-ayon ng bassist. "Still counts."

Patagilid na tinitigan ni Shiella si Yvo habang nakapamewang. Nang mapansin ito ng binata ay muli itong nagsalita, "Stop giving me that this is why you're still single look."

Natawa si Shiella sa tinurang iyon ng kausap. "Seryoso, wala bang nakakaintindi sa inyo dito kung paano mag-isip ang isang babae?"

Seryosong nag-isip si Yvo.
"Meron. Si William," sagot nito na tinanguhan naman ni Shiella. "Pero, for the record, I personally think you need a doctorate degree to understand how women thinks."

Muling tumawa si Shiella. Si Yellow talaga ang pinakamaboka. Nakakatuwa rin itong kausap kung hindi kabastusan ang lumalabas sa bibig nito. Bumalik siya sa topic. "Hindi dahil sinubukan na ni Silver ay magiging okay na, 'no. Kung ganoon lagi ang mangyayari, maraming magiging tanga."

Nagtaas ng kilay si Yvo. "Buti na lang pala single ako."

Shiella threw darts at him with her eyes. "Healing takes time. Hindi matatawag na pagsuyo ang isang beses lang na paghingi ng tawad."

Kumagat si Yvo sa isang sandwich, as if to end the argument dahil alam niyang hindi siya mananalo kay Shiella. Sinilip naman ng dalaga ang tinatrabaho ni Yvo. Malaki ang canvas na nakapatong sa mga nakalatag na mga dyaryo. Sa tantya niya ay nasa limang talampakan ito. Ang subject ay ang babaeng nakahiga sa mga bulaklak na nakita niyang ginuguhit ni Yvo. Malaking version ito, at wala pa sa kalahati ang nalalagyan ng kulay na may abstract patterns sa pagiging random.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon