Riff 9

3.5K 54 36
                                    

The air was hazy, hindi na malaman kung ang nagbibigay ba ng ganoong impression sa hangin ay ang fog machine o ang usok na binubuga mga club regulars. Nakaset-up na ang lahat. Inayos na ng management ng club ang lahat para sa kanila; ang rooms, ang parking lot, pati na rin ang setup ng equipments. Shiella's heart throbbed along with the dj's beat. All that's left now is for Colors to enter the scene and perform.

"Hahabol daw si V," Silver said non-chalantly to the group. Ibinato niya sa center table ang hawak na phone saka kumuha ng bote sa bucket.

The members nodded collectively. Everyone seemed tense, even Silver the alpha-wolf. All those years of performing and nothing scares them more than these sudden public appearances. Paano nga naman kung walang makakilala sa kanila? O mas maraming haters sa crowd ngayon?

And now, being with them, Shiella felt the tension herself. Ngayon niya mas lalong naintindihan why they drink before each performance. Nakwento pa ni Red sa kanya na naglaro sila ng game noong gabing nakilala niya sila that led them to wear Silver's Bitches.

"Uh, gentlemen?" sumilip ang isang babaeng may katangkaran sa private room nila. She visibly blushed when the band's eyes landed on her. Napatingin pa ito sa gawi ni Red at biglang parang nalimutan kung ano ang sasabihin. Shiella couldn't help but smile. Dang, girl, I know the feeling. Pero nagulat din siya sa sarili nang makaramdam ng selos. Woah. Nahahawa ba siya sa possessive Maestro?

"Yes, Ms?" si Yellow, grinning like the boy next door.

"Uh, w-we're ready for you po, sir--uh, C-Colors."

Sabay-sabay silang nagtayuan. Kumabog lalo ang dibdib ni Shiella kahit na di naman siya kasama sa performance. "W-wait, dito ko lang ba kayo hihintayin?"

"Ma'am pwede ko po kayong ikuha ng table malapit sa stage," pagmamagandang-loob ng babae.

"Ay, wag na po," her mind raced for words. Gustong-gusto niyang mapanood ang banda pero ayaw niya ng special treatment, ayaw niya ring mahagip ng cameras ng crew. Distressed, she blurted out the other reason why. "Baka di ko kayanin at sumampa ako sa stage."

The group laughed, the tension leaving their faces. "Kapag ginawa mo yon, pasasayawin ka namin," biro ni Silver, pero alam niyang seryoso ang leader.

"Something sexy," pahabol ni Yvo. Naiiling naman ang nakangiting si Orange na hindi mabuksan ang hawak na lollipop. Nang hindi makatiis sa panood ay inagaw ni White ang hawak nito at siya na ang nagbukas sa kendi.

"I don't mind kahit saan ka. As long as I can see you, I'm fine," matamis ang ngiti ni Red. Ramdam ni Shiella ang pagkatulala ng babae nang dampian siya ng halik sa pisngi ni Red.

"I only have my eyes on you," bulong pa nito. She blushed. So alam nitong nakaramdam siya ng selos?

She bit her lip and held his head to whisper back. "Wrap this up para ma-solo na kita ulit."

"Okay, excuse me lang, ha, we sort of need our lead guitar," pang-aasar ni Silver habang pinagtutulungan nilang kaladkarin si Red palayo.

***

The band just finished their third song. Silver ask them if they want more and the crowd roared in answer. Halos lahat ng tao sa club ay malapit na sa stage at nagtutulungan na sina Crimson at ang mga bouncers ng establishment para pigilan sila na makalapit pa.

Nakaupo si Shiella malapit sa bar, sinisimsim ang inorder na alak. Natatawa siya kumbakit siya nakikisama sa pag-aalala kanina samantalang halos mabaliw ngayon ang mga manonood.

Silver placed his index finger against his lips and crowd grew silent. Mahina sa una pero unti-unting luminaw ang pagkalabit ni Red sa kanyang axe. Isang key lang, with a consistent beat. Everyone gape. Nakatayo siya doon, nakapikit, and Shiella immediately felt the wetness between her hips. Oh, God, Red what are you doing to me.

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon