Maaga siyang nagising kinabukasan. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa loob pa rin siya ng Watercolor matapos ang nangyari. Naluluha pa rin ang mata niya kapag naalalang init ng pagtanggap ng grupo.
Wala na ang bigat sa kanyang dibdib na napakatagal nang nagpahirap sa kanya. Lumingon siya sa katabing unan at nakitang hindi man lang nagusot iyon. Malamang na sa studio sa ibaba na nakatulog si Red. Nagkasundo sila ni Silver na kailangan na nilang i-finalize ang ilang piece para makahabol sa schedule. Nakaramdam uli siya ng kirot nang maisip na nangyari iyon dahil kinailangan nilang biglang lumipat sa Watercolor at magsayang ng ilang oras sa byahe.
Bumangon na siya't nag-unat. Ginala niya ang mata sa paligid. Ang kwarto ni Red. Halos walang pinagkaiba ito sa kwarto niya sa bus, kulay puti na may kaunting touch ng kanyang signature color. Kapansin-pansin din sa left side ng room ang mural ng red axe ng Maestro. It was tilted with twirling red streaks surrounding the axe, as if to portray it flying. Nakapaikot naman sa painting ang mga pictures ng banda sa ilan sa kanilang mga concert, kasama ang ilang solo photos. Isa sa mga pinakanagustuhan niya ay isang kuha na magkatalikuran si Jared at William, lost in their music, the background blurred to highlight the two guitarist.
Sexy, she thought.
You know, I've done it with Jared.
Napangisi siya sa naalala. Minabuti niyang bumaba na sa kusina bago pa muling maglumikot ang kanyang imahinasyon.
Excited siyang mabalikan muli ang kusina at malaki ang kutob niyang ito ang magiging paborito niyang parte ng Watercolor. Kumpleto sa gamit. Ngayon pa lang hindi na niya mabilang kung ilan ang gusto niyang lutuin para sa Colors. Napahimig pa siya sa paglalakad.
Napatigil lang si Shiella nang bago pa siya tuluyang makapasok ay biglang naghiwalay si Orange at Violet na noo'y nasa counter. Kung hindi siya namalikmata ay sigurado siyang hinahalikan ni Terrence ang leeg ng kanilang manager bago siya tinulak ng huli.
"Uhm..." Napatitig siya kay Orange, noo'y nakayuko sa dulo ng counter na akala mo'y naghahanap ng pattern sa marol. Pagkatapos kay Violet na tahimik na nagbubuhos ng kape sa kanyang tasa. Inayos pa nito ang ilang hibla mula sa purple nitong buhok papunta sa likod ng tenga nito.
"Good morning!"
"Good morning," halos sabay na sagot ng dalawa kahit halatang pareho silang naiilang sa nangyari. Mabilis na nagpaalam si Orange na babalik sa kwarto nito para mag-ayos ng gamit.
Tumango at ngumiti si Shiella sa drummer saka tuluyang pumasok sa kusina. Nakasilk na silver nighties ang manager ng Colors, at hindi maiwasan ni Shiella ang mamangha dahil mas madalas niya itong nakikitang nakacorporate attire. Noon niya lang din nakita ang tattoo nito sa kaliwang braso na karaniwang natatakpan ng blazer. Mga rosas iyon na kulay itim, ang pinakamalaki ay ang nasa tuktok ng braso nito, at mga tinik na nakapulupot sa kamay ng dalaga saka nagtapos sa paanan ng middle finger, sa tapat ng buto.
"Coffee?" alok nito.
Ngumiti lang si Shiella saka nagpasalamat nang iabot ang kanyang kape. Tahimik silang uminom habang nakatayo sa counter, parehong nangangapa ng sasabihin. Gusto mang mag-usisa ni Shiella ay pinangunahan siya ng hiya niya dahil hindi pa naman sila ganoon ka-close ni Violet.
"Magluluto sana ako kaya nagising ako nang maaga," ang pagbasag ni Shiella sa katahimikan nang mapansin ang pancakes at bowl ng nakahiwang prutas na nakahain sa mesa. "Mukhang naunahan ninyo ako ni Terrence."
Ngumiti si Violet. "Sorry. Nakasanayan ko na kasing ipagluto sila dito."
Noon lang naisip ni Shiella na wala nga pala sa mga kalalakihan ang marunong magluto pero himalang kumpleto sa gamit ang kusina dito.
"Kaya natutuwa ako noong nakasama ka nila sa bus," nakangiting dagdag pa nito bago humigop ng kape. "They are all terrible cooks."
Oo nga pala. Si Silver at Violet ang unang nakaalam. Nakaramdam siya nang hiya nang maalala ang sinabi ni Silver noong nagdaang gabi. Alam nila ang tungkol sa kanya pero tinanggap pa rin siya sa bus. "Uhm, V?"
"Hmm?" nagtaas ng kilay ang manager habang umiinom bilang tugon.
"Thank you," saad niya. "Sa pagtanggap sa 'kin sa bus."
Napangiti si Violet. "Wala 'yon. Saka sabi ko nga, they needed a female on those buses. Kung wala ka siguro, pupusta ako na may UTI na mga 'yon."
Naghagikgikan sila sa tinuran ng manager ng Colors.
"And don't you worry," paniniguro pa ni V. "We're experts here when it comes to keeping secrets," sabi nito sabay kindat.
***
"Hmmmm. Chin up ka nga, my dear."
Pumikit si Shiella saka sinunod ang utos ng stylist. Hinawakan nito ang kanyang baba saka marahang binaling sa kaliwa at kanan ang kanyang mukha.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagdampi ng brush ng baklang si C sa kanyang mukha. Si C ang makeup artist ng Colors at siyang nag-aayos sa kanila sa tuwing may photoshoot.
Isang makeover sa kanyang makeup at pananamit ang isa sa naisip na paraan ni Silver at Violet. Hindi man nito tuluyang mabago ang kanyang itsura ay mababawasan naman nito ang tyansang makilala siya mula sa malayo o sa ilang anggulo. Nahihiya man ay tinanggap niya ang alok, at sa totoo lang ay excited din siya sa magiging resulta. Maging si Red ay ayaw umalis sa sala kanina kung hindi pa siya kinaladkad ng iba para sa practice.
"Okay, ikot naman, dearest," malambing na utos ni C, at mabilis siyang sumunod. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha ng stylist habang pinagmamasdan siya.
"Purrfect!" he exclaimed and turned to V, na noo'y nagbabasa ng magazine sa gilid wearing her usual attire. "Ano, pasado ba?"
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Violet. "Good. Now, we just need to change her clothes."
"Oh, nasa bus pa ang mga damit ko," sagot ni Shiella nang maalala na ang ilang pares lang na binili nila ni William ang meron siya ngayon. "Nasaan na nga ba ang bus?"
"Silver asked Gray, Crimson, and Beige to drive the buses around, so wala muna sila dito for a while," V said. "Ako na bahalang kumuha sa mga instruments."
So hindi ang mga bus ang sinakyan ng members pauwi, naisip ni Shiella. Malamang na ideya ni Silver para hindi sila masundan.
"Saka hindi mo na kailangan ang mga damit na 'yon, my dear," si C, namumuo ang pilyong ngiti habang nakatingin sa dalaga.
Agad niyang naintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin. "Pati pananamit ko?"
"Oh, yes!" Tumawa ang stylist saka naglakad paikot kay Shiella. "Gusto mo turuan pa kitang lumakad ala Catriona Gray."
"Goodbye tshirt na," tukso ni Violet.
Ang sabi ng babaeng laging nakapang-opisina, sagot ni Shiella sa isipan niya.
"Today, we welcome," saad ni C na hinawakan sa balikat ang dalaga saka giniya papunta sa sinet nilang full length mirror. "The new Shiella Mae Romualdez."
Natulala siya sa salamin. Ako 'yon? Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at hinawakan ang kanyang mukha, ang kanyang buhok. C dyed her hair brown, trimmed it and turned it into curls. May bangs na rin siya ngayon. The makeup was light, except for the pink highlight on her eyes. Overall, her hair and makeup made her face seemed rounder. Simple, pero maganda.
"Now try this on," binuksan ni C ang isang glass case at kinuha ni Shiella ang Harry Potter style glasses doon.
Pinagmasdan niyang muli ang sarili sa salamin, nakatayo si C at Violet sa kanyang magkabilang gilid.
"From now on," nakangiting wika ni V. "We will call you S."

BINABASA MO ANG
COLORS: The Maestro's Muse [R-18]
RomanceMuling natagpuan ni Shiella ang bandang hinangaan niya noon at ang old crush slash lead guitarist ng COLORS na si Red Barrameda sa punto ng buhay niya na akala niya'y nawala na sa kanya ang lahat. Sa sandaling pagsama niya sa mga ito upang takasan a...