Riff 23

1.3K 35 27
                                    

Napangiti si Shiella pagkagising kinabukasan. Umunat siya, feeling her body for anything aside from that sore spot between her legs. Umusod siya palapit at yumakap kay Red na noo'y nakatalikod sa kanya.

Agad niyang napansin na parang pumayat si Red. Natigilan siya't napakalas.

"Why did you stop?" inaantok na tanong ng nakapikit pang si William. "I love backhugs."

Napabalikwas siya ng upo. "William?"

"Hmm?"

Mabilis niyang iginala ang mata sa buong silid. Wala si Red. Sunod niyang tinignan ang kanyang katawan. Ang tanging suot niya lang ay ang kanyang bra at panty. Napasapo siya sa sariling noo. Fuck. Unti-unting bumabalik sa kanya ang lahat ng nangyari sa nagdaang gabi.

"I hope you don't mind," sabi uli ng nakapikit na si William sabay napahikab. "You passed out last night and you smell of wine and sex. So, pinunasan ka namin ng towel and tucked you in some undies."

Tahimik siyang napamura. Totoo nga na wala na siyang maalala after... After... Kumunot ang kanyang noo.

"Then we resumed without you," dagdag ni William.

After that kiss.

"WHAT?"

"Kidding!" Tumawa nang malakas si William saka iniangat ang kumot na tumatakip sa ibabang parte ng kanyang katawan. "I kept my promise."

May dudang tinitigan ni Shiella ang suot na pants ni White. Iyon nga ang suot niya kagabi. Nakakabilib sa isang lalake ang kayaning panindigan ang mga ganoong pangako. Marami nga diyan ang nangangako ng yakap lang, e.

"Si Red?"

Nag-unat si William saka yumakap sa isang unan. "Making breakfast, I think."

Si Red magluluto ng almusal? Marunong na ba siyang magpakulo ng tubig? Napangiti siya.

Malaki nga talaga ang tiwala ni Red sa bestfriend niya. Enough para iwan niya ang dalaga na halos hubo't hubad sa iisang kwarto kasama si White. Unless, alam niyang hindi talaga katulad niya ang tipo ni William?

Nagtaas siya ng isang kilay saka tinitigan ang nakahigang binata. "William?"

"Hmmm?"

Tumikhim siya para makabwelo sa kanyang tanong. "'Di ba tinanong kita dati...?"

"If I'm gay," kaswal na dugtong ni William.

"Yes," tumikhim siya ulit. Gumagapang na ang hiya sa kanyang dibdib. Hindi naman kasi ito katulad noong unang beses siyang nagtanong. Ngayon kasi nakita niyang hinalikan mismo ni William si Red. "I-If you're gay."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni William. "Would you like to find out?"

Napalunok siya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari. "Siyempre hindi."

Tumawa ang binata saka nag-unat ulit. He then gazed at her sleepily. "I'm pansexual, S."

Napahawak si Shiella sa dibdib niya. "So nalilibugan ka sa pancakes?"

"No," Natatawang sagot ni William. "Let's say that if boys likes to eat pizza, and girls likes to eat pasta: I eat both."

"Oh."

Hindi siya sigurado kung talagang naiintindihan niya. But doesn't that make him the most dangerous out of all the members?

"I have my standards, too, you know," habol ng binata nang mahulaan kung ano ang iniisip ni Shiella.

Standards? Humiga si Shiella saka isinandal ang noo sa likod ni William habang pinapakiramdaman ang sarili. Kalmado ang paghinga ng binata. Standards sa sex? Gaano kaya katotoo ang sinabi niya tungkol sa kanyang emosyon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COLORS: The Maestro's Muse [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon