Chapter8

533 7 0
                                    

#Chapter8

Belle's POV

"Ma'am Belle"

"Manang bakit?"

"Kasi po si Sir Voltaire"

"Kauwi na ba siya?"

"Opo" nakita ko naman ang pag alinlangan ni Manang Nene napangiti naman ako ng pilit sakanya.

"Naku manang di ka ba nasanay? tatlong taon ka ng nagtatrabaho dito at alam mo naman yung set up namin dalawa manang"

"Ma'am ikaw po kasi yung asawa di ka po ba napapagod?" ngumiti naman ako sakanya.

"Magpahinga ka na manang for sure yung si sir Voltaire mo busog na, at ako din kaya mag pahinga ka na po" tumango naman ito pero kita ko padin ang pag alinlangan niya at pag aalala niya.

Umakyat naman ako sa pangalawang palapag, magkaharap lang ang kwarto namin ni Voltaire pero wala akong naririnig dahil sinadya talagang lagyan ng soundproof ang kwarto niya, I mean kwarto namin pag andiyan mga magulang namin.

Bago ko pa nabuksan ang pinto ng kwarto ko ay narinig ko naman ang pag bukas ng kwarto ni Voltaire

"Andiyan na pala asawa ko, hey" humarap naman ako sakanya ng walang ekspresyon sa mata.

"oh?"

"kamusta araw mo?"

"Lasing ka na mag pahinga ka na, at nga pala mahiya ka naman kay manang kahit wag na saakin, nagdadala ka ng babae dito"

Mag sasalita na sana siya ng mag ring akong phone ko kaya kinuha ko ito sa bag at napangiti nalang ako sa tumawag sinagot ko naman agad ito.

"Hello baby"

"Ma! kauwi ka na po?"

"Yes baby kauwi na po ako"

"ako din po ma, thank you for this day po"

"You are always welcome baby, mag pahinga ka na"

"Okay po ma, I love you po"

"I love you too baby" narinig ko naman ang pag mwah niya kaya napatawa nalang ako ng mahina bago binaba ang tawag.

"Stop acting like a teenager, cause you're not, you are married person already" kumunot naman ang noo ko sa pinag sasabi niya niya papasok na sana ito ng kwarto niya ng may lumabas na isang babae na nakatakip lang ang kumot sa katawan

"hey honey naiinip na ako, ang tagal mo kasi"

Umiling naman ako at agad na pumasok sa kwarto bago pa tuluyan na tumulo ang luha ko.

Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako kay Voltaire at di ko alam bakit hanggang ngayon na ganito ang ginagawa niya, nag dadala ng babae dito sa sarili naming bahay di padin mawala wala ang nararamdaman ko.

Paulit ulit akong nasasaktan, at siya paulit ulit na nasasarapan sa mga babae niya.

Kailan ba ulit ako mapupuno?, tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon di ko na magawa gawa yung ginawa ko noon, yung iwan siya.

Umupo naman ako sa kama ko at doon ako umiyak ng tahimik at umiling iling.

Niloko na nga ako ng tatay ko, yes he keep his deal about my daughter pero hindi yung mga gawain ko.

Niyakap ko naman ang sarili ko ng pumasok sa isip ko yung nangyayari ngayon sa loob ng kwarto ni Voltaire.

"Stop crying please Belle" pag patahan ko sa sarili ko.

Nakakaproud din ang sarili ko dahil nakakaya kong di na sasaktan sa harap ni Voltaire nakakaya kong sabihin sakanya ang mga salitang binitawan ko kanina pero di ko kayang sabihin ang mga totoong nararamdaman ko.

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon