#Chapter13

383 4 0
                                    

#Chapter13

Belle's POV

Isang buwan ng naninirahan dito sa apartment namin si Voltaire, masaya naman.

Masaya kaming pamilyang ninirahan dito sa maliit na bahay, kahit na katabi ko palagi si Voltaire, sumasama kasi siya dito saakin sa boutique, ayaw niya daw tumambay sa bahay lang gusto niya daw ako palaging nakikita.

Busy naman ito kaharap ang laptop niya, naiintindihan ko naman alam kong may mga trabaho siyang naiwan don sa Pinas.

Sa tuwing uwian ni Venice, kami ang kumukuha nito sa eskwelahan niya.

Pumasok naman ako ng opisina ko nakita ko si Voltaire na may kausap, tahimik lang ako habang pinapanuod siyang nakakunot ang noo habang nakikipag usap sa kung sino tungkol sa trabaho.

Dapat talagang umuwi ito, bakit ba hinayaan ko siyang mamalagi dito hanggang sa matapos ni Venice ngayon na school year.

Pagkatapos niyang kausapin ang nasa telepono lumapit naman ito saakin at niyakap ako.

"Dapat ka na talagang umuwi Voltaire"

"No, ilang ulit na ba tayo nag usap tungkol dito Belle? hindi ako uuwi hanggat hindi ko kayo kasama"

"Pero kailangan ka na don Voltaire"

"I'm not going home hanggang hindi ko kayo kasama that's final, please"

"Voltaire naman."

"Ayokong mag away tayo Belle kaya hayaan mo na ako"

"Hindi pwedeng wala ka sa hospital niyo Voltaire"

"No" tinulak ko naman siya ng mahina para mapahiwalay sa yakap niya.

"Bahala ka" tipid kong sabi sakanya, tinalikuran ko na siya, lumabas naman ako ng opisina ko at nag tambay nalang sa labas.

"Andito ako sa France Belle!" masayang anunsyo ni Anshirina, na ka video call ko ngayon

"Talaga?!" excited kong tanong, tinitigan ko naman ang nasa likod niya, bumabyahe ba ito ngayon? kasi nasa kotse ito ngayon.

"Gumala naman tayo"

"San ka ba?"

"Actually papunta na ako sa malapit na cafe shop ng boutique mo, sinadya ko talaga yun para makipag kita sayo, kaya nga kita tinawagan eh" ngumiti naman ako sa habang sinabi niya.

"I think I know where, iisa lang ang cafe dito sa lugar nato, uhm maybe see you in a bit?"

"Make it faster please" nakita ko naman na pababa na siya ng kotse niya.

Binaba ko naman yung tawag at napalingon nalang sa pinto ng opisina ko.

Isang oras na ang nakalipas nung nag usap kami, hindi pa ito lumalabas ng opisina ko, hindi naman ako pumasok pa. Inutos ko nalang kay Candice ang pag hahatid ng makakain niya.

Umalis naman ako, nag paalam naman ako kay Candice, nandito naman ang kotse ko kaya hindi ko na kailangan pang mag lakad, medyo may kalayuan pa naman yung cafe, malapit lang ito sa boutique kasi yung ibang cafe may limang kilometro na ang layo sa boutique.

Sa pag pasok ko sa cafe, agad ko ding nakita si Anshirina, kumaway kaway pa nga ito para lang maagaw ang antensyon ko, ngumiti naman ako agad din siyang nilapitan.

Nag yakapan naman kaming dalawa bago nag order ng kung ano.

"So kamusta ka na nga?"

"Ito padin"

"Alam mo bang yung hospital ni Voltaire ay medyo nagkagulo ngayon? dahil daw wala si Voltaire?"

Gulat naman ako sa binalita ni Anshirina saakin, wala pang kaalam alam si Ansh na kasama ko si Voltaire at isang buwan na. At wala din akong kaalam alam sa binalita niya saakin.

Totoo ba? kaya ba masyado siyang busy nitong mga nakaraang linggo?.

Ito ang gusto kong eh uwi niya dapat, may nangangailangan sakanya sa Pilipinas pero andito siya saamin, nag mamatigas at ayaw umuwi.

Susunod naman ako sakanya, susunod kami ni Venice pero talagang hindi siya uuwi, tapos ngayon mababalitaan ko pang ganito? mas lalo ko talaga siyang ipagtulakang umuwi sa Pinas.

"Siguro tinanan na ng girlfriend"

"May naging girlfriend siya sa Pilipinas?"

"Yeah meron pero hindi naman yun nag tatagal sakanya, kahit sino nga lang naging girlfriend non, laging laman ng balita, ang dami na niyang naging girlfriend ayaw niya padin pirmahan ang annulment niyo, labas pasok din siya ng bansa simula nung umalis kayo sa Pilipinas, hinahanap ka ata eh, ang gulo niya, may nagiging girlfriend pero hinahanap ka, sana hindi ka niya mahanap"

Di ko alam saan ang dapat kong isipin ang hospital na hawak ni Voltaire o yung may nagiging girlfriend pala siya sa Pilipinas nung umalis ako o yung pag hahanap niya saakin.

"May balita ka pa ba sakanya Ansh?" nanghihina kong sabi.

"Gago padin siya, nabalitaan nga siya na tatay na siya! sa isang modelo pa!" nakita ko naman ang galit sa mukha ni Anshirina, ako naman gulat na gulat.

Ano? may naging anak siya sa ibang babae? hindi lang pala ako ang nabuntisan niya may iba pa pala?. Nanginig naman ako sa naiisip ko, nakikita ko sa mga kamay ko ang pag nginig ko kaya tinago ko ito sa ilalim ng mesa.

"Pero deniny naman ni Voltaire yun, sinabi niya na hindi niya daw anak yun, deniny niya pa talaga"

"A-ansh.." mahina kong tawag sakanya, humigpit ang hawak ko sa kamay ko, biglang bumigat kasi ang nararamdaman ko ngayon. May nabuntis ba talaga siya? hindi lang ba talaga ako yung nabuntis niya? sana ako lang para hindi ko ito maramdaman.

"B-Belle teka oyyy anyare sayo?" taranta niyang tanong, tumabi naman ito saakin at niyakap ako at tuloyan na akong umiyak sakanya.

"Teka bakit ka ba umiiyak?"

"T-totoo bang may anak siya?" nahihirapan kong tanong sakanya.

Okay na kami ni Voltaire eh! okay na kami, masaya na yung pamilya namin, nakikita ko sa mga mata ni Voltaire na mahal niya kaming mag ima, mahal niya ako pero bakit? bakit niya hinayaang magkaanak siya sa ibang babae? tanggap kong marami siyang naging girlfriend, kung mag palit siya ng girlfriend ay parang magpalit ng damit okay lang tanggap ko yun pero hindi ko tanggap yung may anak siya! bakit may sabit pa? hindi ba pwedeng maging masaya kami?

"Oo naman Belle, tumigil nga ang career ng babae dahil nabuntis ito, inalagaan pa nga ito ni Voltaire"

Inalagaan? tumawa naman ako habang umiiyak.

"Hindi niya yun nagawa saakin Ansh" mapait kong sabi.

May experience na pala siya pano mag alaga ng isang buntis eh! alam na niya pano mag hintay sa magiging anak.

Siguro na experience niya na din marinig ang unang iyak ng anak niya, na hindi man lang niya narinig kay Venice.

Sana ako din, gusto kong maranasan pano mag alaga ang isang Voltaire pag buntis ako, gusto ko malaman kung gaano ka pasensyoso ang isang Voltaire kasi ako nung binuntis ko si Venice, si mommy, si Anshirina at kuya Justine lang yung nag alaga saakin.

"I know I know, I'm sorry okay? sana pala hindi ko na sinabi, ngayon ka lang naging emosyonal Belle"

"I-it's becauss Voltaire is with us" na mas lalong nag paiyak saakin at nag stiff naman itong sinandalan ko ngayon dahil sa sinabi ko.

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon