#Chapter17
Belle's POV
"Manang Nene"
"Belle Hija! buti naman at naiuwi ka nga ni sir Voltaire alam mo ba si si sir Voltaire nung umalis ka--"
"Manang! wag mo ng sabihin please" putol naman ni Voltaire, kumunot naman ang noo kong tumingin kay Voltaire, I cross my arms and raise my one eyebrow while looking at him.
"Bakit? may dapat ba akong malaman pero ayaw mo?"
"Wife, hindi mo kailangang malaman yun wife, past na yun eh"
"I knew it! manang may natutulog ba ditong babae?" humarap naman ako kay manang.
"Huh? babae po? wala po, ang gusto ko lang pong sabihin ay palaging lasing si Sir Voltaire nung umalis ka at palaging ikaw yung binabanggit."
"Ako talaga? eh maraming naging girlfriend yan eh! inuto ka lang niyan manang wag kang maniwala" inirapan ko naman si Voltaire at hinawakan ko sa kamay si Venice at dinala siya sa dati kong kwarto.
"Hayaan niyo na po Manang buntis kasi kaya nag susungit" narinig ko pang sabi ni Voltaire bago tuloyan kong hindi na sunod narinig ang usapan nila dahil malayo na ako.
Pag pasok namin sa kwarto nilibot ko ang paningin ko, ganon pa din ang ayus nito, hindi padin nagagalaw ang mga gamit ko nung iniwan ko ito.
Voltaire's POV
"Talaga po? buntis si Ma'am Belle?"
"yes po ikaw ba naman araw arawin hahaha"
"Juskong bata ka hindi ka padin nag babago, sino po ba yung batang kasama ni Ma'am Belle?, nakita ko na yan dati dito eh kasama si Sir Justine"
"Justine? teka nakapunta na dito si Venice?"
"Yes po, sa pagkakaalala ko nung nasakit po si Ma'am Belle bumisita sila sabi saakin ni sir Justine kapatid niya daw si Ma'am Belle"
"Ah ganon po ba Manang? sige na po, ito nga pala manang para sayo, mag pahinga ka na po manang."
"Salamat po dito Sir Voltaire"
Sino ba Justine? sa pagkakaalam ko walang kapatid Si Belle nag iisang anak siya, pano naman siya magkakapatid? at pano nakapuslit sila ng anak kong pumasok dito sa bahay ko na hindi ko nalalaman?
Sinundan ko naman ang mag ina ko sa dating kwarto ni Belle, nakita ko silang nag uusap pa habang nakahiga sa kama.
"Mama, hindi mo pa po kinukwento saakin pano kayo nag kakilala ni papa"
"Wag mo ng alamin anak, may pagkamanyak papa mo nung una kaming nagkakilala, basta! sa hospital yun na yun"
"Bakit po? pangit po ba yung unang pagkikita niyo ni papa?"
"Kasi anak, kahit sino lang ang kasama ng papa noon pa basta! ang bata mo pa para malaman ang mga bagay na yun"
"Pinag uusapan niyo ko patalikod ah?" biro kong tanong at hinalikan ko silang dalawa sa noo bago ako tumabi kay Belle, pinagitnaan namin ng anak ko si Belle.
"Papa, nag tatanong lang po ako pano kayo nag kakakilala ni mama, pero ayaw sabihin ni mama eh" hinalikan ko naman ang braso ni Belle, patago ko pa itong kinagat ng mahina, narinig ko pa ang pag ungol niya, nilingon niya naman ako at sinamaan ng tingin.
"Mabait akong doctor nang makikilala ko ang tita Alice mong mahilig makipag basag ulo at ang mama mong taga suporta sa kabaliwan ng tita mo anak"
"Sino po si tita Alice?" nagugulohan niyang tanong saamin."
"Tita mong nawawala ngayon, mahilig mag layas ang dugo ng mama mo anak, kaya pag may problema ka sa pag ibig wag na wag kang mag layas okay? tulad nalang ng ginawa ng mama mo noon"
"Aray!" reklamo ko nang sikohin ako ni Belle, tinapunan niya naman ako ng masamang tingin.
"bakit mo tinuturuan ng kagagohan anak ko?"
"Anak natin wife"
Nung nalaman kong buntis pala ito, todo alaga na ako sakanya pero kung nahihirapan ako kay Victoria noon nung inalagaan ko ito nung dinadala niya daw ang anak ko daw, mas double ang hirap sa pag aalaga ko kay Belle dahil sa mood swing nito at mga gustong kainin nito na hirap na hirap hanapin sa bansang France.
Linggo lang naman ang tinagal namin doon pagkatapos nong away namin ni Belle, yung boutique niya binigay niya ito kay Candice, ewan ko bakit mabilis niya itong sinabi, masaya naman yung trabahante niya, kahit yung mga papeles ng negosyong yun inayos ko na din para sa pag alis namin wala kaming mga pobproblemahin.
Sa ngayon ang iisipin ko nalang ay ang pag aalaga sa mag ina ko, syempre sa pag asikaso din sa mga problema sa hospital.
Dumami kasi ang problema ng hospital simula nung hindi ako umuwi agad dito sa Pinas.
Sa totoo lang, binibisita ko lang yung kapatid kong si Dianna doon, ang plano kong isang linggo lang ako ay ang extend dahil nakita ko si Belle.
Sinundan ko ito noon kahit na hindi ako siguradong asawa ko talaga ang nakita ko noon, kaya nalaman ko ang boutique na yun.
Hindi ko naman aakalaing si Belle talaga yung nakita ko noon, sobrang saya ko non na may kaba dahil alam kong galit si Belle saakin takot akong hindi niya ako tatanggapin ulit.
Pero mas lalong gusto kong suyuin si Belle nang malaman kong may anak pala ako sakanya, na may munting anghel kami.
Medyo may galit din ako non kay Belle dahil bakit hindi niya sinabi saakin ang tungkol don, naging madamot man siya pero humupa naman ito, hindi tumatagal ang galit ko sakanya kahit nong galit ako sakanya dahil hindi man lang siya umuwi tapos may sakit pa siya?
Nag sisisi ako non sa mga sinabi ko sakanya, kaya nung kumalma ako kakausapin ko sana siya pero huli na ang lahat non, umalis na siya.
Hinanap ko pa siya noon pero ang galing galing niyang magtago kahit ang pag alis niya ng bansa hindi ko nalaman.
Buong mundo ata nalibot ko na para lang hanapin siya, hindi totoo yung issue na marami akong naging girlfriend simula nung umalis si Belle, media is media, tumahimik lang ako non.
Mas tinuon ko ang pansin ko sa pag hahanap sa asawa ko, kahit ang France pinuntahan ko na noon pa, kahit yung kinatatayuan ng boutique ni Belle, nadaanan ko na din yan noon pero hindi ko yun pinag tuonan ng pansin noon.
Gulat din ako nung may sinabi saakin na ako daw ang ama ng dinadala niya, kahit na alam kong nag susuot ako ng proteksyon noon, alam kong hindi iyon pumapalya kasi kahit na may suot akong proteksyon sa labas ko padin iyon pinapalabas.
Inalagaan ko si Victoria non at nag usap na kami pag hindi akin ang bata, wag na niya akong gulohin. At tulad nga ng napag usapan namin hindi niya ako ginulo.
"I love you both no matter what" naagaw ko naman ang atensyon ng mag ina ko na kanina nag uusap lang pero ngayon nakatingin na saakin.
"I love you too papa!"
"Wife I love you" hinalikan ko naman siya sa braso niya at tumingin sakanya.
"Yeah whatever"
"I said I love you" hinalikan ko naman siya sa labi niya, tumugon naman ito, palalimin ko pa sana yung halikan namin pero tinulak niya naman ako ng mahina.
"I love you too okay? tumigil ka na" umirap naman ito saakin.
Ganito ba siya mag buntis? nagiging masungit?
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast ✔
Ficção AdolescenteKyril Series #2: Beauty and The Beast Belle Kyril is the fifth child of Kyril Group, for Belle freedom is a big dream, she don't want what her father wants him to do. When she met her first love she thought she'll be free but she experience heart br...