#Chapter22
Voltaire's POV
Sa pag uwi ko galing trabaho, wala na akong Belle na naabotan, sinundan ko ito sa airport pero isang oras na pala ang nakalipas simula nung umalis ang eroplano ni Belle.
"This is bullshit!" mahina kong sabi.
Kahit kailan ang hirap pigilan ng mga Kyril, aalis at aalis sila kung kailan nila gusto.
"Pa where's mama?"
"Umalis" tipid kong sagot kay Venice, kanina pa nito nililibot ang paningin niya, siguro hindi na niya napigilan at tinanong na ako.
"Okay po" ngumiti naman ito na parang wala lang sakanya, kumunot naman ang noo ko.
"Okay ka lang ba don anak?"
"Alin po? sa pag alis ni mama?, nag promise po siyang babalik siya, I know she meant it, iniiwan niya po ako noon at she always promise na babalik siya, she never broke her promises to me pa, I trust mama at mag hihintay ako, sana kayo din po" ngumiti naman ito at umalis sa harap ko.
Huminga naman ako ng malalim, at humiga nalang ulit sa kama, wala pa akong tulog kanina pa ako nag isip kung ano ba ang gagawin ko.
Why Kyrils always leave? isa din ba yun sa tinuro sakanila noon?
I trust Belle pero hindi ako mapakali dahil sa nasa panganib ito ngayon.
Belle's POV
Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, agad din naman akong dumiretso ng bahay namin pagka dating na pagkadating ko sa France.
"Dad!" sigaw ko sa buong mansyon pero mga katulong lang yung bumungad saakin at hindi din nila alam nasan ang tatay ko.
Agad ko itong kinontak pero hindi ito sumasagot kaya sila Alice yung tinawagan ko.
"Alice wala yung tatay ko dito"
"Papunta na sila Nethon at Misha diyan Belle, hintayin mo nalang sila bago ka gumawa ng plano"
"But where's my father!?"
"We don't know, hindi na namin siya ma kontak pagkatapos nung pag uusap niyo kagabi."
"Just wait for them before moving"
"Ano bang nangyayari dito Alice?"
"Yung tatay mo lang ang maka explain niyan, tulong lang ang hiniling niya saakin at hindi niya pinaliwanag ang lahat lahat"
"Alexander and Ashton will be there too, napag desisyonan nilang tulongan ka."
"Kamusta yung mag ama ko?"
"They're fine"
"Siguradohin mong hindi sila makakasunod dito Alice, ayokong sila naman ang mapahamak at siguradohin mo ding nasa ligtas silang kalagayan" tumango lang ito bilang sagot, binaba ko na yung tawag.
Dumiretso naman ako sa opisina ng tatay ko..
I need to save my parents, akala ko talaga makakatakas na ako sa ganitong klaseng pamumuhay pero hindi pala, kahit anong takas ko, susundan at susundan padin ako ng buhay nato.
How can I live a peaceful life with my family? gusto ko lang yung normal, ayoko ding mabuhay ang mga anak ko na katulad ko.
Huminga nalang ako ng malalim at umupo sa swivel chair ng tatay ko. Agad ko namang nakita ang dalawang picture frame, kinuha ko yung isa at tumitig dito.
"Dad, mommy tiis tiis muna ha? ililigtas ko kayo, papatayin ko kung sino man ang may pakana ng kagulohang ito."
Family picture namin, ang bata bata ko pa dito, sobrang inosente ko tignan hindi mo aakalaing mag nanakaw na ako sa edad na ito.
"Daddy!"
"Belle, why?"
"Here!" excited kong inabot sa tatay ko ang inutos niya saaking kunin sa isang jewelry shop.
Sinuot ko ito dahil masyadong maganda ito sa paningin ko pero bago ako pumasok sa opisina ng tatay ko hinubad ko na ito.
Kahit ang bracelet na hindi niya inutos saakin pero ninakaw ko padin dahil maganda ito, tinago ko ito sa bulsa ko.
Akin nato, ako na may hawak nito kaya pag mamay ari ko na to.
"Very good! mag shopping ka my treat, sasamahan ka ng butler natin" bigla naman akong sumimangot dahil di niya man lang ako tinignan nung sinabi niya yun, nasa kwentas yung atensyon niya.
"No thank papa, I'm not in the mood" nawala na ako sa mood, hindi na nga niya kayang tumingin saakin, ang samahan pa kaya akong mag shopping?
"Nanny!" sigaw ko galing sa itaas, nakasilip lang ako sa baba, nakita ko naman ang pag tingin sa taas ng mga katulong namin.
May isang agad agad na umakyat at lumuhod sa harap ko para mapantayan ako.
"Bakit? señorita? may problema ba?"
"Where's mommy?"
"Out of town yung mommy mo señorita" mas lalo akong bumusangot dahil sa sinabi niya, huminga nalang ako ng malalim at tumango sa kanya.
Kahit si mommy hindi niya ako masasamahan, dumiretso nalang ako sa kwarto ko at nag kulong nalang buong mag damag.
Gustong gusto ko mang umuwi dito sa bahay namin noon pero may parte padin saaking ayaw ko, dahil parang isang trabahante lang din ako dito utos dito utos doon, pag natapos ko ang utos, wala na.
Pero nung nabuntis ako, nag iba na si mommy. Inaalagaan niya ko noon, yung madalang niyang pakikiusap sakin nag bago.
Yung tatay ko ganon padin hanggang ngayon pero hindi padin mawala sa isip ko na tatay ko siya.
Namimiss ko tuloy makita si dad dito sa upuan niya pag pupunta ako dito.
Ibinalik ko sa dating posisyon ang picture frame at kinuha yung isang pang picture frame, bigla nalang tumulo ang luha ko sa nakikita kong larawan ngayon.
Family picture ko, yung ngiti ko dito walang dinadalang problema, sana ganito nalang lage walang problema. Tinitigan ko ang mag ama ko.
"I already miss you" Binalik ko ito sa tabi ng unang picture frame at sinandal ko ang ulo ko sa mesa at hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko.
Miss ko na ang pamilya ko sa Pilipinas.
Voltaire's POV
"Bakit? susundan ko lang naman ang asawa ko Alice."
"Pasensya na pero ayaw pumayag ni Belle na sundan mo siya. Yun lang ang alam naming paraan para hindi ka mapaalis ng bansa"
Mag pa book na sana ako kanina para sundan si Belle pero ipinag bawal akong lumabas ng bansa, kahit yung mga anak ko bawal din.
Kahit saan ako mag pa book talagang hindi pwede, napag desisyonan kong sundan na lang si Belle pero naunahan na niya pala akong mag desisyon.
"Talaga bang siya ang nag utos non?"
"Oo Volt, just take care of your children"
"I need to see my wife, kailangan ko siyang pigilan sa gagawin niya, bakit siya? may pamilya na din naman siya Alice. Nananahimik na yung asawa ko, ayaw na niya ng gulo pero bakit niyo siya pinilit pa na bumalik ulit sa dati niyang buhay? hindi niyo ba siya naiintindihan? ayaw na niya ang ganong klaseng buhay"
"Naiintindihan ko siya Voltaire, this is the last time, I'll promise to you na hindi na ulit siya babalik sa dati niyang buhay, just this one, her parents need her there"
"But I need her, her two daughter needs her we need her"
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast ✔
Novela JuvenilKyril Series #2: Beauty and The Beast Belle Kyril is the fifth child of Kyril Group, for Belle freedom is a big dream, she don't want what her father wants him to do. When she met her first love she thought she'll be free but she experience heart br...