#Chapter19

332 5 0
                                    

#Chapter19

Belle's POV

"V-voltaire.." napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Gumising ka Voltaire! nahihirapan kong bulong sa sarili ko, sarap na sarap si Voltaire sa pagkatulog niya, na kahit anong tawag ko hindi ko siya magising.

"Ahh!" sigaw ko, nakita ko naman ang pag balikwas ng bangon ni Voltaire at agad niya akong hinanap.

Dahan dahan akong umupo sa sahig di ko na kaya ang sakit ng tiyan at balakang ko.

"Wife!" Agad niya naman akong nilapitan.

"Tangina Voltaire! manganganak naku!" nakahawak agad ako sakanya, hinigpitan ko ang hawak ko sa tshirt niya.

Voltaire's POV

Lumaki naman ang mga mata ko sa gulat.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Belle pero mas lalong bumilis ito at nag pataranta sa akin ng sumigaw ulit ang asawa ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si manang na may pag aalala sa mukha.

"Belle!" sigaw naman ni manang, napatingin naman si manang saakin.

"Manang manganganak na si Belle anong gagawin ko!?" taranta kong sabi sakanya.

Sinabihan ko na noon si Belle na sa hospital nalang siya mag stay hanggang sa manganak siya kaysa sa dito siya sa bahay. Alam ko kung ganito ang mangyayari saakin. Pero matigas ang ulo ng asawa ko at ayaw niyang mag pahospital daw.

"Aray!" sigaw ko nang batokin ako ni Belle, kinarga ko ito.

"Dalhin mo na yan sa hospital anak ako na bahala kay Venice" tumango nalang ako sa sinabi ni Manang agad ko ding sinunod ito.

"Bilisan mo Voltaire!" sigaw ng sigaw si Belle sa byahe na mas lalong nag pa taranta sa akin, tinawagan ko na din ang hospital para mag handa.

Pag dating namin sa hospital, agad din naman akong sinalubong ng nurse at doctor ni Belle.

Sinundan ko nalang ng tingin si Belle pag pasok niya sa DR, napaupo nalang ako at huminga ng malalim.

"Doc Voltaire" napalingon naman ako sa tumatawag saakin, agad naman akong napatayo ng makita ko si nurse Hannah.

"Bakit?"

"May emergency patients pong darating doc at kulang po ang mga doctor ngayon."

Nilingon ko ulit ang pinto ng delivery room bago ako tumango kay nurse Hannah.

"bakit ano ba ang nangyari at may emergency?"

"May nangyaring banggaan ng bus ang sasakyan po kasi doc."

Biglang nag announce ang nurse na nasa information desk na paparating na ang mga pasyente kaya nag hiwalay kami ni Nurse Hannah, siya papunta sa labas ng emergency are at ako naman papunta sa doctor's room upang mag bihis.

Wala na akong inaksayang oras agad din naman akong pumunta sa emergency area, nakita ko ang daming ipinasok na mga pasyente agad naman akong tumulong sa pag bibigay ng lunas sa lahat.

Magaling ako sa mga bagay na ganito, kahit anong dami ng pasyente hindi ako matataranta, pero pag dating sa asawa ko kahit anong galing ko nanghihina ako pag dating sa kanya.

Sana successful yung pag panganak ni Belle at sana safe niyang nailabas ang anak namin.

Biglang nag ring ang phone ko sa bulsa sa doctor's robe ko kinuha ko ito at sinagot habang nag bibigay ng lunas sa pasyente ko ngayon.

"Balita ko manganganak na si Belle kamusta?"

"Flix wala akong balita sa asawa ko"

"Gagong asawa to"

"May emergency dito sa hospital at kailangan nila ng doctor!"

Ngumiti naman ako sa pasyente ko pagkatapos ko itong bigyan ng lunas.

"Mag pahinga na muna kayo, maiwan ko muna kayo" paalam ko nito at agad naman akong lumapit sa bagong dating na pasyente.

"Doc kailangan niyang ma operahan ngayon!"

"Puntahan mo muna asawa ko Flix" binaba ko na ang tawag at kinamusta ang pasyente.

"Doc buntis po ito, muntik na itong mawala buti nalang at napabalik."

Belle's POV

Dahan dahan naman akong nagising, si Voltaire naman ang agad kong hinanap pero hindi ko ito mahanap, si Manang lang yung nakita ko at si Venice.

"Mama!"

"Belle anak"

"Asan si Voltaire manang?" mahina kong sabi.

"May inaasikaso pa anak, sabi ng kaibigan niya, may emergency kasing nangyari kaya kailangan siya ng mga pasyente sa ngayon mag pahinga ka na muna"

Ngumiti naman ako ng mahina sakanila, inabot ko si Venice, hinalikan niya naman ako sa pisnge.

"mama nakita ko na po si Baby Bella"

"Talaga baby?"

"Ma wag mo na akong tawaging baby, sabi ni papa ate na daw dapat ang tawag saakin hindi na baby"

"Ganon ba?"

"Yes po! dapat ang tawagin mong baby ay di baby Bella"

"Ang galing naman ng ate ni Baby Bella"

"Ofcourse! ang cute po ni Baby Bella mama. Ako po mag aalaga sakanya pag wala po kayo ni papa ha?"

"Ofcourse ate ka, dapat mong alagaan si Baby Bella"

"Excited napo ako mama!" and she giggle, makikita ko sa mukha ng anak ko ang excite.

"Nga pala Belle anak, sabi ng nurse dadalhin daw yung anak mo pag gising mo" tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Pag pasensyahan mo na si Voltaire kung wala siya dito"

"Bakit po? nasa babae niya po ba siya?" tanong ko na siyang nag palaki sa mga mata ni manang.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Yung babae sa buhay ko tatlo na ngayon, si Venice, ikaw at si Baby Bella." bungad na sabi ni Voltaire sa akin.

Halatang galing pa ito nag opera dahil sa suot niyang damit sa loob ng doctor's lab niya, agad naman itong lumapit saakin at niyakap ako.

"Sorry wife" siniksik niya naman ang sarili niya saakin at hinigpitan ang yakap saakin.

"May nagawa ka bang kasalanan?"

"Yes, sorry if wala ako sa tabi mo nung nanganak ka kay Venice tapos ngayon kay Baby Bella naman"

"Ofcourse wala ka nung pinanganak ko si Venice dahil hindi mo alam yun, syempre wala ka sa tabi ko kasi hindi naman pwedeng pumasok yung iba don sa delivery room at isa pa kailangan ka ng mga pasyente" tumingin naman ito sa akin na hindi makapaniwala, hinalikan ko nalang ito sa noo niya at ngumiti sakanya.

"You're a doctor Voltaire, kahit may obligasyon ka sa akin bilang asawa ko, may obligasyon ka din naman sa mga taong nangangailangan sayo. I'm not selfish Volt."

"Please be selfish"

"It depends siguro pag dating sa mga babae yes I can, asawa kita eh! pero hindi ko kayang ipagdamot ka sa mga taong mas kailangan ka kaysa sa akin sa mga oras na yun. Nakapanganak akong wala ka Volt but them, hindi nila kayang gamotin ang sarili nila."

"That's why I love you so much wife"

"I love you too"

"I love you both!" sigaw naman ni Venice at niyakap niya kaming dalawa.

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon