#Chapter14
Belle's POV
"W-what?" gulat na tanong ni Ansh, hinawakan niya naman ako sa braso at hinarap sakanya.
"Don't tell me nag pauto ka na naman sakanya!? my ghad! hindi ka pa ba madala nung mag asawa na kayo pero sa mismong bahay niyo pa siya nag dadala ng babae niya? ha?" niyugyog niya naman ang braso ko kaya napahawak nalang ako sa mga kamay ko at yumuko.
Binitawan niya naman ako at natahimik kami ng ilang minuto, natigil na din ang pag iyak ko, pinunasan ko ang mga luha ko at humarap nalang sa kapeng inorder ko, pinag laruan ko ito.
Hindi na ako na eexcite mag buntis ulit na siya ang ama dahil akala ko saakin niya una't huling maranasan mag alaga ng buntis.
"Nadala ka ba sa mga sinabi niya Belle? tell me?" natigilan naman ako sa tanong niya, nadala nga ba ako sa sinabi niya?.
"Ang rupok mo te" narinig ko pa ang pag buntong hininga ni Anshirina at lumipat na ito sa harapan namin.
"Kailan ka ba madadala? pano ka nga ba niya nakita dito?"
"I-I don't know" mahina kong sabi.
Nanghihinala pa naman akong nag dadalang tao ako kasi may mga symptoms na akong nararamdaman, hindi ko pa sinabi kay Voltaire yun dahil hindi pa ako sigurado, hindi pa ako nag test.
"Buy me a pregnancy test Ansh please" mahinang pakiusap ko sakanya pero hindi padin ako tumitingin sa mukha niya.
"Fck what? PT? don't tell me... you're pregnant again? ilang araw na ba kayong nagsama ni Voltaire? alam niya bang may anak na kayo? nakilala na niya ba si Venice?"
"It's been a month Ansh, buwan na simula nung nag sama kami ni Voltaire and yes nagkakilala na yung mag ama"
"Sa isang buwan na nag sama kayo hindi niya man lang ba sinabi sayo ang nangyari sakanya sa Pinas? he's already have a child to other woman for god sake"
"I know, I know Ansh, nasasaktan na nga ako diba?" naramdaman ko naman ang pag ngilid ng mga luha ko, naluluha nalang ako sa tuwing naiisip ko yun, bakit ba masakit naman kasi yung nalaman ko eh
"Okay fine, I'll buy please wag ka ng maging emosyonal, baka mapano pa yang dinadala mo, kung meron man" tumango nalang ako.
Nag paalam naman ito saakin, tinuro ko naman sakanya asan ang malapit na pharmacy dito.
Hindi naman siya nag tagal, dumating naman agad ito, nag rereklamo pa dahil nahihirapan siyang makipag usap sa pharmacist dahil sa lenggwahe.
Pumasok naman ako ng cr at inihian ito, pagkatapos naman ay hindi pa ako lumabas ng cr, nag hugas pa ako ng kamay ko at tinitigan ang sarili ko.
Ang pangit ko na tuloy, dahil sa kaiiyak, kaya siguro hindi nakontento saakin si Voltaire noon pamang mag kasintahan kami, dahil hindi naman talaga ako maganda tulad ng ibang babaeng dinadala niya sa bahay.
Siguro nadala niya na din sa bahay namin yung nabuntis niya? don din siguro nila nagawa yung unang anak nila.
Nagiging bitter din ako sa mga naiisip ko ngayon, at may pag sisi, siguro kung hindi ko nilayasan si Voltaire noon, siguro kung sinabi ko ang lahat lahat sakanya pati ang tungkol kay Venice di sana ito mangyayari? siguro hindi siya makakabuntis ng ibang babae, siguro masaya kaming mag pamilya noon paman kung sinabi ko sakanya na may anak na siya saakin, siguro kung hinayaan ko na mag tabi kami matulog noon, iisa ang kwarto noon edi sana ako yung nabuntis niya hindi yung ibang babae.
Ano kaya ang maging reaksyon sana ni Voltaire kung nalaman niya noon paman na na buntis niya ako? masaya kaya siya? o magugulohan? kasi hindi pa siya handang maging ama? hindi ko alam, hinayaan ko ang sarili kong umalis nalang ng bansa at mag tago para hindi niya malaman na may bunga yung ginawa namin noon, hinayaan ko ang sarili kong madala sa galit at nakapag desisyon ako ng ganong bagay.
Siguro kasalanan ko din siguro ang lahat dahil kung sinabi ko sakanya at hindi ko pinagkait sakanya ang pag aalaga sakin habang buntis ako at pagiging ama niya kay Venice siguro hindi kami magiging ganito.
Naiisip ko lang yung anak ni Voltaire sa ibang babae, ano kaya ang magiging reaksyon ni Venice? magagalit ba siya sa ama niya? o tatanggapin niya ito bilang kapatid kahit na magkaiba ang ina nila? kasi kung ako lang, hinding hindi ko kayang tanggapin yun, alam kong hindi kasalanan ng bata yung nangyari pero hindi ko kayang tanggapin na may nag bunga sa kagagohan niya.
Kung ako lang yung iisipin mas mabuti pang ayoko nalang bumalik kay Voltaire dahil sa mga sakit na dinadala niya saakin, pero dapat ko din isipin ang anak ko, dapat ko ding isipin si Venice, okay lang sana kung hindi niya pa kilala si Voltaire bilang ama niya, pero kilala na niya ang ama niya ano pa nga ba ang magagawa ko? kundi ang isipin din ang anak ko hindi lang ang sarili ko.
Nakita ko naman sa repleksyon ko ang pag ngilid ulit ng mga luha ko.
Bakit ba sa tuwing naiisip ko yun naiiyak nalang ako? huminga nalang ako ng malalim at kinuha yung pregnancy test at tinitigan, napatulala nalang ako sa naging resulta.
Napaiyak nalang ako sa harap ng repleksyon ko at tinakpan ang bibig ko para pigilan akong umiyak pero hindi iyon mapigilan at napaupo nalang ako at niyakap ang sarili ko.
Masaya ba yung nararamdaman ko o nasasaktan ako?
Ano na gagawin ko ngayon? someone is coming to our lives, napahawak naman ako sa tiyan ko.
Baby, mommy is being emotional right now please hold tight okay?
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast ✔
Teen FictionKyril Series #2: Beauty and The Beast Belle Kyril is the fifth child of Kyril Group, for Belle freedom is a big dream, she don't want what her father wants him to do. When she met her first love she thought she'll be free but she experience heart br...