#Chapter18
Belle's POV
"Manang kamusta ka na po?" kami nalang ang naiwan ni manang dito sa bahay.
Kasi pumasok na si Venice sa bago niyang paaralan, inayos na pala ni Voltaire ang bagong paaralan ni Venice bago pa kami makauwi dito sa Pilipinas, kaibigan niya daw yung nag asikaso, kaya ngayon agad din naman pumasok si Venice, sinabihan ko naman yung anak ko na wag munang pumasok pero excited daw siya kaya hindi ko na napigilan.
Si Voltaire naman pumasok na din sa hospital, ayaw pa nga dapat, mas gusto niyang andito siya at sasamahan ako, papanindigan na niya talaga ang pag aalaga saakin. Pero pinagtutulakan ko siya dahil alam kong mas may kailangan sakanya kaysa sa saakin.
Sasagotin na sana ni manang yung tanong ko pero biglang umingay yung phone ko na nasa tabi ko lang, sinabihan kasi ako ni Voltaire na wag na wag kong ilayo sa katawan ko yung phone ko, baka gusto niya, ipako ko na to sa katawan ko.
"Wala ka bang trabaho at nag didisturbo ka?" masungit kong sabi sakanya.
Gustong gusto kong sungitan si Voltaire dahil ang sarap niyang tawanan sa tuwing nag titimpi ito, nag pipigil sa galit niya at talagang alam kong frustrated na siya. Sa gusto kong makita siyang ganon eh? kaysa sa sa maging sweet din ako.
"Damn wife, I just miss you okay?"
"Hindi kita miss" narinig ko naman ang pag hinga niya ng malalim, napangisi nalang ako.
"Okay fine, uuwi na ako"
"Bakit ka uuwi?"
"Gusto kitang bantayan"
"Anong akala mo saakin? 8 months? 9 months ng buntis? ganito ka din ba kay Victoria?" ako lang din nasasaktan sa sinasabi ko.
Hindi ko padin mapigilan ang masaktan sa tuwing naiisip ko ang bagay na yun. Possessive na ba ako? na gusto ko saakin lang siya mag alaga? hindi sa ibang babae? sakit lang dapat?
Oh well kasalanan ko din naman kasi ang nangyari. Kahit na anong galit o selos ang isipin ko, may bumubulong padin sa utak ko na kasalanan ko yung nangyari. Kung sinabi ko siguro sakanya na buntis ako simula palang siguro lahat ng sakit na naidulot niya noon hindi ko mararanasan.
Nararandaman ko na naman sa mata ko na iiyak ako, bakit ba kasi yun ang sinabi ko? bakit yun ang naopen ko? ako lang din naman yung nasasaktan eh.
"S-sige na bye, manang excuse me po" paalam ko naman kay manang na nakatingin na pala saakin.
"Wife" rinig kong tawag ni Voltaire saakin.
"I'm okay, mag trabaho ka nalang diyan" hindi ko na siya hinintay pa, binabaan ko na siya ng tawag.
Dumiretso naman ako sa pool area ng bahay namin, umupo lang ako sa bench mainit pa masyado at masakit sa balat yung init ngayon.
Napatawa nalang ako ng mapait, imbis na si Voltaire yung maapektohan sa sinabi ko, bakit ako? bumanda ata saakin yun.
Ang aga aga, tirik pa masyado ng araw, maaga pa masyado para mag overthink pero yun na ang nangyari saakin.
Itinaas ko nalang ang mga tuhod ko, pinatong ko sa bench na kinauupuan ko at niyakap ko ito.
Akala ko tuwing gabi lang yung ganito pero wala pala itong pinipiling oras.
Ano kaya yung ginawa ni Voltaire no? alam kong wala pa siyang experience non, ano kaya ginawa niya noong nag bubuntis si Victoria?
Ang saya sigurong panuorin ni Voltaire na natataranta, lalo na't yung bigla nalang susuka si Victoria tapos matataranta siya, hindi niya alam gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast ✔
Teen FictionKyril Series #2: Beauty and The Beast Belle Kyril is the fifth child of Kyril Group, for Belle freedom is a big dream, she don't want what her father wants him to do. When she met her first love she thought she'll be free but she experience heart br...