Room No. 02

12.5K 128 59
                                    

Chapter One

“Yey!” kabado ngunit masayang sambit ni Meli Estanislao. “Monday, first day ng aking trabaho. Parang kahapon lang nag-aaral pa ko tapos ngayon, eto na.” kinikilig at hindi makapaniwalang bulong ni Meli sa sarili na me kasama pang pagtapik-tapik sa mukha.

Sa edad na bente uno anyos, nakapagtapos si Meli ng Nursing sa isang Private School sa Cavite at pinalad namang makapasa sa unang take ng Board Exam. Sa unang pagkakataong makapagtrabaho, pinili ni Meli ang challenging na trabaho, hindi na sya nagdalawang-isip pa nang may isang liham mula sa isang private hospital for the mentally ill patients ang dumating sa kanya offering a job.

“Ayos to, unang trabaho kakaiba agad. For sure magiging mabango ito sa aking resume kahit na graduate lang ako sa probinsya. Sa panahon ngayon, kahit na private school ka pa graduate basta promdi ka, mahirap makipagsabayan sa mga graduate ng Ateneo, La Salle at UP kaya dito ako babawi, sa experience.” muni-muni nya habang naghihintay syang tawagin ng head nurse ng ospital.

Hindi laking mayaman si Meli, isa sya sa maswerteng nabigyan ng scholarship ng kanilang local government dahil consistent honour student sya from grade school to high school, Valedictorian to be exact at Cum Laude ding nagtapos ng Nursing.

“Miss Estanislao?” tawag ng isang magandang babae sa kanya.

“Yes Ma’am.“ Agad nyang tayo at sagot na me kasamang gulat dahil wala sya sa kanyang sarili sa dame ng magagandang expectations na iniisip nya sa unang trabaho.

“Miss Estanislao, please follow me.”

“Yes Ma’am”

Mabilis maglakad ang babaeng tumawag sa kanya, ngunit sa kabila ng kabilisan nito maglakad ay hindi nawawala ang pagka pines nito at ang poise. Sa pagkakabasa nya, nasa late 30s pa lang ang babaeng ito, at mukha pang single dahil sa kaseksihan nya kahit na nakasuot ito ng puting pang-nurse. Sa kanyang ayos at pigura, mukha talaga syang edukada at me kaya sa buhay. Maya-maya nakita nya na lang ang pagpasok nito sa isang pribadong silid na agad naman nyang sinundan. Sa tingin nya ito ang tanggapan ng Head Nurse at Head Doctor ng institusyon na pagtratrabahuan nya.

“Have a seat Ms. Estanislao” sya rin ay umupo. “My name is Ela Junto and I am the Head Nurse of this hospital. I have read your curriculum vitae, and, your transcripts of records were too impressive. And being on top on your school lalo na sa katatapos lang na Board Exam, it will be this hospitals’ lost if hindi ka pa namin i-hire.” May ngiting pambungad na salita ni Nurse Ela sa kanya.

“Wow ma’am, I don’t really expect na ganyan po kaganda ang pagtingin nyo sa akin. Nakaka-flatter naman pong talaga at isang malaking privilege sa akin ang makapagtrabaho sa inyo. Nun pa man pong ojt ko ay ginusto ko na talagang dito makapasok, pero hindi po pala kayo natanggap ng mga trainees kaya nang makareceive ako ng letter from this hospital, eh hindi na po ako nagdalawang isip to accept the offer.”

“Well then, congrats! Today is your first day with us. Welcome to Ace Institution for Metally Ill.” Sabay abot ng kamay kay Meli para makipag-shake hands.

Hindi lang maintindihan ni Meli ang pakiramdam, baket feeling nya hindi totoo ang mga sinabi ng head nurse sa kanya? At sa ngiting meron sa mga labi nito, parang iba ang ibig sabihin. Hindi man sya graduate ng Psychology, marunong syang bumasa ng tao sa kilos at salita nito. Kaya nga makaipon lang sya eh nais nyang ituloy ang pag-aaral ng medicine majoring Psychology to become a Psychiatrist in the future. Isa rin dahilan kung baket agad-agad nyang pinasok ang trabaho dito para sa experience. Nevertheless, inalis nya sa isip nya ang pagbabasa sa nurse at itinuon ang sarili sa pakikinig.

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon