Sa loob ng ospital ay kumilos na rin si Nurse Ela, dinalhan nya ng kape na may pampatulog ang mga lalaking bantay ng mga oras na yun. Mabilis naman ang epekto ng pampatulog sa mga ito at agad-agad din silang nakatulog. Matapos nito ay nagpunta si Nurse Ela sa reception upang utusan ang assigned nurse at may pinakuha sa pinakamalayong kwarto ng ospital upang hindi agad ito makabalik sa pwesto.
Matapos maisagawa ang mga ito ay binalikan na ni Ela si Meli sa head office upang sabay nilang itakas si Room No. 02 sa ospital.
Isang wheelchair ang dala ng dalawa upang pagsakyan ni Room No. 02. Si Ela ang umakay kay Room No. 02 mula sa pagkakahiga.
“Marie?“ tanong ni Room No. 02.
“Ako nga.“ sagot nito.
“Marie binalikan mo ko?“
“Oo mahal ko. Itatakas na kita at magsasama na tayo. “ naluluhang sabi nito kay Room No. 02.
“Ma’am, sir, hindi naman po sa kj ako pero kelangan na nating kumilos ng mabalis kasi mga alas nwebe na at baka bumalik na si Doc Ace. “
Mabilis na ngang kumilos ang dalawa hangang sa nakalabas na sila ng building. Hinanap ni Meli ang kanyang pinsan ngunit hindi nya ito makita. Kinabahan si Meli na baka nagpangaabot sila ng guard at natalo ang kanyang kuya.
“And where do you think you are going?“ Isang malakas mula sa kanilang likuran.
Kilala nila ang boses na ito. Sabay nilingon ni Ela at Meli ang pinagmulan ng boses. At hindi nga sila nagkamali. Si Doc Ace ang kanilang nakitang galit na galit.
“Saan kayo pupunta at baket kasama nyo ang pasyente ko?” galit nitong sigaw
Hindi makasagot si Ela, alam nyang katapusan na nilang tatlo ito. Tangkang lalapit sana ang doctor sa kanilang tatlo ng magsalita si Meli.
“Kung ako sayo doc, hindi mo na kame pipigilan pang umalis at hahayaan kameng makalabas ng ospital na ito.” matapang nitong salita.
“At baket ko naman gagawin yun iha?” natatawa nitong tanong
“Dahil kung hindi mo yun gagawin, lahat ng baho mo at katutuhanan mula sa mukha ni Doc Ace ay lalabas sa buong Cavite. Ay hindi pala, sa buong pilipinas, at pwede rin sa buong mundo.”
“And what kind of blackmail is that? And you think I will fall for that prank? Pinapatawa mo ba ako Meli?”
“Gusto mo pang isa-isahin ko ang lahat? Paano ko ba sisimulan? July 02 , 1966 ng ipanganak ka ni Erlinda Corpuz Esteban. Anim na buwan matapos syang ikasal kay Ace Tabada Esteban. Hindi alam ng lahat na ang iyong ina ay tatlong buwan ng daglalang tao bago pa ito ikasal kay Sr. Ace. Ginahasa ang iyong ina ng hindi pa nakikilalang lalaki. Sa takot ng iyong inang hindi matuloy ang kanilang kasal ni Senyor at malaman ng kanyang mga magulang ang kahihiyang kanyang sinapit, hindi nya ipinaalam kahit kanino ang kanyang pagkakagahasa. Isang buwan bago ang kasal, nalaman ng iyong ina ang kanyang pagdadalang tao kaya pinilit ka nyang ipalaglag. Niloob na siguro ng Diyos na ikaw ay mabuo kaya kahit anong gawing hakbang ng iyong ina ay ikaw ay hindi nalaglag. Matapos ang kasal, nalaman ni Sr. ang kanyang pagdadalang tao, inisip marahil na pinagtaksilan sya ng iyong ina kaya hindi naging mabuti ang kanilang pagsasama.” Paglalahad ni Meli.
Naging tahimik ng mga oras na yun si Doc Ace, gayun din si Ela. Hindi niya alam na ganun pala ang nakaraan ng doctor. Maging ang doctor mismo ay ngayon lang narinig ang katotohanang ito.
“Dumating ang araw na ikaw ay isinilang. Ni isang pagmamahal mula sa kinalakihang magulang ay hindi mo naranasan. Itinago ka ng mga ito sa tao, maging sa sariling mga pamilya dahil sa kahihiyan. Habang lumalaki ka ay nakita nilang kakaiba ka sa lahat. You’re gifted. Matalino ngunit hindi normal. Ito ang lalong ikinagalit na sarili mong ina.”
“At ikinagalit ko rin ito” sigaw ni Doc Ace. “Para akong basahan sa paningin ng aking mga magulang. Ngayon alam ko na kung baket sila ganun sa akin. Noon ay hindi ko maintindihan kung baket hindi nila ako tinuring na tao. Itinanim ko sa maliit kong utak kung gaano kasamang mga magulang ang mama at ang papa.”
“Taong 1973, natagpuang patay si Senyora. Ang balita ay ito ay nagpakamatay, ngunit hindi ito totoo.”
“Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko ginusto yun!” sigaw na sagot ng doctor. “Ilang buwan ko na rin naririnig ang mga hagul-gol ni mama. Ilang buwan syang iyak ng iyak. Madalas sila mag-away ng papa ngunit nang mga huling buwan, matindi na ang kanilang mga away. MGA TRAYDOR KAYO! THAT MARIE IS A BITCH! SHE’S A WHORE! MAGSAMA KAYO NG KALAGUYO MO!” sigaw ni Doc Ace. “Ilang beses ko itong naririnig sa aking mama. Madalas sya magwala at magsisigaw. Nahuli ng mama ang papa na magkatabi sa sarili nilang kama si papa at ang babae nya. Matapos nyang mahuli ang dalawa ay hindi na umuwi ang papa sa mansion. My mom become miserable that very moment. One night, she entered into my room, lasing na lasing. May hawak syang baril. Takot na takot ako. Mama, huwag mo ko saktan please. Im a good boy cant you see? Sabe ko, kaso pinagtawanan nya lang ako.”
“Sa takot mong saktan ka nya ay napatay mo sya.” Tanong ni Meli.
“Mali Meli. Sa awa ko sa aking mama kaya ko ito nagawa. Nang makita ko si mama, namamagang mga mata, may mga pasa at sugat. Lumapit sya akin pointing the gun on her head. MAMA HUWAG! Sigaw ko sa kanya. Pero tinawanan nya lang ako. She gave me the gun. She told me, PAGHIGANTIHAN MO SILA, ANAK. Nung oras lang na yun tinawag akong anak ni mama. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, masayang hindi masaya. KILL ME SON, THEN KILL THEM. Hindi ko magawa. Natatakot ako. AYOKO MAMA. Tinalikuran nya ako at sumigaw, KILL ME! Sigaw nya at hindi ko sinadyang makalabit ang gatilyo ng baril.”
“Then Sr. decided na palabasin nagpakamatay ang iyong mama dahil sa kahihiyan.”
“Oo, after that pinakasalan ni papa si Marie. Ang nakababatang kapatid ni mama. THAT BITCH! My mom’s last will and testament was read after ng kanyang 40 days, nalaman nilang sa akin ipinangalan ng mama ang masyon, ang ospital, at ang iba pa naming ari-arian. My mom is god damn rich. Lahat ng ito, lahat ng meron si papa ay sa mama ko. Hindi matanggap ni papa ang lahat. Nung nasa katinuan pa si mama ay pinaayos nya ang lahat ng papers ng kanyang ari-arian at lahat yun ay inilipat sa pangalan ko. Inihabilin nya rin na hanggat wala pa ako sa tamang edad ay walang sinu man ang makikinabang sa mga ito at kung ako ay mamamatay, ang lahat ng ito ay mapupunta sa charity.“
“Wow ang talino talaga pala ni senyora. “
“Sobrang talino. But Senyor Ace was clever too. Isinama ako ng mag-asawa sa US at doon nila isinagawa ang kanilang plano. Marie got pregnant and they planned na palabasin nya ang batang ito ang anak ng aking mama. I learned everything from…”
-----------------------------------x
Authors' Note:
I re-read this novel and found out that I missed posting this chapter. It really affects the flow of the whole story and sorry if it caused confusion with the revalation between the characters.
Sa mga nakabasa na nang una kong posts, my sincere apology. :'(
BINABASA MO ANG
Room No. 02
Mystery / Thrillersi meli ay isang bagong pasang nurse na nagnanais lamang ng magandang simula sa kanyang propesyonal na buhay. hindi nya akalain na sa unang sabak pa lamang nya sa trabaho ay masusubok na nito hindi lamang ang husay nito bilang isang nurse kundi an...