Chapte Fourteen

3.3K 58 36
                                    

“Me.” Sagot ni Mang Johnny na nung oras na yun ay nakikinig na pala sa kanilang drama. “I was the one who took charged with hospital while the spouses are gone. Sa akin ipinagkatiwala ni Ace ang lahat ng kanilang plano. Sa totoo lang kasama nila ako sa planong ito kaya alam kong lahat ng baho ng mag-asawa.“

“Doctor Juanito Tabada Esteban, accused and found guilty for medical malpracticing and murdering one patient of ECE way back 2007.” Sagot ni Meli kay Mang Johnny.

“You’ve done your homework Meli. Totoo palang matalino ka. But to set the record straight, I have all the consent from the family of that patient. Nadala lamang ng pera kaya idiniin nila ako sa kasong yun. Gumaling ang kanilang anak. Unti-unti, at dahil sa recovery na ito naisip nilang itaas ang dosage ng gamot para mas lalong bumilis ang paggaling ng anak nila but over dosing took his life.”

“Ginawa mong guinea pig ang iyong mga pasyente doc. Ilang gamot ang inexperiment mo sa iyong mga pasyente para maperfect ang gamot na makakapagpagaling sa iyong baliw na anak.” Salaysay ni Meli.

“Anak?” sabay na tanong nila Nurse Ela at Doc Ace.

“Anak, tama ba Kuya Johnny? May minahal kang isang babae ngunit kahit kelan ay hindi ito pwedeng maging sayo. Ipinagkasundo na sya sa iyong nakababatang kapatid, kapatid na noon pa man ay karibal mo na sa lahat ng bagay. Taong 1973 bago ang kasal, nakipagkita ka sa babaeng mahal mo at doon mo isinagawa ang panghahalay. Sa pananakot at sa kahihiyan ay hindi nagawa ng babae ang magsumbong sa inyong mga magulang. Ang unang clueng ibinigay sa akin ni Room No. 02 na dalawang butong pakwan na sinabi nyang traydor daw ay kayong dalawang mag-ama. Inakala ko noon na ito ay si Nurse Ela at si Doc Ace ngunit ito pala ay ikaw at ang iyong anak.”

“Ibig sabihin Meli si Kuya Johnny ang ama ni Doc…” sabat ni Nurse Ela.

“Tama. Ako nga ang lalaking yun. Mahal ko si Erlinda at alam kong mahal din ako nito ngunit napagkasunduan na ang lahat. Galit na galit ako sa aking mga magulang at kay Ace. Hindi ko naman sya ginahasa, pareho namin itong ginusto. Hindi ko alam nagbunga ito at ikaw yun Ace. Nalaman ko rin ang kalagayan mo at ito ang dahilan kung baket ako nagsikap makahanap ng isang gamot na pakakapgpagaling sa'yo.“ salaysay ni mang Johnny.

“Wala pa sanang balak bumalik noon ang mag-asawang Esteban dahil hindi pa nakakapagtapos ng pagdodoctor ang kanilang anak. Hindi pa nila maisasagawa ang kanilang planong pagpapakilala sa kanilang anak bilang lihitimong taga-pagmana ni Senyora Erlinda. Ngunit dahil sa iyong pagkakakuloing, napilitan silang umuwi mula US kasama ang anak mo. Hindi ba’t sinadya mo ang lahat Doc Johnny. Pati ang pagkakamatay ng iyong pasyente. Sa iyong palagay ay oras na para sa iyong plano. “ kwento ni Meli

“Hahahaha…magaling Meli. Nang bumalik ang mag-asawa ay agad nilang iniayos ang aking paglaya. Sila ang nakipag-usap sa pamilya ng aking biktima upang iurong ang demanda. Ginawa nila ito dahil sa tinakot ko silang ibubulgar ang kanilang sikreto. Madali ko silang napapayag sa aking plano. Itinago nila ako dito sa ospital at naging janitor. Dito sa loob madali kong maisasagawa ang mga natitira ko pang plano.”

“Ipinasok din nila dito sa ospital ang iyong anak at tinawag itong si Room No. 01. Si Doc Ace ang pangalawang clue sa akin ni Room No. 02. Sya ang bilang ng butong pakwan na 5-3-5. Ang E C E ay EARL CORPUZ ESTEBAN. Ikaw ang sinabi nyang huwag kong pagkatiwalaan.” rebelasyon ni Meli.

“Pinapahanga mo ako Meli. Ako nga si Room No. 01 at ako nga si Earl Esteban at kahit kelan ay hindi ako naging isang doctor. Palihim akong ginagamot ni Doc Johnny, ang mga gamot na ibinibigay sa akin ng aking private nurse ay galing sa kanya. Ilang taon din at dahan-dahan akong gumaling. Simula noon ay pumayag ako sa plano ni doc Johnny kapalit ng pagpapagaling nya sa akin. Oras na rin ito ng paghihiganti ko. Nais kong isakatuparan ang huling habilin ng aking mama, ang maghiganti at ang patayin silang mga traydor.” Sabat ni Doc Ace aka Room No. 01.

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon