Sa bahay, pinilit nyang ipagtagni ang dalawang pirasong butong pakwan at ang apat na pirasong ibinigay ngayon. “Mga traydor at matang nakatingin? Dalawang traydor? Apat na matang nakatingin? Hmmm?”
Sa pagkakataong ito ay hindi na sya pinatulog ng mga pangyayari. “Ano ba naman ito?” Kinuha nya ang kanyang bag para kunin ang kanyang ipod at makapakinig ng music. Itinaktak na nya ito at wala syang nakitang ipod. Hinalungkat nya na rin ang kanyang cabinet at aparador ngunit hindi nya matagpuan ang hinahanap. Naalala nyang hiniram ni Edna kaninang hapon ang kanyang Ipod at ng isoli nya ito ay iniwan nya sa locker room.
Hindi naman malayo ang ospital sa kanilang bahay kaya naisipan nya itong balikan. Maaga pa naman nung oras nay un. 8pm to be exact kaya hindi pa naman napakaalanganin kung babalikan nya ito.
Nasa ospital na sya ng alas nuebe. Pinapasok naman sya ng guard dahil empleyado naman sya ng ospital kahit pa man hindi na sya naka-uniform. Dere-deretso sya ng locker room at agad naman nakuha ang kanyang ipod. Palabas na sya sana ng maisipan nyang daanan si Room No. 02.
“Why don’t you just kill me instead locking me up here and treating me as your patient!” isang umaalingaw-ngaw na sigaw sa corridor pa lamang ay dinig na dinig na nya. Gawa rin siguro na tahimik ang paligid kaya kahit ang mahinang paguusap ay maririnig kaagad.
Hindi na magawa pang tumuloy sa pagtungo kay Room No. 02, maawa lang sya kapag narinig pa nyang nagsisigaw ito na wala naman kausap. Natigilan sya ng may marinig syang nagsalita mula sa loob ng kwarto. Ibang boses. Hindi nya lamang mawari kung lalaki o babae dahil mahina itong magsalita. “Sinong kausap nya?”
“You traitor? I trusted you but that bitch.” Isang sigaw muli. At isang malakas na tawa.
Worriedly thou, mas pinili nyana lang ang umalis dahil wala naman sya magawa para sa kanyang pasyente.. Paalis na sana sya ng may tumawag sa kanya.
“Meli, what are you doing here?”
Takot na nilingon ni Meli ang tumawag sa kanya. Laking gulat nya na ang Janitor ang kanyang nakita. “Kuya, ikaw lang pala. Takot ko naman po. Binalikan ko lang po kasi yung ipod ko. Naiwan ko kasi sa locker.”
“Hindi naman ho dito ang locker area ma'am?” madiin nitong sabi.
“May narinig po kasi akong…”
“Narinig? Si Room No. 02 lang yun.” Agad na sabat nito.
“Oo nga po eh? “Narinig nyo rin ho pala? Madalas po bang nangyayari ito sa ganitong oras?”
“Oo. Lalo na’t nandito si Nurse Ela. Madalas ang pagsigaw nya na laging galit at nagsisisigaw. May tinatawag syang Marie ng paulit-ulit. Traitor, bitch, at kung ano-ano. May mga time na gusto na nyang patayin na lang sya. Mga ganun.”
“O sige po kuya mauna na po ako.“
“Ma’am.” Pigil nito sa kanya. “Sabay na tayong lumabas, tapos na rin naman ako maglinis dito.”
Habang naglalakad palabas, naisipan na ni Meli ang magtanong sa matanda tungkol sa kung anong alam nya sa ospital na ito.
“Matagal ka na po ba dito kuya?
“Medyo. Marame ng nagbago sa ospital na to. Bukod sa mga patakaran, pamumuno at yung mismong mga kwarto. Baket mo natanong?”
“Ano pong ibig nyo sabihin?” kanyang patanong na sagot.
“Nadatnan ko kasi ang dating pamamahala dito ng mag-asawang Senior at Senyora Esteban. Naging mabuti ang mag-asawang yun sa mga tao at isa na ako dun. Isa ako sa nabigyan ng garantiya dito ng habang buhay na trabaho at benepisyo. Kaya eto at kahit matanda na eh naririto pa rin at nagtratrabaho.”
Tahimik lang na nakikinig si Meli kay Johnny habang ito ay nagsasalaysay.
“Nagiba lang ang lahat nang namatay si Senyora at agad nagpakasal si Senyor sa isa nyang nurse. Madameng nagbago mula noon. Hindi na madalas dito si Senyor at parang laging problemado. Sa isang pinagkakatiwalaan na lamang ibinilin itong ospital dahil umalis na sila ng bansa. Makalipas ang 20 taon, bumalik sila dito. At sa pagkaatanda ko, halos kasabay nila ang pagdating nang isang patient dito. Katulad ni Room No. 02, tinawag nilang Room No. 01 ang pasyenteng nandun. Wala rin nakakakita doon maliban sa mag-asawang Esteban. Yung katapat ni Room No. 02, yun yung dating Room No. 01.”
“Eh kelan po naging head office yun?”
“After nun aksidente ng mag-asawang Esteban. Limang taon na rin nakalipas. Pagkalibing ng mag-asawa lumabas at nagpakilala si Doc Ace. Anak sya ng mag-asawang Esteban. Mula noon sya na ang namahal ng ospital, yung Room No. 01, porke’t wala ng nagamit eh ginawa nya ng head office. ”
“Sino pong ina, yung pong una o yung pangalawang asawa?”
“Ay yun ang hindi ko alam. Pero simula nun nagumpisa ako dito eh wala naman ipinakilalang anak ang Senyor at Senyora kaya sa tingin ko ay sa pangalawang asawa si Doc Ace.”
“Ah ganun po ba? Ay sya nga po pala, anong nangyari kay Room No. 01?”
“Ang dame ko nang nakwento sayo Meli. Late na, umuwi ka na at delikado na ang panahon ngayon.”
“Ay mag-alos dose na pala, hahanapin na ako ng aking inay. Sige po, bukas na lang ulit tayo magkwentuhan. Bye po kuya.” Medyo dismayadong pamamaalam ni Meli dahil nabitin sya sa kwento ng janitor.
Sa bahay ay hindi nanaman mapakali si Meli, may mga natuklasan na naman sa tungkol sa ospital. Ang hindi nya lamang alam ay kung paano ito iuugnay kay Room No. 02. Si Nurse Ela, sya ba si Marie? At ang bilang ng mga butong pakwan at dumagdag pa si Room No. 01.
-----------------------------------x
Authors' Note:
Mukhang mapapahaba pa po ito. Sana ay mapagtyagaan ng mga makakabasa. Enjoy po :)
BINABASA MO ANG
Room No. 02
Mystery / Thrillersi meli ay isang bagong pasang nurse na nagnanais lamang ng magandang simula sa kanyang propesyonal na buhay. hindi nya akalain na sa unang sabak pa lamang nya sa trabaho ay masusubok na nito hindi lamang ang husay nito bilang isang nurse kundi an...