Kinabukasan, ganun pa rin ang laman ng kanyang isip. Kahit na sa trabaho ay iniisip nya pa rin ang pangyayari kahapon at ang dalawang pirasong butong pakwan.
“Good morning Edna, aga mo ah.” Bungad na pagbati nito sa kasamahang nurse na nauna sa kanya sa locker.
“Good morning Meli. Napaaga ng konti. Pero mas maaga si Ma’am. Kanina pa nga ata dito yun o hindi umuwi. Nakita ko na kasi sasakyan nya sa parking eh.”
“Ah talaga. Eh si kuya janitor?”
“Si Mang Johnny, umuwi na. Nagpaalam na kanina. Masama ata pakiramdam ng matanda.”
“Johnny pala pangalan ni kuya. Sayang hindi ko sya naabutan. Maiba ako Edna, matanong ko lang, may kakilala ka bang Marie sa mga nurse dito?”
“Marie? Wala namang iba bukod kay Nurse Ela.
“Si Ma’am?“
“Oo, Marie ang real name nun sabi ng nanay nya.“
“Nanay?”
“Yung matandang babaeng nagpunta dito nun isang araw. Nanay ni ma’am yun.”
“Talaga? Oh eh baket ganun istura? Parang...“
“Mahirap?“
“Oo, ganun nga. “
“Ewan din namin baket ganun. Akala namin joke lang nun babae yun anak nya si ma’am pero totoo pala. Kinakausap naman sya ni Ma’am eh pero laging palihim. Siguro pinabayaan ni Ma’am yun kaya nagkaganun itsura.“
“Hindi naman siguro. Pero baket Ela gamit nyang pangalan dito?“
“Yung ang di ko na alam. Try mo sya tanungin. Haha“
“Sira to.”
“Uy umalis ka na magpapakain ka pa ng pasyente.“
“Maaga pa naman noh.“
“Teka, ano ba talagang itsura nun ni Room No. 02, nahihiwagaan ako eh. Baket daw nainlove sa kanya si Tiffany?” Malisyosong tanong ni Edna.
“Huh inlove? Totoo ba yun? Si Room No. 02 eh mukha ng taong grasa sa itsura nya. Basta mahirap explain eh.”
“Sabi-sabi kasi dito, nainlove daw si Tiffa dun kaya pinalayas sa trabaho. Hindi ko rin kasi nakakausap yung si Tiffany eh. "Madalas talagang nasa kwarto yun ni Room No. 02 at mas gusto pa nyang yun baliw na yun ang kausapin.”
“Ganun ba? Sayang bawal ang camera o kahit cellphone kapag duty na tayo. Kuhanan ko sana sya ng picture para sa inyo.”
“Ewan kasi kung baket bawal magdala ng camera or cell sa loob. Yung dating nurse ni Room No. 02 nahulihan ng cellphone sa loob, ayun talsik agad tapos sinira pa yung cellphone nya. Yung isa naman nakitang me dalang butong pakwan, ayun talsik din kaagad. Meron din isang tinangkang ilabas sya para makalakad-lakad sa garden, eh di sya ang pinaglakad-lakad paalis ng ospital. Etong si Tiffany nga lang ang tumagal, nainlove naman daw kaya ayun pinatalsik din. Kaya ikaw kung gusto mong tumagal sumunod ka sa amo.”
“Paano naman nahuhuli yun mga yun. Lalo na yung cellphone? Baka me nagsusumbong?”
“Nakikita. Ewan. May ESP ata si ma’am at Doc eh or baka me cctv sa loob ng kwarto ni Room No. 02. Alam mo na special patient ganun.”
“Ah baka nga.”
“Pero si Head Doctor, si Doc Ace. Gwapo diba?”
“Ay oo. Nung first day ko lang sya nakita pero kahapon wala sya.”
“Crush mo no?”
“Ay naku hindi naman gaano. Hehe”
“Marame may crush dun, kaso taken na.”
“Oh talaga, may asawa na.”
“Girlfriend pa lang.”
“Kilala nyo?”
“Oo…si Nurse Ela.”
“Huwat? Kaya naman pala makabantay din si ma’am eh.”
“Sinabi mo pa.” sambit ni Joan na kanina pa pala nakikinig sa kanila.
“Sssshhh, wag kayo maingay at baka marinig kayo.” Pangising bulong ni Edna.
“Haha. O sige na work muna ako. Papakainin ko pa ang pasyente ko.”
Napansin ni Meli na bukas na ang kwarto ni Room No. 02.
“Dumating na nga pala kasi si Nurse Ela.” Pagbukas nya ng kwarto ay nakita nyang nakaabang na sa pintuan si Room No. 02.
“What took you so long?”
“Im sorry sir. Nagprepare pa ako.”
“That bitch went here and I lost my apetite.”
“Im sorry again sir, but you have to eat your breakfast.”
“May mga matang nakatingin.
“Sir?”
“Marame ang nakamasid.” Patuloy nyang sabi. “Mga mata ng kampon ng kasamaan.” Lumapit si Room No. 02 kay Meli, at may palihim na inilagay sa kanyang bulsa. “Halika na dito at dalhin mo na yan wag mo lang kalimutan na may mga matang nakatingin. Maging maingat ka.”
Habang kumakain si Room No. 02, paulit-ulit nyang sinasambit ang mga matang nakatingin. Ikot-ikot ang kangyang mga mata sa bawat sulok ng kwarto. “Mga matang nakatingin ng kampon ng kasamaan.”
Muling natapos ang araw ni Meli sa ospital. Napakalaking hiwaga sa kanya si Room No. 02. Ano bang nais nitong iparating sa kanya? Kinapa nya ang bulsa ng maalala ang inilagay ni Room No. 02 dito. Apat na pirasong butong pakwan. Palaisipan nanaman ito sa kanya.
------------------------------------------x
Authors' Note
As I read this chapter, hindi ko maisip kung san ko nakuha ang mga matang nakatingin na yan? Hala! anong bang pumapasok sa isip ko...*wink*
Pero for sure may mga matang nagbabasa nito. enjoy!
BINABASA MO ANG
Room No. 02
Mystery / Thrillersi meli ay isang bagong pasang nurse na nagnanais lamang ng magandang simula sa kanyang propesyonal na buhay. hindi nya akalain na sa unang sabak pa lamang nya sa trabaho ay masusubok na nito hindi lamang ang husay nito bilang isang nurse kundi an...