Chapter Ten

3.1K 43 3
                                    

Alas-sais na, kunwaring dating ni Meli. Matapos makapagbihis ay ipinaalam ni Jr si Meli sa tiyahin upang kumain sa labas.

“Tiya anong gusto mo pasalubong ? “ tanong ni Jr sa tiyahin.

“Naku wag kana mag-abala. “

“Sige na, kahit na ano. “

“Hala sige, gusto ko yung lagi ko nakikita sa tv na icecream. Yung magnum. Haha.“

“Nakikiuso naman si inay. Ako nga hindi pa nakakatikim nun eh.“

“Eto naman si Meli, ang kj ah. Sige tiya dadalhan ka namin mamaya. “

Matapos makapagpaalam eh agad tinungo ng dalawa ng prisinto upang gawin ang kanilang pagreresearch.

“Kuya naman, baket hindi pa natin naitanong kay inay ang pangalan ni Senyor Esteban para mas madali ang paghahanap natin?“

“Maghihinala kasi yun nanay mo. Imbestigador din yun diba? Kaya nga naghiwalay sila ng tatay mo eh nang maghinala syang may ginagawang kalokohan si tiyu. Haha.“

“Huwag mo na nga paalala yan. BV ka ah.“

“O kaya wag na maraming sat-sat. Tara na sa loob.”

Sa loob ng prisinto eh may iilan-ilan pang duty na pulis. Isa-isa itong binate ni Jr pagkatapos ay ipinakilala si Meli na pinsan nya.

“Pinsan ka dyan SPO, sige ka nandyan sa opisina si Milagros. Naku patay ka dun kapag nakita yang babaeng kasama mo. “

“Mga sira-ulo pinsan ko nga to. Pakitaan mo nga ng ID Meli ng malaman magkaapelyido tayo.”

Sabay-sabay na lamang nagkatawanan ang mga pulis sa loob ng prisinto. Pinasok ni Meli at Jr ang opisina at doon nila nakita ang isang morenang babae. Ngumiti ito ng makita ang kanyang pinsan.

“Hi babe. Mamaya pa ang labas ko ah, aga mo naman sumundo.” Bati nito sa kanyang pinsan. Sabay tingin kay Meli at napasimangot.

“Hindi pa naman kita sinusundo eh. Sinamahan ko lang dito ang pinsan ko kasi meron syang thesis sa school na kelangan nya. About sa isang kaso long-long time ago.”

“Ganun ba? Akala ko naman kung sino na yang kasama mo.” tingin uli kay Meli ngunit nakangiti na sa pagkakataong ito.

“Alam mo naming faithful ako sayo eh.”

“Dapat lang.”

Pinapanood lang ni Meli ang dalawang maglambinga sa harapan nya. Kilalang-kilala na ang pinsang nyang lapitin talaga ng babae. Hindi nakakapagtakang bilog na bilog ng kanyang pinsan ang babaeng pulis.

“Eto ang susi babe ng filing room. Ikaw na ang bahala dyan. But remember, bawala maglabas ng papers.” Paalala nito.

“Alam ko yun babe, hindi naman kita ipapahamak eh. Tara na Meli.“ yaya nito

“Sige ate, thank you ha.“

“Sus, wala yun. Para sa mahal ko.“

Pagkasabi nito ay tumuloy na ang dalawa sa filing room.

“Kuya ang landi mo ah. “

“Cuz, para ka namang bago ng bago. Kasama sa trabaho yun. “

“Palusot naman nito, isumbong kita dyan eh. “

“Sssh…huwag ka nga maingay. Gusto mo bang ituloy pa to? “ pabulong na tanong nito.

“Hala andito na tayo eh di ituloy na. Asan ang computer?”

“Computer?”

“Eh diba magre-research tayo? Kelangan natin ng computer.”

“Sira kaba nasa probinsya ka no. Kung sa manila nga hindi pa modernized ang mga prisinto, dito pa kaya sa atin? Maghahanap tayo sa mga filing cabinet dito.”

“Hala sa dame nyan?! Paano tayo magsisimula.”

“Alam mo kung paano? Itikom mo yan bibig mo at paganahin ang utak at mata mo.”

“Ang taray naman ng mamang pulis na to. Sige na po.”

“O sige na, alphabetical naman yan, simulan mo sa E at ako naman sa A.”

Abala sa paghahanap ang dalawa ng makabingo si Meli. “Kuya ito, Erlinda C. Esteban.”

“Sya nga, sige basahin mo lang.”

“Sabi dito kuya, natagpuan syang walang buhay ng mga pulis sa kanyang silid sa masyon nila. Wala naman bagong info. Alam ko na yun eh.”

“Tingin ka na lang ulit dyan.”

“Teka ito, may Erlinda C. Esteban confidential folder.”

----------------------------------------------------x

Authors' Note:

Matapos kong pasukin ang mundo ng isang nurse, eto naman po ako't pinasok ang mundo ng pagiging isang pulis.  Sana ay mabigyan ko ng hustisya ang karakter ni pinsan JR at gayun din ang mga susunod pang kabanata.

Iga na ang utak ko....pero para sa mga mambabasa, go lang ng go! AJA!

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon