Chapter Three
Kinabukasan, maagang gumayak si Meli patungo sa kanyang trabaho. Alas singko pa lamang nang oras na yun kaya laking pagtataka na ng kanyang ina nang alas-sais pa lamang ay nagpaalam na ito na papasok.
“Meli, ka-aga mo naman ata?”
“Wala nay, excited lang.” maigsi nitong sagot sa ina saka gumayak umalis.
Sa ospital, naabutan ni Meli ang isang lalaking naglilinis sa reception area.
“Good morning po kuya.”
“Good morning ma’am”
“Meli na lang po.” Magalang nitong sagot.
“Maaga ho ata kayo?“
“Excited lang po pumasok. Second day pa lang po kasi. Wala pa po ba si Nurse Ela or si Doc Ace?“
“Si Ma’am Ela ay maya-maya pang bago mag alas-otso dating. Si doc naman eh hapon na madalas dumarating pwera na lamang kung may emergency.”
“Ah ganun po ba?”
“Wala na po bang ibang doctor dito?”
“Meron naman po. Nasa bakasyon lamang po halos lahat.”
“Ah ganun po ba?”
“Sino ho ba ang pasyente nyo?“
“Si Room No. 02 po.“
“Ay special child pala ang pasyente mo.”
“Baket nyo naman po nasabi?”
“Walang ibang doctor yan dito kundi si Doc Ace at asikasong-asikaso yan ni Nurse Ela. May mga time pa pong hindi nauwi ang dalawang yun kababantay kay Room No. 02.”
“Ganun po ba?”
“Yun ang napansin ko ah. Panggabi kasi ako, at alas otso pa ng umaga uwi ko. Nakita ko kung paanong dumating yan si Room No. 02 dito at simula noon eh nakita kong iba talaga ang trato nila sa kanya. Aba’t kahit ang ibang doctor dito, hindi basta-basta nakakapasok sa kwarto ni Room No. 02. Ang mga lalaking nurse na tumutulong sa mga nagiging private nurse ni Room No. 02 ay pare-pareho lang din. Ganun kasi ata sya ka-special. Ang sabi-sabi eh mayamang tao daw kasi sya at napaka-confidential ng kaso nya.”
“Kayo po ba eh nakapasok na sa kwarto nya?”
“Ay hindi pa. Private nurse din nya ang naglilinis ng kwarto nya, hindi mo ba alam yun?”
“Hindi pa po eh. Kasama pala sa job description ko ang room service nya. Haha”
“Abay oo. Hind pa rin inilalabas ng kwarto yan si Room No. 02. Ewan ko nga kung baket. Ni hindi nasisikatan ng araw eh. Walang dumadalaw. Dapat nga yan para sa ikabibilis ng recovery eh dapat nakakalanghap ng sariwang hangin o nakakapaglakad sa labas.“
“Ganun po ba? Hayaan nyo po at irerequest ko.“
“Ay wag mo na tangkain iha kung ayaw mo mawalan ng trabaho. Si Tiffany nga ang balita ko napatalsik na kahapon eh. Napakabuting bata noon. Ang hangad lang eh sa ikabubuti ng pasyente nya kaso eh minasama. Pinagbintangan me love affair kay Room No. 02. Bawal daw kasi dito ang staff-patient affair. Hay naku, sino ba naman matino ang magkakagusto sa baliw? Syempre malamang concern lang ang bata.”
Parang nakuha na ni Meli ang mga pangyayari. Nabanggit nga sa kanya ni Tiffa na napapagisipan silang may relasyon ni Room No. 02. Kaya siguro sya pinaalis ng ospital.
Maya-maya napansin ni Meli ang plastic ng basurang bit-bit ng janitor.
“Kuya san po galing yan basura na yan? Kay Room No. 02 po ba?”
BINABASA MO ANG
Room No. 02
Mystery / Thrillersi meli ay isang bagong pasang nurse na nagnanais lamang ng magandang simula sa kanyang propesyonal na buhay. hindi nya akalain na sa unang sabak pa lamang nya sa trabaho ay masusubok na nito hindi lamang ang husay nito bilang isang nurse kundi an...