Chapter Seven

3.3K 51 9
                                    

Kinaumagahan, sa hapag kainan kasama ni Meli ang kanyang ina. Napansin nito na wala sa isip nya si Meli.

“Anak nag-aalala na ako ah, ilang araw ka na ganyan. Baka nahawa ka na sa mga pasyente kung saan ka nagtratrabaho.“ Hindi parin sya nito pinapansin at nakatingin parin sa kawalan si Meli. “Hoy anak ! “ sigaw na nito.

“Uy nay, makasigaw ka naman.”

“Eh paanong hindi kita sisigawa eh kanina kapa nakatulala dyan. Ano bat ilang araw na kita nakikitang ganyan? Ilang araw ka pa lang sa ospital na yun nagkaganyan ka na?”

“Anong nagkaganyan nay? May iniisip lang ako eh.”

“Eh ano nga yan iniisip mo? Alam mo naman nasa lahi natin ang mga baliw. Hala minsan nang may pumasok na kadugo natin sa ospital na pinapasukan mo ngayon, baka ikaw na ang sumunod. Haha.“ Pabirong pananakot nito kay Meli.

“Speaking of pumasok. Hindi ba si lola ang tinutukoy mo?“

“Oo. Hindi nga natin alam ang sanhi ng pagkakaganun ng lola mo eh.”

“Kelan nga ba yun?”

“Wala ka pa noon Meli. Mahigit dalawampung taon na rin.”

“Eh di sina Senyor at Senyora Esteban pa ang nangangasiwa pa noon ospital?”

“Oo. Aba kilala mo na pala sila?”

“Oo nay, nabanggit sa kin nun isang janitor dun.”

“Ang pagkakatanda ko, bago pa naging ACES Hospital yan eh ECE Hospital for Mentally Ill muna yan.”

“ECE? Ano naman pong ibig sabihin nun?”

“ECE, pangalan yun ni Senyora. Sa pamilya nya kasi yan hospital na yan. At napakabuti ng pamilya nya. Ang nanay nga eh libreng nagagamot dun.”

“Ano pong pangalan ni senyora?”

“Erlinda Corpuz Esteban ata. Hindi ko na sigurado. Alam mo naman matanda na ako, medyo nakakalimot na. Pero kilalalang mga tao ang mga yan lalo na si Doctor Ace Esteban.“

“Ace Esteban po ang pangalan ni senyor?“

“Oo. Ang dame mo naman tanong. Uso na sa henerasyon nyo ang internet, subukan mo kaya gamitin. “

“Aba nay, umiinternet ka na ngayon ha?“

“Haha…“ tawang sagot ng kanyang ina.

Pero naisip ni Meli noon na may point nga ang kanyang ina. May malapit na internet shop sa kanilang bahay. Doon sya madalas nun nag-aaral pa sya. Naisip nyang sya nga pala ang nagturo sa kanyang ina gumamit ng computer at mag-facebook.

Nagpaalam na si Meli sa kanyang ina upang pumasok. Naisip nyang mamaya ay dadaan sya sa internet shop upang magsearch ng news about sa kanilang local na lugar. Nun una kasing ni-search nya ang ospital na kanyang pinagtratrabahuan ngayon eh dun lamang sya sa official website ng ACES nagpunta.

Kagabi ay medyo sigurado na sya sa information na meron sya, 5-3-5 ay Maria Ela Junto kaso ngayon eh nabanggit ng kanyang ina ang ECE, 5-3-5 din kasi ito.

Sa kwarto ni Room No. 02, naabutan nya itong natutulog pa. Balak nya sana itong gisingin upang pakainin ng almusal. Naisipan nya na lang muna linisin ang kwarto. Sa sulok-sulok na hindi nya gaano naabot eh may nakit syang mga nakitang cable.

“Saan kaya nakakonekta ang mga ito?“ lilinga-linga sya sa silid ngunit wala naman syang nakitang electronic dito kundi ang aircon at ang ilaw. Sinundan nya ang kable ngunit nakabaon naman ito sa simento. Yung lamang maliit na dulo nitong nakakunekta sa saksakan ang nakikita. Marahil ay ang iniwasan dito ay ang magamit ni Room No. 02 ang mga kableng ito upang sakalin ang kanyang sarili.

Bawat kanto ng kwarto ay may ganitong mga kable. “Hindi kaya sa CCTV ang mga ito naka-connect? Isa laman naman ang aircon dito at nakita ko na kung saan ito nakasaksak. Sa apat na kanto ay may ganitong kable. Marahil nga ay CCTV itong mga ito. Yun marahil ang sinasabi ni Room No. 02 na mga matang nakatingin.”

“Anong ginagawa mo dyan.” Isang tanong mula sa kanyang likuran.

“Gising ka na po pala sir.”

“Umalis ka dyan kung gusto mo pang tumagal ang buhay mo.“

Natakot si Meli sa sinabing ito ni Room No. 02 kaya agad-agad itong napatayo. Ginawa na nito ang pagpapakain sa kanya. Hindi naman pumalya si Room No. 02 sa kanyang butong pakwan. Siyam na piraso ang iniabot nito kay Meli.

“Oras na Meli.”

“Po?”

“Oras na Meli.”

“Hindi ko ho kayo maintindihan.”

“Dalhan mo na ako ng butong pakwan, ubos na ito.” Bulong nito.

“Ah yun po ba ang sinasabi nyong oras na. Sige po mamaya.” Agad itong umalis ng silid.

Laking gulat ni Meli ng pagbukas nya ng kwarto ni Room No. 02 ay tumambad sa kanya ang mukha ni Doc Ace.

“Let’s have a talk. Please follow me.” Pumasok ito sa head office na katapat lamang ng kwarto ni Room No. 02.

Agad naman sumunod si Meli at nakita nya sa loob si Nurse Ela.

“I don’t want to see that again!” bulyaw nito kay Meli.

Parehong nagulat sina Meli at Nurse Ela sa pagsigaw ni Doc Ace.

“Ang ano pong nakita? Ano po bang nagawa ko? “ magkahalong takot at pagtataka ni Meli.

“I saw you, wandering inside Room No. 02s' room. What do you think you’re doing?”

“Paano pong nakita?”

Biglang natahimik si Doc Ace. May nasabi syang hindi dapat nasabi.

“You don’t have to question me Nurse Meli. Your job here is to nurse Room No. 02. No more no less.”

“But that’s what I am doing now sir.”

“I just want to clear things to you Nurse, I own this hospital. Everyone around here is mine, including you. If you want this job, wag mo ko susuwayin. Understand?”

“Yes sir, but…”

“No buts! Get out!”

--------------------------------------x

Authors' Note:

Get out! Next chapter na po kasi kaya lipat na ng pahina

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon