Story Behind and the Acknowledgment

2.3K 57 42
                                    

THE STORY BEHIND:

Hi ako po si Meli! Kidding aside, this is miss red, the author of this story. 

How in world I came up with this story?  ---> Dahil lamang sa isang challenge sa isang forum site kung saan ako aktibong meyembro.  Meron dun isang section kung saan puro arts and literature ang tema.  May paminsan pacontest o challenge na ibinibigay dun at isa nga ang MELON SEED challenge.

Yung challenge ay gumawa ng isang short story or full blown story na may kinalaman sa melon seeds/number of melon seeds na iniiwan for clues. Random numbers, wala naman binigay talagang exact number na dapat sundin, but the pattern was those seeds will lead you to solving a mystery.  Basta ganyan pagkakaintindi ko sa challenge.

Hindi ko inexpect na ganito ang kalalabsan ang araw-araw kong pag-iisip.  Napakahirap palang gumawa ng ganito, pero natuwa naman akong natapos ko ito.

Sabi nga sa forum site na sinalihan ko ng ipost ko itong story na to, wala man lamang daw naging action sa rebelesyon...sayang naman yun pulis na kasali sa story. Hehe. Sabi ko na lang, eh kasi girl ako kaya hindi ko na nalagyan ng aksyon at dinaan ko na lang sa kwentuhan ang rebelesasyon.

Hindi ko inaasahan na aabot sa libo ang reads nito at talaga namang ikinataba ng aking puso ang mga masugid na nagbasa ng aking unang putok na nobela.  Ganun din sa mga positibong kumento, likes at votes.

Sa mga napaisip kung anong forum site ang tinutukoy ko, eto po ang link, dito ko po unang isinulat ang story kong ito.

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=751938

ACKNOWLEDGMENT:

Salamat sa mga sumusunod

Meli Estanislao at Ace York Esteban / Room No. 2-- ang aking mga bidang karakter

Earl Esteban / Doc Ace at Doc Juanito Esteban / Mang Johnny -- ang mga kontrabida

Maria Ela Junto / Nurse Ela

SPO JR Estanislao

Edna at Joan -- mga nurses

Sa forum site kung saan una nagsimula si Miss Red

http://www.symbianize.com/member.php?u=700466

Gusto ko rin idedicate ito sa nagbigay ng challenge na si Padre Pio

At panghuli, pwede nyo po matagpuan si Miss Red sa kanyang fan page sa

http://www.facebook.com/pages/Miss-Red/333249083429078?ref=hl

Muli maraming salamat sa mga tumangkilik at sumuporta, Mabuhay po tayong lahat!

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon