Chapter Six

3.4K 71 22
                                    

Sa ganitong kaisipan na naman gumising si Meli. “Ano ba naman tong napasok ko, ang dameng misteryo? Focus Meli, focus, pag-aasikaso lamang kay Room No. 02 ang dapat mong atupagin.” Paggigisig nya sa sarili.

Sa trabaho ay agad nagsimula si Meli ng gawain. Sabi nga nya sa sarili ang mag-focus. Hindi na rin muna sya nakipag-usap kahit kanino ng umagang yun para hindi na madagdagan ang kanyang mga nalaman. Habang dumadami kasi ang nalalaman nya, lalong dumadami ang tanong sa kanyang isipan.

Nadatnan nyang tahimik si Room No 02 sa kanyang kwarto. Hindi rin ito naging pasaway ng umagang yun. Matapos nya itong pakainin, may limang pirasong butong pakwan itong nilagay sa kanyang tray. Ngunit hindi katulad ng dalawang nagdaang araw, wala itong sinabing salita ukol sa buong pakwan. Agad lamang itong tumalikod sa kanya at humiga sa kama.

“Nag-umpisa nanaman ang lalaking ito sa kanyang palaisipan.” Kinuha niya ang mga buto at inilagay sa bulsa.

Nang tanghalian na ay, nasa ganun posisyon parin si Room No. 02. Tahimik lang at hindi nagsasalita. Matapos nitong kumain ay muli itong naglagay ng butong pakwan sa kanyang tray. Sa pagkakataong ito ay tatlong piraso naman.

Kinahapunan, muli syang pumasok sa kwarto ni Room No. 02 para sa kanyang meryenda at panghapong gamot. Takang-taka talaga sya dahil ni isang salita ay wala itong sinabi.

“Ano kaya ang nangyari kagabi? Baket ganito ang behaviour ni Room No. 02 ngayon?”

Ayaw nya naman magsimula ng usapan sa pagitan nila dahil baka hindi nya ito magustuhan at magwala muli. Tinapos lang nito ang pagpapakain ng lugaw at pagpapainom ng gamot. Magpapaalam na sana sya dahil end na nang kanyang shift para sa araw na yun ng hawakan sya bigla ni Room No. 02. Limang pirasong butong pakwan ang iniabot nito sa kanya at nagwikang “Huwag mo syang pagkatiwalaan.” Sabay talikod at higa sa kanyang kama.

“Ano nanaman kayang palaisipan ang hindi magpapatulog sa akin sa gabing ito?” Isang tanong ang muli nanaman nagpagulo sa kanyang isip habang palabas ng kwarto ni Room No. 02.

Sa kanyang pag-uwi ay inalala nito ang bawat pang-yayari ng araw na yun.

“Una ay limang pirasong butong pakwan, matapos ay tatlo, tapos lima ulit. May sinabi pa syang huwag pagkatiwalaan.” Sunod sunod nyang tanong. “Total of 13 pieces of watermelon seeds. Ano bang date ngayon? Me kinalaman kaya yun sa date?” mababaliw na tanong nito sa sarili ng isang malakas na busina na lamang ang nakapag balik sa kanyang lumilipad na isipan.

Sa isang magandang kotse nagmula ang busina. Akala nito ay katapusan na nya dahil sya ay masasagasaan na. Pero nakita naman nya ang sarili na nasa sidewalk nakatayo. Parang familiar sa kanya ang kotseng bumusina. Nakita na nya ito kung saan.

Isang gwapong lalaki ang bumaba ng kotse at tumawag sa kanya.

“Nurse Meli!” sigaw nito.

Dali-daling tumakbo si Meli palapit ng sasakyan dahil si head doctor Ace pala ang bumusina sa kanya. “Doc Ace, kayo po pala?”

“Pauwi ka na ba? Halika at isasabay na kita”

“Huwag na po doc, malapit lang naman po ang bahay namin. Lalakarin ko na lamang po.“

“Lakad? Baket ka maglalakad eh may sasakyan naman. Sige na sumakay ka na.” Mapilit nitong sabi kay Meli na para na rin utos na hindi nya matanggihan.

“Ok po, sige po, mapilit po kaya eh.“ Ngiti nitong sabi sa doctor.

Pagkasakay ni Meli. Nakikiramdam sya sa taong kasama. Parang hindi ito komportableng kasama sa sasakyan ang kanilang head doctor. Una dahil nga boss nya ito, pangalawa ay dahil boyfriend ito ni Nurse Ela.

“Relax ka lang dyan. Baket parang hindi ka mapakali?“

“Nahihiya po kasi ako eh.“

“Baket naman?“

“Wala naman gaanong dahilan.“

“Maiba ako, kamusta ka naman sa ospital?“

“Mabuti naman po. Medyo sanay narin sa trabaho.“

“Ah, that's good. Eh sa mga katrabaho mo? Sa pasyente mo?”

“Maayos naman pakikitungo ng lahat sa akin. Kay Room No. 02 naman po eh wala naman po gaanong problema.”

“Nakikita ko ngang magkasundo kayo eh.”

“Nakikita po?“ takang tanong ni Meli.

“Ah...base sa mga kwento ni Marie ok daw kayo ni Room No. 02. Natutuwa nga akong magkasundo kayo.“ pag-iiba nito ng usapan.

“Marie po? Sino pong Marie? “

“Oh yeah, hindi na pala sya kilalang Marie sa ospital. Si Nurse Ela ang tukoy ko. Marie kasi ang tawag namin sa kanya. Kahit na mga magulang nito. “

“Ah ganun po ba? Pwede ko ho bang malaman ang tunay na pangalan ni Nurse Ela? Kung hindi naman po masamang malaman.“

“Maria Ela Junto.“ sagot nito.  “Teka Meli, ano yan hawak mo sa kamay mo?“ pansin ng doctor sa kanyang kamay.

Hindi nya napansin hawak pa pala nya ang mga butong pakwan na ibinigay sa kanya ni Room No. 02.

“Eto po ba?” sabay pakita ng mga buto sa kanyang palad.

“Wow! Watermelon seeds. My favourite. Mahilig ka rin pala dyan Meli.”

“Huh, me-medyo po.” utal nyang sagot.

“Everyday akong kumakain nya. Stress reliever ko kasi yan. Kapag nagiisip ako, kumakain ako nyan. Haha.  Wierd diba?  Nare-relax ako kapag nagbabalat ako ng butong pakwan.” kwento nito.

“Ang hirap po kayang kumain nito.”

“Oo, pero sanayan lang naman.”

“Sabagay.“ Maigsi nitong sagot ng makita nyang malapit na sya sa daan patungo sa simple nilang bahay. “Doc, dito na lang po ako. Doon po sa dulo nito ang bahay namin.“

“I see. Ok see you tomorrow.”

“Thank you po doc.” Pagkawika nito ay agad bumaba ng sasakyan si Meli at tinungo ang kanilang bahay.

Muli naman napamuni-muni si Meli sa kanyang kwarto. Iniisip ang mga kaganapan ngayon araw.

“Ano kayang kahulugan nitong mga butong pakwan ngayon? Lima-tatlo-lima total of 13. Hays, Room No. 02. Ano bang laro to? Number? Letters? Initials? Hmmm, Maria Ela Junto pala real name ni Nurse Ela. Kung tama ang count ko at pagbabasa ko, Maria – 5 letters, Ela – 3 letters at Junto – 5 letters. Sya kaya tinutukoy ni Room No. 02 na wag kong pagkatiwalaan?”

------------------------------------x

Authors' Note:

Naku may nabubuo ng pangalan sa isip ni Meli.  Tama kaya sya?

Anyways, nageenjoy po ba kayo? Nagugustuhan nyo na ba si Meli at nais gawing private nurse? If so? Vote naman po dyan. :)

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon