Nakayukong lumabas ng head office si Meli. Hindi alam kong sya ba ay iiyak sa mga pangyayari. Wala naman syang ginawang kasalanan. But one thing was cleared to her. May CCTV nga ang kwarto ni Room No. 02 kaya kailangan nyang maging maingat kung nais nyang tumagal sa trabaho at kung nais nyang maresolba ang misteryo ng kanyang pasyente.
Tanghalian na. Inihanda na ni Meli ang mga dadalhin kay Room No. 02 kabilang na ang butong pakwan. Buti na laman at isang balot ang ibinigay sa kanya ni Kuya Johnny at meron agad syang handang ibigay sa pasyente. Nais nya na bago man sya ma-terminate sa trabaho ay may magawa syang tulong para sa kanyang pasyente. Inalis na nya sa plastic ang mga butong pakwan para hindi na mahirapang buksan pa ni Room No. 02.
Nadatnan nyang nagaabang si Room No 02 sa kanya sa kwarto.
“Napagalitan ka?” tanong nito.
“Ah, wala naman po yun. May mali naman talaga ako.”
“Sabi ko naman sayo eh, may mga masasamang matang nakatingin.”
Hindi na sinagot ni Meli si Room No. 02 dahil kailangan nyang magingat. Alam na nya ngayon ang mga pwesto ng CCTV kaya ngayon alam nya na kung saan dapat pumwesto kapag iniabot nya na ang butong pakwan.
“Dala mo ba?” bulong sa kanya ng pasyente.
“Opo.” Kukuhanin na nya sana ang mga butong pakwan ng sumigaw si Room No. 02.
“Huwag! Parang awa mo na huwag!”
Laking gulat ni Meli ng itulak sya ni Room No. 02 at nagsisigaw.
“Sir, sir…”
“Huwag, umalis kana. Ayoko na dito. Tulungan mo ko.“ Sunod-sunod nyang sigaw.
“Sir, si Nurse Meli po ito. Magkaibigan po tayo.”
“Madami na ang nakatingin, umalis kana. Tulungan mo ko.”
Nagdatingan na ang mga lalaking nurse. Kasama si Doc Ace at Nurse Ela. Masama ang pagkakatingin sa kanya ng dalawa.
“Let’s talk after this. For now get out.” Bulong sa kanya ni Doc Ace.
“Kaibigan.” Muling sigaw ni Room No. 02. “Isa, Tatlo, Lima. Isa, Tatlo, Lima. Tulungan mo sya!”
“Ano ba Meli, I said get out!“ sigaw na utos ni Doc Ace sa kanya. “Marie, ilabas mo si Meli.”
“Halika na Nurse Meli.”
“Pero Ma’am.”
“ Let’s go. “
Dinala ni Nurse Ela si Meli sa head office. Doon nya ito kinausap.
“Meli, if I were you mas mabuti na lang na wala kang alam. Kung ako sayo umayos ka ng kilos kung ayaw mong maging katulad sa mga dating private nurse ni Room No. 02.” Bungad na litanya ni Nurse Ela.
“Pero Ma’am…”
“Wala ng pero-pero. Akala ko ba nagkaintindihan na kayo ni Doc Ace.”
“Wala naman po akong ginawang masama.”
“Wala?!“ sigaw mula sa kanyang likuran.
“Ano yang nasa bulsa mo?“
“Po?“
“Akin na, patingin.“
Nangangatog na inilabas ni Meli ang mga butong pakwan sa loob ng kanyang bulsa at ipinakita sa doctor.
“See. Like what I told you. You don’t know what brings these seed to Room No. 02! Im sorry Meli but you’re fired. Please leave this hospital right now.”
Hindi na nagsalita pa si Meli. Hindi nya alam na sa ganito kadaling panahon matatapos ang trabahong inakala nyang makakatulong sa kanyang pangarap maging doctor. Nagpaalam na sya sa lahat ng kanyanng naging mga kaibigan sa ospital. Hindi na lamang nya nakuhang magpaalam kay Room No. 02.
Nadaanan ni Meli ang internet shop na malapit sa kanila. Tutal ay maaga pa naman, naisipan nyang dumaan dito. Magtataka kasi ang kanyang inay kung maaga syang uuwi. Ayaw nman nyang sabihin dito ang pakakatanggal nya sa trabaho.
Sinubukan i-google ni Meli ang lumang panglan ng ospital.
ECE Hospital for Mentally Ill - approximately 10, 500 results found.
“Ang dame naman nito, pero wala naman dito ang hinanap ko.
Erlinda C. Esteban - Facebook
“Erlinda Chua Esteban, Facebook? May patay bang nakakapag-facebook? Erlinda Cruz? Wala naman Erlinda Corpuz Esteban eh. Mukhang wala akong mgahihita dito sa internet ah. Makapag-out na nga.”
Dismayadong nilabas ni Meli ang internet shop. Isang boses ang narinig nyang tumawag sa kanya.
-------------------------------x
Authors' Note:
Wala po talaga akong kaharap na internet ng ginawa ko ang parte ng pag-go-google, hula lang ang lahat. Pasenysa na po kung sinubukan nyo rin i-google ang mga pangalan. *wink*
This story is pure fiction at paumanhin sa maling impormasyon at sa mga kahalintulad na pangalan.
Sana po ay hindi kayo bumitaw, nandito na rin lang naman kayo sa part na to, malapit na kayo sa katotohanan ng misteryo, onting chapters na lang po.
thanks!
P.S.
Nakakadismaya talaga ang mawalan ng trabaho, naramdaman ko na yan minsan eh. :(
BINABASA MO ANG
Room No. 02
Mystery / Thrillersi meli ay isang bagong pasang nurse na nagnanais lamang ng magandang simula sa kanyang propesyonal na buhay. hindi nya akalain na sa unang sabak pa lamang nya sa trabaho ay masusubok na nito hindi lamang ang husay nito bilang isang nurse kundi an...