Chapter Nine

3.4K 75 18
                                    

“Meli Estanislao.“ isang sigaw mula sa knyang likuran.

“Uy ikaw pala John Robert Estanisalao.“ Pabiro nitong bati sa pinsan.

“Eto naman, kumpleto pa pangalan ko.“

“Ipagsigawan mo ba naman ang pangalan ko dito eh.“

“Galing ako sa inyo ah, sabi ni tiya pumasok ka daw at mamaya pang alas-singko ang uwi. Nainip na ako sa inyo kaya naisipan ko munang pumunta dito para maginternet.“

“Ganun ba?“

“Oo, teka nga baket ka nga pala nandito kung me pasok ka? Natanggal ka sa trabaho no?“

“Anong natanggal? Maaga kasi akong pinalabas kaya ako nandito. Eh ikaw baket ka nandito. Diba me pasok ka?”

“Maaga pinauwi, ano ka studyante? Ako pa pinagsinungalingan nito. Criminology graduate to uy, kaya alam ko likaw ng bituka ng mga sinungaling. Hahaha”

“Likaw ng bituka talaga ha? Eh di wag ka maniwala.”

“Hindi nga, baket ka natanggal?”

“At talagang ipinagpilitan mong natanggal ako ha?”

“Huwag ka ng umano dyan, sige ka sumbong kita kay tiya.”

“O sige na, ikaw na magaling. Ikaw na pulis!“

“Off duty ako ngayon kaya ako nakadalaw. Halika nga doon sa bayan, libre kita sa mcdo. Peborit mo yun diba ? I-smile na yan. “

“Adik ka kuya. Kung hindi ko lang love ang mcdo hindi ako sasama sayo eh. “

“I know you need it pantanggal depression. Ayun yung motor ko, lesgo!”

Sa mcdo, habang kumakain ng paborito nyang french fries si Meli, sige naman ng sige sa tanong ang kanyang kuya JR.

“Hoy Melitot, ano ngang nangyari. Baket ka natanggal sa work. Ang tatanga naman ng mga boss mo dun. Ikaw ng pinaka-matalino sa lahat ng matalino eh tinanggal sa trabaho. For sure its not something about the work kasi matalino ka. Malamang its something personal.”

“Huwaw ha, ang galing mo talaga ha. Manang-mana ka talaga sa akin sa katalinuhan. Pero pwede bang patapusin mo muna akong kumain. “

“Oh sya, alam mo naman loves kita eh. At ikaw ang paborito kong pinsan. “

“As if may iba ka pang pinsan ha. Dalawa lang naman tayo."

Sabay silang nagkatawanan magpinsan. Matapos kumain ni Meli agad nitong isinalaysay ang mga pangyayari sa kanyang trabaho.

“Ganito kasi yun kuya. Paano ba? Sasabihin ko ba? Confidential kasi yun eh.”

“Ay ewan ko sayo Melitot.”

“O sige na. Diba sa ACES Hospital ako nagwowork as private nurse ng isang patient. Sobrang confidential kasi ng kaso ng patient ko. Ultimo real name nya hindi alam ng kahit na sino sa loob ng hospital maliban sa head doctor at head nurse.”

“Bongga yun ha!”

“Beki ka talaga kuya JR. Basta ganun sya ka-confi. Ang sabi ni head nurse at ng findings ni Doc Ace about him eh, nabaliw sya kasi nadepressed tapos sa drugs at alcohol dumepende, tapos nagoverdosed.”

“Oh tapos, anong kinalaman nun sa pagkatanggal mo?”

“Eh kasi may kakaiba dun kay Room No. 02. Yun ang tawag naming sa kanya sa ospital. Basta something different, parang he’s not really that sick.”

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon