Chapter 1: Carlos

125 2 0
                                    

 Palubog na ang araw. Nakakabingi ang katahimikan sa park na aking kinatatayuan. Naririning ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ako makagalaw, ni maka hakbang di ko magawa. Nangangatal ang buo kong katawan. Iba-iba ang pumapasok sa aking isipan. Mga ala-ala naming dalawa ni Sam. Si sam, maputi, may mapupulang labi, mabibilog at maitim na kulay na mga mata, may matangos na ilong at  mahabang buhok. Si Sam na ngayon ay nasa aking harapan, patuloy na lumalakad papalayo sa aking kinatatayuan. Naguguluhan na ang isipan ko at pilit kong kinakausap ang sarili ko.

"Tama lang ba na di ko sya pigilang umalis? Bakit di ko sinabi ang boong katotohan na mahal na mahal  ko sya, na di ko sya kayang mawala. Na sya ang babaeng pinapangarap kong makasama habang buhay. Pero, bakit ako natigilan? Tama ba itong desisyon ko? Ang hayaan na lang syang mawala. Bakit? Dahil natatakot ako? Saan? Baka di na sya masaya o dahil sobra na syang nasasaktan? Hindi ko alam. Kakayanin ko ba? Sam lumingon ka, wag mo akong iwan... " 

My Diary: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon