Tahimik na nag mamaneho si Carlos. Gusto ko syang tanungin kung may problema ba. Masama ba pakiramdam nya. Kaso, natatakot ako na mag simula na naman kaming mag away. Hindi naging maganda ang huli naming pag-aaway dahil sa pagiging malamig nya at ang kawalan nya ng oras sa akin. After naming mag-away nuon, akala ko sa hiwalayan na mapupunta. Di ko akalain na mag papakumbaba sya at sya ang unang lalapit sa akin. Niyakap nya ako habang humihingi ng sorry.
Sobra na akong naiinis dahil napaka misteryoso na nya. Parang di na sya ung Carlos na nakilala ko dati. Hindi nya sinasabi kung anong problema. Ang hirap nyang basahin.
"Sam, andito na tayo."
Dito sa Quezon City Memorial Square ako dinala ni Carlos. Tahimik ang lugar at parang magsasara na. Bumbaba si Carlos sa sasakyan at dere-deretchong naglakad. Madali akong bumaba at tumakbo para habulin si Carlos.
Hindi ko alam kung anong plano nya sa buhay pero di ko na napigilan ang aking sarili.
"Kaloy teka nga muna. May problema ba sa atin?"
Tumigil si Carlos sa pag lalakad at saka lumingon.
"Sam, walang problema. Okay naman ang lahat ah." naka-kunot na noong sagot ni Carlos.
"Hindi kaloy, sa tingin mo lang wala pero meron! Palagi na lang ba tayong ganito? Naghahabulan at nag huhulaan? Pagod na pagod na ako kaloy na intindihin ka! Pagod na pagod na akong basahin ka! Di na ako masaya!"
Sinusubukan kong kumalma at pigilan ang sarili ko sa pag-sasalita pero sumabog na lang ako. Di ko na nagawang awatin pa ang sarii ko. Si Carlos, nanatiling walang kibo at hindi nag sasalita.
"Carlos, sagutin mo nga ako. Mahal mo pa ba ako?"
Nanatili parin syang tahimik at walang kibo.
"Mahal mo pa ba ako? Sagutin mo ako!"
Hindi parin sya nag salita at bagkos iniiwas nya ang kanyang mga mata.
"Sa tingin ko mas mabuti pang mag-hiwalay na tayo. Paulit-ulit lang nating sinasaktan ang isat-isa. Pagod na pagod na rin ako Kaloy. Pagod na pagod na ako"
Di ko na napigilan ang patuloy na pag tulo ng luha ko. Tumalikod ako kay Kaloy. Naramdaman ko na lang na bigla nyang hinawakan ang kaliwa kong kamay. Di ko alam kung bakit, pero tinanggal ko ang mahigpit nyang pagkakakapit. Dere-deretso akong nag lakad papalayo sa kanyang kinatatayuan. Di ko sinubukang lumingon. Patuloy parin ang pag tulo ng luha ko. Sinasabi ko sa sarili ko na
"Kaloy, pigilan mo ako. Wag mo akong hayaang umalis...."
Pero kasabay ng pag-lubog ng araw, hinayaan nya na ako at tuluyan ko na rin syang iniwan.
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomansaMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...