*Ring...! Ring.............!"
"uhm..... Hello?"
"Kamusta na ang babe ko?" sagot ng isang lalaking may malaking boses.
"Marco?"
"Yes, Sam. Antok pa ata ang babe ko?"
"Medyo, pero okay lang. Babe, I' m sorry. I forgot to text and call you kagabi. Andito na ako sa Batangas. Napuyat kasi ako kagabi eh. Napasarap ang kwentuhan namin ni Karla."
"it's ok babe. So, how was the party?"
"hmm...Okay naman. Masarap ang pagkain. Meron nung favorite ko. Kare-kare! Ang sarap! Tapos after namin kumain, nag swimming naman kami. I met new friends. Mga kamag anak ni Karla at George. Mababait naman silang lahat. Babe ang lamig dito at ang ganda pa. Sayang wala ka."
"I'm sorry babe. Call of duty eh. Hayaan mo, next time babawi ako sayo. Babe, kain ka na po ha. Sige babe, tinatawag na kami ni Cpt. Marasigan. Be safe okay? I miss you so much."
"Ikaw rin babe. Mag-iingat ka palagi ha? I miss you."
"Opo, promise. Mag-iingat ako palagi. I love you."
"I love you too. Bye."
Biglang pumasok si Karla sa Kwarto.
"Sam, gising ka na pala. Kumain ka na at pagkatapos ay may pupuntahan tayong dalawa! I to-tour kita gurl! Wag ka mag-alala, nag-paalam na ako kay George. Tsaka, minsan ka lang naman pumunta dito kaya i-sagad na natin!"
"Ay nako Karla. Di ka parin nag babago. Mommy ka na pero ang lakwatsera mo parin. " kasunod ang malakas kong tawa.
"Sam naman. Ano ka ba? Bakit? Bagets pa naman tayo ah. Gurl... Hello. 24 years old pa lang tayo okay? Yes, mommy na ako, but still. We have the right to have fun. Di ko naman nakakalimutan responsibilidad ko bilang asawa ni George at ina ng anak ko. Kaya, let's go gurl!"
"oo na. Eto na po. Liligo lang ako okay? Sige susunod na lang ako sa labas."
"sige ha.. hihintayin kita. Make it fast kasi baka tanghaliin tayo."
"oo na. Lumabas ka na. Ang kulit-kulit mo talaga Karla. Wala kang kupas"
Isinara na ni Karla ang pinto at ako naman ay pumunta na sa loob ng banyo. Binuksan ko ang shower at buti na lang mainit ang tubig na lumabas.
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomansaMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...