"7:30am ng Umaga:
January 15,2012. Ngayon ang 20th birthday ni Carlos. Nagmamadali akong pumunta sa banyo. Tinanggal ko ang aking damit at shorts saka ko binuksan ang shower. Kinuha ko ang shampoo at nag lagay ng sapat lang sa mahaba kong buhok. Sinabunan ang bawat parte ng aking katawan. Ang araw na ito ay espesyal. Hindi para sakin, pero para kay Carlos. Mag iisang buwan na nung huli kaming magkita at minsan na lang din sya mag paramadam sa text o kahit msg sa FB dahil sa sobrang busy. Nang grumaduate kami sa UST ng kursong accountancy, nag patuloy parin sya ng pag-aaral ng Law sa San Beda at ako naman ay nag simula ng magtrabaho sa BDO pagkatapos na pagkatapos kong ipasa ang board exam. Si Carlos ang number 1 at syempre ako naman ang number 2.
Si Carlos matalino, mayaman pero simple at anak ng isang mayor sa isang probinsya sa Batangas. Isang sikat na negosyante at lawyer rin ang kanyang ama. Ang dalawa nyang nakakatandang kapatid, mga abogado na rin at active din sa politika. Wala na silang ina, dahil namatay sa car accident nung 12 years old pa lang si Carlos. Ayon sa imbestigasyon, sinadya ang pag patay sa kanilang ina at pinalabas lang na isang aksidente. Ang number 1 suspect? Mga kalaban ng kanyang ama sa politika.
Nag tapis na ako ng aking towalya sa katawan. Pumunta ako sa cabinet, at kumuha pa ng isang towalya at pinantuyo sa aking buhok. Kinuha ko at isinuot ang Banana Republic black textured cowl-neck dress na binigay sakin ni Carlos nung birthday ko. Binuksan ko ang drawer ng cabinet para kunin ang blower at gamitin para mapabilis ang pagpapatuyo ng mahaba kong buhok.
Makalipas ang isa at kalahating oras, tumunog ang doorbell ng condo ko. Nagmamadali akong tumakbo sa pinto dahil baka si Carlos na ito.
"Ma'am. Ito na po ang pina laundry nyo. Ma'am check nyo po agad ang laman ng plastic, baka po kasi may kulang"
Kinuha ko ang mga damit na inaabot sakin ng isang maliit, nakapula na damit at blue na pantalon na babae.Sobra akong nadismaya dahil hindi si Carlos ang nasa labas ng pinto.
"Salamat po ate. Check ko na lang mamaya." Ngumiti ang maliit na babae.
"Be happy ate" sagot ng babae at saka umalis.
Bumalik ako sa loob ng kwarto at umupo sa kama. Patuloy parinakong naghintay sa pag dating ni Carlos. Binuksan ko ang plastic para i-check ang mga pinalaundry ko.
"naku naman, nakalimutan ata nila na ang sabi ko ay wash and press hindi wash and fold"
Lumipas ang ilan pang oras. 12:00 pm na at hindi parin sya dumarating.
"Nakakainis na. Ano bang problema nya. Ni hindi na nga sa nagpaparamdam at nagpapakita. Dati pinag hintay nya rin ako sa eastwood! HIndi sinundo sa opisina. Ano ba yan. Hindi na sya tulad ng dati! Nakakainis ka kaloy!"
Ibinato ko ang isang malaking cudler teddy bear na binigay sa akin dati ni Carlos. At maya-maya, bigla na lang tumunog ulit ang door bell. Paulit-ulit walang tigil.
"Teka lang, sino yan?"
Nag mamadali akong lumabas, dahil naiirita ako sa maraming beses na pagpindot sa doorbell ng kunsino man ang tao sa labas. Binuksan ko ang pintuan.
"Sino po sila?!"
Nang tiningnan ko, wala namang tao sa labas. Nakakainis diba? Baka mga bata lang sa kabilang kwarto. Pinag lalaruan ang door bell. Bumalik ulit ako sa loob ng kwarto at sabay sa pag upo ko, tumunog ulit ang door bell. Nag madali akong tumayo at tumakbo paputa sa pintuan para maabutan ko ang mga batang makukulit na pinaglalaruan ang door bell ng kwarto ko.
"Wag ninyong pag laruan ang door bell ko!!!!"
Malakas ang aking pagkakasigaw. . Pero di pala mga bata ang aking dadatnan. Kundi isang matangkad na lalaki na naka Topman white stripe roll sleve polo at stone canvas na shorts.
"Hi Sam. Ok ka lang ba para kasing mainit ang ulo mo. Sorry late ako"
"Ahh. Walang problema. Kanina pa nga kitang hinihintay eh. Nakakain ka na ba?" ang sagot ko.
"Hindi pa nga eh, tara kain muna tayo?"
"Sige, sandali lang ha. Kukunin ko lang ang bag ko sa loob"
Si Carlos pala at hindi mga bata ang nasa labas. Hinihintay ko na meron syang i-aabot na bulaklak, chocolate o kahit ano. O kaya naman, yakap man o halik na kadalasang ginagawa nya noon sa tuwing bibisitahin nya ako. Pero ni isa wala. Nakakapanibago dahil ngayon lang sya dumalaw na wala man lang ginawa sa mga inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...