Di ko alam pano ko sisimulan ang pag-hahanap kay Sam.
Ngayon andito ako sa Maynila. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang pag-hahanap. Sa laki ba naman ng maynila, kamalayan ko kung asang lupalop na ng mundo si Sam.
Grabe. Ito lang atang traffic sa Maynila ang napansin kong hindi parin nag-babago. Tapos nag kalat parin ang mga basura sa daan. Mga pulubing sumasakay sa loob ng jeep sabay abot ng mga puting sobre. Yung iba may dala pang lata at ginagawang tambol habang kumakanta. Ang iba naman ay may dalang basahan at pupunasan ang sapatos mo o kahit di ka nakasapatos pupunasan parin nila.
Haiii.. Sa likod ng sasakyan, kasama ko si Kuya Jerome at tahimik na natutulog. Bago ko pa sya napapayag kagabi para samahan lang ako sa lakad ko ngayon. Buti na nga lang talaga at pumayag sya.
"Hai.. Isip kaloy isip. Anong una mong gagawin?"
Biglang may bumusina sa likod ng aming sasakyan. Sa sobrang lakas, nagising si kuya Jerome. Nakakatawa ang itsura ni Kuya. Sa sobrang gulat nya sa bosina nahulog sya sa upuan.
"Carlos, asan na ba tayo? 12:30 pm na ah. Ngaugutom na ako eh. Di ba pwedeng tumigil muna tayo para makakain?"
"Tamang-tama andito tayo ngayon sa Padre Faura. Siguro naman, andito parin ang Robinsons?"
"Oo naman nakatayo parin naman dyan." patawang sagot ni kuya
"Sige dito na tayo kumain. Para makapag-pahinga din muna tayo. Halata ko nga kuya na gutom ka na eh. Tingnan mo nga yan! May panis na laway ka pa sa mukha. Punasan mo nga yan. Abogado ka pa naman tapos ganyan itsura mo. hahaha"
"Tigilan mo nga ako. Pasalamat ka nga at sinamahan pa kita ngayon eh. Ang dami ko kayang naiwang trabaho sa opisina. "
Biglang natigilan si Kuya Jerome sa pag sasalita.
"Oh? bakit ka natigilan? Nabahuan ka na ba sa hininga mo kaya ka natigilan hahahaha?"
Biglang ngumiti si kuya Jerome.
"Alam mo Kaloy. Yan ang namiss namin ni Papa sayo. Sa totoo lang, after 5 years ngayon lang kita ulit narinig at nakitang tumawa ng ganyang kalakas. Buhat kasi nung maghiwalay kayo ni Sam, nag-iba ka na."
Napangiti ako sa sinabi ni kuya.
"Alam mo kuya. Kapag walang tawang malakas at walang kalokohan, hindi si Kaloy yun. Mabuti narin pala na nag-kaamnesia nga ako. Tingnan mo, ito na ulit ako. Ung dating kaloy na sinasabi mo."
"Oo nga eh. Ang kulit-kulit mo na nga ulit. Tama na nga. Gutom na gutom na ako. Tara na ngang bumaba."
Bumaba na kami ni kuya sa sasakyan. Pumasok kami sa loob ng Robinsons. Inobserbahan ko ang buong mall para tingnan kung meron bang pagbabago pero sa tingin ko, parang wala naman.
Bigla kong nakita ang isang payat na lalaki. Naka cream polo shirt at naka tie. Tiningnan ko sya ng mabuti para kasing namumukhaan ko sya..
"Jason?"
Nakita ako ni Jason at parang gulat na gulat sya.
"Jason! Bespren!"
Hindi ko alam pero para kasing takot na takot sya. Lumapit ako sa kanya at pagkatapos, bigla na lang syang tumakbo papalayo sakin.
"kuya sandali lang ha!"
"Teka san ka pupunta!?"
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
Lãng mạnMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...