"Asan ako?"
Ito ang unang salita na lumabas sa akin. Pinipilit ko pang ibukas ang aking mga mata para makita ko ng maayos ang malabong imahe ni papa.
"Papa, ano pong ginagawa ko dito? Asan ako."
Unti-unting lumilinaw ang aking paningin. May oxygen na nakakabit sa ilong ko. May swero sa kaliwang kamay ko. Nakikita ko sa kanan ni Papa, katabi nya si Kuya Arnold at Kuya Jerome. Nakikita ko silang lahat umiiyak na nakangiti. Pilit kong inuunawa ang mga nangyayari.
"Anak, masaya kami nang mga kuya mo dahil nag balik ka na ulit samin."
"Carlos, tatlong buwan ka ng natutulog sa kamang ito. Akala nga namin ni Papa at kuya Arnold di ka na magigising"
"Oo nga Carlos. Araw-araw ka ngang pinag dadasal nila Papa. Lagi syang sinasamahan ni Jane sa simbahan para ipag pamisa at ipagpa-novena ang mabilis mong pag-galing. Salamat sa Diyos dahil okay ka na!" sagot ni kuya Arnold.
Sobra akong naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko rin maunawaan si kuya Arnold. Di ko maintindihan bakit kelangan ako ipag-dasal, ipag-pamisa o ipag-panovena.
"Kuya Arnold, sino si Jane? Sya ba ang bagong secretary ni Papa sa firm?
"Palabiro ka talaga anak. Hindi ko sya secretary. Sya ang asawa ng kuya Arnoldmo. Di mo ba natatandaan?"
Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Di ko alam na kinasal na pala si Kuya Arnold. Akala ko nga tatanda na syang binata dahil sa pagka-workaholic nya.
"Carlos, alam mo ba kung anong petsa ngayon?" nakangiting tanong ni kuya Jerome
"Oo, September 30, 2009. Kahapon, nanumpa si Papa bilang Mayor ng Lipa."
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kuya jerome at lahat sila ay natigilan. Tiningnan ko ulit sina Papa. Pakiramdam ko, parang may kulang. Oo tama may kulang.
"Papa, nasan na si Sam? Bakit wala siya dito. Tama. Naaalala ko na po ang lahat. Kahapon ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil kahapon naging Mayor kayo at kahapon din, sinagot ako ni Sam."
Nagkatinginan sila papa at kuya matapos kong sabihin ang mga ito. Napaisip ako. May mali ba sa mga sinabi ko?
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...