Chapter 9: Amnesia

11 0 0
                                    

"Sir, nagkaroon po ang anak ninyo ng retrogade amnesia. The loss of pre-existing memories to conscious recollection, beyond an ordinary degree of forgetfulness. This type of amnesia first targets the patient's most recent memories. The amount of memories lost depends on the severity of the case. The person may be able to memorize new things that occur after the onset of amnesia but is unable to recall some or all of their life or identity prior to the onset. Sa kaso ng inyong anak, ang tanging maaalala nya na lang ay lahat ng pangyayari hanggang sa petsa na September 30, 2012"

*reference: www.wikipedia.com :D

Naririnig ko ang pag-uusap ng doctor at ni Papa. Sobra akong nagugulat sa mga naririnig ko.

"papa" pinipilit kong sabihin.

"papa" lumapit si papa sa tabi ng kama ko.

"Anak, bakit? May masakit ba sayo? Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Pinilit kong inimulat ang mga mata ko at saka tumingin kay papa.

"Papa, sagutin mo naman ako. Asan si Sam? Bakit wala sya ngayon dito?"

Biglang iniiwas ni papa ang mga mata nya sa akin.

"Papa, handa akong malaman ang buong katotohanan. Gusto ko lang ay sagutin mo ako para naman sa ikagagaan ng loob ko."

natatakot ako sa maaaring isagot ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa isasagot nya. Unti-unti, tumngin sya sa akin at saka sinabing..

"Anak, 5 years na kayong hiwalay ni Sam."

Nagulat ako sa sinagot ni Papa. Tinanggal ko ang pagkakatitig nga aking mga mata sa kanya. Saka ako pumikit at sinubukang alalahanin ang mga nawala kong ala-ala. Pero, nabigo ako dahil kahit anong pilit kong alalahanin, ang nakikita ko lang ay ang alam kong nangyari kahapon. Na masaya kaming magkasama ni Sam habang hawak ko ang mga kamay nya at kahapon ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil sinagot nya ako.

Sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko, di ko na napigilan ang mga mata ko at tuluyan ng umagos ang mga luha. 

My Diary: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon