"Arnold, dali tawagin mo ang doctor" nangangatal na sinabi ni papa.
"Teka papa. Anong problema? May nasabi ba ako o nagawang mali?"
"Kaloy, kumalma ka lang. Makinig ka. Alam ko hindi ito magiging madali para sayo. Kaloy, kung di mo naaalala. Tatlong buwan na ang nakalipas nung maipanalo mo ang kaso ni Mr. Cruz. Sobra ang tuwa mo noon at kami rin nila Papa. Nung araw din na yun, nag paalam ka. Mag ce-celebrate kayo kasama ang mga kaibigan mo sa Ilocos. Pupunta sana kayo sa Pagudpod. 9 ng gabi bigla kaming naka-tanggap ng tawag galing sa mga pulis. Nabangga daw ang van na sinasakyan nyo. Lima kayong naka sakay sa van at sa inyong lahat, ikaw ang pinaka naging critical ang lagay." sagot ni kuya Jerome.
"Kuya di ko yan maalala. Ang naaalala ko lang, 3rd year ako sa college. Accountancy ang kurso ko. Si Sam, girlfriend ko. Si karla ang bestfriend nya. Si George ang manliligaw ni Karla. Si Jason ang bestfriend ko. Yun lang ang naaalala ko wala ng iba!"
"anak, kumalma ka lang. Baka sumama ang kundisyon mo. Jerome tama na. Wag muna ngayon"
Natahimik si kuya Jerome at napa bugtong hininga.
Pinilit kong bumangon sa kama at hinila ko ang damit ni kuya Jerome.
"Kuya sabihin mo sa akin. Asan si Sam. Asan sya?!"
Di ko napigilang umiyak. Paulit ulit ko syang tinatanong pero di sya sumasagot.
"Anak kumalma ka lang. Bitiwan mo ang kuya mo at humiga ka na ulit. Baka maging masama na naman ang lagay mo." nagmamakaawang sinasabi ni papa.
Biglang pumasok sa pinto si Kuya Arnold, isang doctor at 4 na lalaking nurse sa kwarto. Tulong-tulong nila akong kinuha kay Kuya Jerome at pinahiga sa kama. Inilabas ng doctor ang syringe at saka itinurok sa akin. Di ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng panghihina. Unti-unti nararamdaman ko na lang na bumibigat ang aking katawan at mga mata hanggang sa tuluyan na akong bumigay at mapapikit...
"Sam asan ka....."
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...