Nag-lakad ako sa gitna sa loob ng simbahan papunta malapit sa altar. Habang ako ay naglalakad, kapansin-pansin na marami naring nagbago sa simbahan. Mas gumanda pa kesa sa huling itsura na naaalala ko. Ay, nakalimutan ko. Nag ka amnesia nga pala ako. Ang hirap makipag usap sa mga tao kasi baka mapahiya lang ako.
Habang nag lalakad rin ako papunta malapit sa altar, napapansin ko na ang lahat ng mga tao na aking nakakasalubong ay nakangiting tumitingin sa akin.
May isang matandang ale na bigla na lang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Sir Kaloy. Andito na po pala ulit kayo sa Batangas . Maraming-maraming salamat po. Dahil po sa tulong mo napa operahan na po ang aking apo. Ito nga po sya at malakas na."
Katabi ng ale ay isang batang babae.
"Marami pong salamat Sir Kaloy. Ako po si Andrea, ang batang tinulungan nyo po."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, basta ang sinabi ko na lang ay..
"Wala pong anuman."
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinakaharap na upuang malapit sa altar. Lumuhod at saka nagdasal. Taimtim akong nag-dadasal. Maya-maya na lamang ay naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko.
" kaloy?"
Natigilan ako sa aking pag dadasal at saka umupo sa upuan. Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin at pagtingin ko.
"Father Jaban?"
"Oo kaloy!Salamat sa Diyos at nakaligtas ka na. Walang araw na hindi ka pinag-dadasal ng lahat ng kaparian dito."
Si Father Jaban ang pari dito sa Mt. Carmel. Malapit sya sa aming pamilya dahil sya pa ang nagkasal kena Mama at Papa at sya rin ang nagbinyag sa amin nila kuya.
"Wag ka mag-alala Kaloy. Alam ko na ang lahat. Nawala ang ilan sa 'yong memorya."
"Father, pag gising ko na lang ang naaalala ko na lang po ay yung mga araw hanggang September 30, 2009. Di ko po maintindihan. Ano po ba ang plano ng Diyos. Bakit nya to ginawa sa akin?"
"Anak, di ko rin alam. Pero, lahat ng ginagawa ng Diyos may dahilan. Hindi ko masasagot ang tanong mo pero darating ang panahon, ikaw mismo ang makakatuklas at makakahanap ng kasagutan."
Napabugtong hininga ako sa mga sinabi ni Father Jaban sa akin. Muli ko syang tiningnan pero may nakakuha ng atensyon ko. Sa malayo, parang natanaw ko si Sam. Hindi ko sigurado pero para talagang si Sam.
"Father marami pong salamat. Pero kelangan ko na pong umalis."
"Sige anak, mag-iingat ka."
Nagmadali akong tumayo at sinundan ang direksyon kung san ko nakita si Sam. Natatanaw ko ang isang babae. Naka jeans at blue na t-shirt. Malapit ko na syang abutan. Maikli ang kanyang buhok. Nag-dalawang isip akong lapitan sya dahil sa aking pag kakaalam, mahaba ang buhok ni Sam. Pero limang taon na ang nakalipas. Baka nag pagupit na sya. Kaya mas binilisan ko pa ang aking pag -lalakad. Hanggang sa maabutan ko sya at mabilis kong hinawakan ang kaliwa nyang braso...
"Sam?"
Lumingon ang isang babae. False alarm. Di pala sya si Sam. Nakakahiya at nakakadismaya. Sa sobrang pagka desperado ko na makita ulit sya, lahat na lang nga nakikita ko akala ko si Sam.
Nagpatuloy na ako ng paglalakad pabalik sa aking sasakyan. Habang bumababa ako ng hagdanan, nabuo ang isang desisyon sa utak ko.
Marahil, Ito ang dahilan ng pangalawang buhay na bingay sa akin. Ang bumalik sa sarili kong nakaraan para itama ang pagkakamali ko noon at iyon ay ang pinakawalan ko si Sam.
Ano ba yan, ang korny naman nito. Parang ang babaw naman ng dahilan ko. Pero kung hindi man iyon ang dahilan ng diyos. Susubukan kong tuklasin ang hanapin ang mga kasagutan sa tanong ko. Tama si Father Jaba. Bukas na bukas luluwas ako ng Maynila at hahanapin ko si Sam.
"Sam. . Andito na ako."
************************************************************************************************************
Sa Kabilang pinto, papasok palang sina Sam at Karla habang bumababa naman si Carlos ng hagdanan papalabas ng simbahan.
**********************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...